"Saan naman ako makakahanap?" napahilot ako sa sintido ko habang narito sa veranda at nagpapahangin.

"Okay, subukan ko i-ask si Yaya Violly if may knows siyang trusted Yaya. And I call you again if I have a news, okay?"

Napahinga ako ng malalim, "Okay. Thanks, Miracle. Huwag muna ipaalam kay Mum, baka pauwiin lang kami d'yan."

"Okay. I got it."

Nagbabaan na kami ng tawag at binulsa ko ang phone.

Yaya? Ewan ko kung may makakatagal.

"Papa! I broke the oven."

Napapikit ako ng magsalita sa likod ko si Iron. Damn it!

-

JEWEL

Mabilis na sumakay ako ng bus dahil baka maubusan ako ng upuan.. Bitbit ko lamang ang bag na naglalaman ng damit ko. Mula sa batangas ay pupunta ako ng Pampanga para mag-trabaho. Hindi dapat pero kailangan, para makabayad ng utang.. Hindi ko nga maalala kung paano ako nagkaroon ng utang, basta sinisingil nalang ako bigla dahil may utang daw dati ang mga magulang ko na wala na rin sa mundo.

Galingan mo, Wel. Ayokong mapahiya kela Madam at Sir.. Basta puntahan mo nalang ang address na binigay ko.

Nag-text sa akin si Manay Violly--ang nag-rekomenda sa akin sa amo niya. Talaga naman itong si Manay, tingin ata sa akin ay palaging pumapalpak.

Oho, Manay. Huwag na kayong mag-alala.

Pagkatapos ng text ko ay naisipan ko munang matulog tutal ay matagal pa ang byahe.

Kay haba ng byahe. Halos mabagot lang ako. Mabuti pa ang mga kasabay kong pasahero may pang libang sa sarili..

Inayos ko ang salamin ko sa mata at napakamot ako sa naka pigtail kong buhok. Tinignan ko ang terminal at nag-unat ako bago magtanong-tanong saan pasakay papuntang pampanga. At mabuti naman may nakapagturo sa akin. Ang layo pala. Pagod na ako at gutom.

"Hey, Miss. Naliligaw ka ba? Baka gusto mo tulungan kita?"

May bigla-bigla nalang lalake na lalapit sa akin tapos tingin ko hindi mapagkakatiwalaan.

"Pasensya na ho, Manong. Ako'y mas matanda pa sa iyo. Hindi lang halata, pero ako'y gurang na."

Natawa ito, "Mukha nga. Pero mukha ka naman mapapapakinabangan." pilit pa niya.

Umiling ako, "Ay nako! Hindi muna ako mapapakinabangan, sapagkat ako ay makunat na sa loob."

"Patingin nga."

Nagawa ko nang mag batangeñyo, e, hindi pa rin tumalab. Napaisip ako at umiyak.

"Ang totoo, Kuya. Lalake ako dati at hanggang ngayon ay nandito pa ang talong. Sige, kung gusto mong makita ipapakita ko."

Iaangat ko sana ang palda ko ng masuka-suka na agad umatras siya. Tinukso ko siya na ambang ipapakita ko ng kumaripas siya ng takbo kaya natawa ako.

Napailing ako at sinimulan nalang magtanong-tanong kung saan ang Jara. Doon kasi ako pinapapunta.

"Ale, pwede po bang magtanong?" nakita ko kasi ang ale na nagtitinda ng sari-sari sa mini talipapa niya.

"Ano 'yon, Hija?"

"Saan po ba ang Jara? Malaking amusement park din daw po 'yon."

"Jara ba kamo?" tumango ako, "lakarin mo lang 'yan sandali." turo niya sa kalsada kaya tumango ako, "at makikita mo ang maganda at malaking mga establisyamento."

Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora