Ikalabing Dalawang Kabanata

1.4K 33 0
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
PART 12
Author: Carolina Barrios

Ginabi na ang dalawa dahil sa paglalaro ng basketball.

"Nakatatlong game tayo, isa lang panalo," sabi ni Eman.

"Kaya nga ee, lugi sanay na sila sa court nila ee,"

"Oo nga," sabi ni Eman.

"May flashlight ka ba, dilim na," sabi James.

"Wala ee sunod ka nalang sa akin, kabisado ko naman ang daan,"

Habang binabagtas ng dalawa ay may narinig silang tunog na malakas "ik,ik,ikikik." parang huni ng daga pero nasa mga puno sa taas nanggagaling.

"Ano yon Eman?"

"Aswang iyon pero malayo. pag humina ang tunog malapit na iyon sa atin, kaya bilisan mo ang lakad James," paliwanag ni Eman.

"Sige," sabi ni James.

Nakauwe naman ang dalawa ng walang nakita o nangyari.

"Oh ginabi kayo?" salubong ng mama ni Eman.

"Nagyaya pa ulit ng isang laro sila ma, kaya ginabi kami dapat kanina pa kami nakauwe," sabi ni Eman.

"Ah sige kumain na kayo,"

Kumain na ang dalawa at pagkatapos ay umakyat na sa itaas.

"Bukas laro ulit tayo, James talunin natin iyon mayayabbang purkit court nila, syempre gamay na nila,"

"Kaya nga Egul ee,"

"Anong egul James?"

"Egul, lugi binaliktad lang,"

"Ah ganun pala,"

Patulog na si Eman ng magsalita si James.

"Nga pala Eman, alam mo ba kung saan na ngayon nakatira si Leonora,"

"Ha? pinuntahan mo?"

"Oo kanina, kaya lang wala nang tao puro damo. tsaka baging,"

"Huwag mo nang puntahan si Leonora, matagal ng nag. asawa iyon,"

"Si Leonora, nag asawa na?"

"Oo hindi mo alam, sabagay paano mo malalaman. Ilang taon tayo walang komunikasyon."

"Akala ko pa naman makikita ko siya,"

"Bakit bigla mo nalalng siyang gustong makita, minahal mo ba talaga siya,"

"Syempre, minahal ko din siya kaso may mas mahal ako sa kaniya noon gf ko sa maynila. Kaya lang wala na kami, iniwan niya ako dahil baog ako,"

"Ikaw? baog!" malakas at gulat na sagot ni Eman. Kaya naman ka agad tinakpan ni James ang bibig ni Eman.

"Ano ka ba ang lakas ng boses mo, mamaya marinig nila tito,"

"Hindi ko mainitindihan, paano ka naging baog?" tanong ni Eman.

"Ewan ko lahat naman ginawa ko, kung ano-anong mga gamot ang ininom ko, ultimo paninigarilyo ko tinigilan ko," sabi ni James, habang nakakunot naman ng noo si Eman at pinapakinggan ang pinsan. Dahil hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ni James.

(Eman's POV)
Paano naman siya naging baog, ee binuntis nga niya si Leonora. Hindi kaya? hindi si James ang ama ni Jane?

Imposible! mata, ilong at bibig James na James. Legit anak niya talaga iyon. Hindi siya baog baka yung babae ang baog hindi siya.
Malaking gulo kapag nalaman niya tungkol kay Jane. Paano kung manggulo siya hula ko aswang din si Philip, iba siya tumungin pati nung nakausap ko siya noon.

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Where stories live. Discover now