Ikapitong Kabanata

1.6K 42 0
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
(AswangEngkanto Book 1)

Author: Carolina Barrios

Lumaki na ang anak ni Leonora na si Jane, apat na taong gulang na ang bata. Kung kaya't nagkaroon na ng pagkakataon si Leonora upang maghanapbuhay.

Karga karga ang anak, ay bumaba si Leonora sa bundok at naglakad ng halos dalawang oras. Hanggang napadpad siya sa siyudad na bais. ang pamilihan ng bais. Habang bitbit ang anak, nagpalinga linga si Leonora hanggang sa makita niya ang tindahan ng mga gulay, kong saan may isang sako sa gilid na naglalaman ng mga nasa 1/4 na mga monggo.

Lumapit si Leonora at habang lumalapit at may binibigkas, hindi man rinig pero nakikita sa buka ng kaniyang bibig na may sinasambit siya.
At nang makalapit siya, kinuha ni Leonora ang sako na walang pag aalinlangan. Kahit marami ang tao sa mga oras na iyon ay ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Leonora. Para baga siyang isang invisible sa mga mata nila.

Nang makuha na ni Leonora ang sako, pinaglakad niya ang anak at naghanap sila ng tindahan ng plastic. Bumili si Leonora ng isang balot ng plastic ng yelo. At naghanap ng ma pepwestuhan. Nakakita naman siya sa hindi kalayuan na may nakasaradong puwesto. Kaya sa harap non ay doon sila naupo ni Jane.

"Jane upo lang diyan anak, mag rerepack lang si nanay,"

"Opo nay," at sumunod nga ang bata sa kaniyang ina. Habang nagrerepack si Leonora ay tahimik naman si Jane na tumitingin sa mga taong nagdaraan, at kapag nginingitian siya ng mga ito ay ngumingiti din siya kaya marami ang natuwa.

Isa na dito ang isang ginang, pauwe na sana siya ngunit nakita niya ang napaka gandang bata, kaya nginitian niya ito. At nginitian naman siyang balik ng bata, kaya para makabawi ay huminto ito at nagtanong kay Leonora.

"Magkano sa monggo ne?"

"Sampo lang po isang balot," sagot ni Leonora sa ginang.

"Pagbilan ako dalawang balot,"

Agad naman binigyan ni Leonora ang ginang.

"Salamat po," sabi ni Leonora.

"Salamat po," sabi ng cute na si Jane.

"Ahaha nakakatuwa naman ang anak mo."

at ayon nga ang bwena mano nila, hanggang sa dumagsa na ang bumibili sakanila. Naubos na nga ang tinda nila, at tuwang tuwa naman si Leonora dahil sa kaniyang anak kaya sila nakabenta ng marami.
Matapos magtinda ay pasan pasan niya ang kaniyang anak at namili ng bigas, mantika at isang tray ng itlog.

Matapos mamili ay umuwe na ang magina sakanila sa cansaya. Hindi alintana kay Leonora ang pagod habang naglalakad bitbit ang bigas at sako, nakatulog nadin ang batang si Jane sa likod ng kaniyang ina.
Pag uwe sa bahay, nilapag na muna niya sa higaan ang anak.

"Napagod ang anak ko, mamaya nalamg kita gigisingin pagkaluto ko."

Kumuha si Leonora ng kaldero at nagsaing.

Samantalang sa kampo habang nakapila ang mga lalaki kasama na si Philip, upang kuhanin ang sahod nila para ngayong araw.

Nang si Philip na ang nakapila.

"Philip, Philip walang Philip dito sa listahan,"sabi ng lalaki.

"Ha bakit?" sagot ni Philip.

"Hindi ko alam Philip, taga bigay lang ako ng sahod niyo. Itanong mo nalang kay boss,"

Lumakad nga si Philip at pinuntahan ang kanilang boss. Naka polo shirt ito at pantalon.

"Boss, wala po ako sa listahan ng sasahuran."

"Ah oo Philip pasensiya na, kasi binawas ko sa sahod mo ang base na nabasag mo nong nakaraan. Sa totoo lang kulang pa nga sahod mo para doon,"

"boss hindi ko naman sinasadya iyon sir, maniwala kayo."

"Alam ko naman na hindi mo sinasadya kaya lang sobrang mahal yon, isang buwan ng sahod mo kulang pa para doon. Kaso kawawa ka naman kong isang buwan wala kang sasahurin kaya ginawa ko tuwing linggo nalang,"

"Sinabi niyo sana kanina para hindi na ako pumila, umuwe nalang sana ako boss,"

"Pasensiya na busy ako kasi kanina, kayat hindi ko nasabi. Pero bukas sasahod ka naman,"

Hindi na nga nakapagsalita si Philip, bitbit ang bag umalis na lamang ito na walang sinasabi sa kaniyang boss.

Nang makauwi si Philip ay naabutan niya si Leonora na sinusubuan ang anak.

Agad niyang tiningnan aang plastic sa mesa at puro bigas, itlog at mantika lamang ang nakita niya. Dito na nag init ang ulo ni Philip at napagsalitaan si Leonora.

"Ano nanaman ba ito? bakit parati nalang pagkain ni Jane ang binibili mo. Wala manlang para sa atin,"

"Pshh Philip ano kaba, naririnig ka ng bata. Mamaya na tayo mag usap pwede?"

Nanahimik na nga si Philip. Matapos pakainin, linisan at bihisan ni Leonora ang anak.

"Nay galit ba si tatay sa akin?"

"Hindi anak, pagod lang iyon si tatay mo. Talikod anak lalangisan kita,"

Nilalagyan ni Leonora palagi ang bata ng langis pagkatapos maligo o maglinis nito, para hindi ito maamoy ng mga aswang sa paligid.

Pagkatapos ay pinatulog na muli ni Leonora ang bata at agad pinuntahan si Philip sa higaan nila.

"Philip ano ba problema mo?"

"Wala, wag mo nalang intindihin iyong kanina,"

"Wala kang uwe?"

"Wala nga ee, kasi wala akong sinahod kainis na flower base na yon,"

"Bakit anong nangyari,"

"Nakabasag ako ng flower base kaya sinisingil saakin ni boss ang bayad doon. Isang buwan na sahod ko ang utang ko, pero tuwing linggo lang iaawas."

"Ah buti naman, bukas may sahod kana. Akala ko kasi maguuwe ka ng pagkain natin, kaya hindi na ako bumili,"

"Hindi ko naman din alam na babayaran ko iyon base, akala ko wala lang ng nabasag ko iyon,"

"Gutom na ako, tara punta tayo sa blackmarket ngayon,"

"Wala nga akong sinahod Leonora,"

"May sobrang pera ako dito, galing sa kinita namin ni Jane."

"mabuti naman, tara na,"

"Sandali magbibihis lang ako, ikaw din magbihis ka na,"

"Ok sabi mo ee,"

Kapag walang nabibili si Philip na pagkain nila ay palagi talagang may nakatabing pera si Leonora para pambili nila ng pagkain dalawa. Hindi dahil ayaw niyang magutom kundi pinoprotektahan niya ang kaniyang anak. Dahil isang aswang si Philip, kung kaya hindi maalis ang takot kay Leonora. Kaya naman ang ginagawa nalang niya ay huwag pabayaang magutom si Philip. Dahil hindi iyon imposible na maging hapunan ni Philip si Jane.
Unang una hindi niya ito anak, pangalawa isang tao si Jane, at pangatlo walang magrereport kung sakaling kainin ni Philip si Jane. Kung magrereport man siya ay hindi din siya paniniwalaan. Baka nga ikulong pa siya dahil isa din siyang aswang. Hindi din siya papaburan ng mga lahing aswang, dahil labag sa lahi ng mga aswang na binuhay nila ang bata. Dapat pag tao ang bata, pagkalabas nito sa tiyan niya ay kinain na nila ito. Tiyak na malaking gulo kong malalaman ng mga aswang na nagpalaki sila ng isang tao.

Natapos na magbihis ang dalawa at isang iglap lang ay nawala na sila. Lumipad na pala sila at nagtungo sa tinatawag nilang blackmarket.

"Nandito na tayo sa blackmarket nakangiting sabi ni Leonora,"

ItutuLoy.....

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Where stories live. Discover now