"Okay, Jollibee or Mcdo?" Ngumisi siya sa akin. "Jollibee then." Lumapad ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko. She loves Jollibee so much. Iyon ang unang bagay na nalaman ko tungkol sa kanya. Make her choose between Jollibee and fine dining restaurant, she would always go for Jollibee.

As usual we got take home orders from Jollibee. Although she's trying to reconnect with other people, still I understand that it would be a long process, so for now I'm letting her take her time, sapat nang malaman ko na kusa na siyang nagpapa- appointment kay Dr. Kaye.

"Let's eat sa garden?" Tsaka siya tumingala at pinagmasdan ang maraming bituin ngayong gabi. "And do stargazing?" Alanganin siyang tumingin sa akin, tila nahihiya sa naging suhestiyon niya. "Pero you can go home after we eat, we'll see each other naman tomorrow." She said avoiding my gaze. I chuckled. Kunot-noo niyang hinanap ngayon ang paningin ko.

"Marunong ka nang magtampo ngayon." Tumawa ako, inirapan niya lang ako dahil doon. Hinila ko siya payakap sa akin, sinubsob niya ang mukha niya sa a king dibdib kasabay nang paghawak niyang mabuti sa damit ko. "Patingin nga ng magandang mukha mo," marahan kong inangat ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanya nang malapad, nakasimangot pa rin. "If only I can kiss you." Bulong ko, narinig niya iyon subalit hindi naman siya nagpakita ng kahit anong reaksyon. "Tara na nga, kumain na tayo, pagkatapos ay mag-s-stargazing. Kailan pa ako humindi sa'yo?" I think she just giggled.

Nagpaalam kami kina Tita Cerys at Tito Kal na sa garden kami kakain, niyaya rin namin sila kung gusto nilang sumabay na sa aming kumain subalit tumanggi sila. Tita Cerys even joked that it's our alone time together. "Botong-boto talaga sa akin si Tita Cerys, kailangan mo kaya ako sasagutin?" Pabiro kong tanong sa kanya, marahas siyang napalingon sa akin, namumula ang tainga habang namimilog ang mga mata, gulat na gulat at mukhang kabado. "Biro lang..." pagbawi ko agad.

"I'm sorry...but I assure you, I'm really trying." Tumitig siya sa akin. "It's not that hard to like you, I'm just taking time...masaya kasi ako sa ganito. Kuntento ako sa ganito pa lang tayo." Nilibot niya ang tingin sa buong garden nila bago muling tumitig sa akin. Hinintay kong tapusin niya ang gusto niyang sabihin. "Masaya ako na kaibigan kita. Masaya ako na manliligaw kita. Masaya ako sa kung anong mayroon tayo ngayon. At ayaw ko na mawala ka, ito ang mahalaga sa akin ngayon." With that sudden confession, I know my heart did stop beating for awhile. Damn it. Naramdaman ko iyon. Yung sudden knock on my chest, na hindi ko maipaliwanag, hindi masakit sa pakiramdam kasi sobrang nakakagaan.

"Thank you! Sapat na sapat na iyon sa akin." Tsaka namin pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga t-in-ake- home naming pagkain sa Jollibee. Hindi na gaanong crispy ang chicken joy dahil lumamig subalit hindi ko nakitaan si Yshara nang pagbabago sa paraan ng pagkain niya rito. This will always be her favorite. Hindi ko maalis ang titig sa kanya.

"Naiilang ako sa titig mo," napangiti ako dahil nagsign language siya habang hawak pa rin ang chicken joy, hindi talaga binibitiwan bago niya muli itong kinagatan, ngayon ay nakikipagsukatan na siya ng tingin sa akin. Hindi ako nagpatalo at ginaya ko ang pagkagat niya sa chicken joy, sa huli ay natawa kami pareho nang sabay naming maubos ang laman nito at buto na lamang ang natira.

Kinuha ko ang kamay niya at pinunasan ito gamit ang wet wipes, hinayaan niya lamang ako habang pinapanood ang ginagawa ko. Dinahan-dahan ko ang pagpupunas na tila ba minimemorya ang hubog ng mga daliri niya, hinila niya ito nang mapansin ang ginagawa ko. "What?" Natatawa kong sabi sa kanya. "I'm not gonna do anything that'll make you feel uncomfortable." Sinamaan niya ako ng tingin. "Baby, seryoso ako..." agap ko at sinenyasan siyang iabot sa akin ang kamay upang matapos ang pagpupunas nito. "After this we'll do stargazing." Ani ko.

"Ayan okay na. Malinis na." Nahihiya siyang tumingin sa akin tsaka nagpasalamat. Nagpaalam siyang kukunin ang kanyang telescope na niregalo sa kanya nila Tita Cerys at Tito Kal noong 15 years old siya. Niligpit ko naman ang mga pinagkainan namin.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon