Ikasampong Kabanata

1.5K 31 0
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
PART 10
Author: Carolina Barrios

Habang naglalakad halata na ni Fritz na tulala si James at tila ba malalim ang kaniyang iniisip.
Nakarating na sila sa karinderya at umupo sa isang bakanteng upuan na may lamesa.

"James ano oorderin mo?" tanong ni Fritz, Ngunit ni hindi manlang sumagot si James.

"Hoy James!" malakas na sabi ni Fritz na ikinagulat ni James.

"Oh bakit?" sabi ni James.

"Tinatanong kita kung ano ba oorderin mo, pero di ka nagsasalita."

"Ah pasensiya na Fritz, kahit ano kung ano orderin mo," sagot ni James.

"Sige bili ako hintayin mo ako dito."

Ilang sandali pa ay dumating na si Fritz, dala ang pagkain nila.

Habang kumakain.

"James ano ba talaga nangyari, pwede mo naman ako pagsabihan ng problema,"

"Si Mayla ayaw na niya sa akin Fritz, hiniwalayan niya ako dahil_"

"Dahil ano?"

"Wala Fritz, wag mo nalang ako intindihin."

"Dahil ba hindi mo siya mabigyan ng anak?" pabulong na sambit ni Fritz kay James.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ni James.

"Alam mo halata ka naman kasi, palagi ka nagtatanong sa amin kung ano ang pwede inumin o kainin para magka-anak." sabi ni Fritz, yumuko si James at nagsalita.

"Alam niyo na pala, yun na nga ee ginawa ko naman lahat. Lahat ng bawal tinigilan ko, di na ako nanigarilyo, hindi nadin ako nag inom. Sa kagustuhan ko magka anak kami. Kung ano anong gamot ang binili ko."

"Naintindihan ko naman James, at nakikita ko naman sayo kung paano ka nageeffort para sa future niyong dalawa. Pero kung mahal ka talaga niya dapat hindi ka niya iniwan, kahit ano pa ang mangyari,"

"Kasalanan ko, wala na sigurong babaeng tatanggap sa akin, dahil baog ako."

"Ano kaba marami pang babae, hindi lang naman ang pagkakaroon ng anak ang basehan sa masayang pamilya. Ang mahalaga ay maging successfull kayo pareho at makapag pundar ng sarili niyo. Ang pag aanak tsaka na yon, pwede naman kayo mag ampon. Maraming paraan kung gusto, kung ayaw maraming dahilan

Habang nagsasalita si Fritz ay napalingon siya sa may kalsada at may nakita siya na ikinagalit at ikinadilim ng paningin niya.
Tumayo si James na naka tikom ang mga kamao, tila ba may gustong suntokin.
Agad namang napansin ni Fritz kaya napatayo din siya.

"Hoy James saan ka pupunta," sabi ni Fritz sabay hawak sa kamay ni James. Pero iwinaksi lang ni James ang kamay ni Fritz at tuloy lang sa pupuntahan. Nagmamadali si James sa paglakad na animoy may hinahabol kaya patakbo na din si Fritz kaka awat sa kaibigan.

"Hoy James ano ba!" pigil ni Fritz pero parang walang naririnig itong si James.

Nang makalapit si James sa isang lalaking naka pula na naglalakad hawak hawak ang isang babae patawid ng kalsada.

Kinalabit ito ni James at paglingon ng lalaki ay agad pinakawalan ni James ang kamaong kanina pang gigil na gigil na manuntok. Nabitawan nito ang babae at hinawakan ang sumasakit na panga.

"Siya pala, siya pala ang pinagpalit mo sa akin!" gigil na sabi ni James sa babae na si Mayla pala. Tumakbo si Mayla papunta sa lalaking nakapula.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Mayla sa lalake.

"Hah at sakaniya ka pa concern, ako ba naisip mo kung paano ako nahirapan dahil sa ginawa mo!" sigaw ni James. Nakatingin na lang si Fritz sa nagaaway dahil wala siyang magawa sa mga nangyayari. Nagkanda traffic nadin dahil nasa gitna sila ng tawiran, Kung kaya ay hindi makausad ang ibang sasakyan.

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Where stories live. Discover now