Ikaanim na Kabanata

1.7K 42 0
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
(AswangEngkanto Book 1)

Author: Carolina Barrios

Dito nga laking gulat ni Leonora nang lumabas ang mga binhing itim sa bibig ng kaniyang magulang at bumagsak sa sahig at nagpagulong-gulong, sinubukang habulin ni Leonora ang mga ito, ngunit nakagulong na ang mga ito sa lupa at nilamon na ang mga ito. Marahil kinuha na ito ng tunay na nag mamay ari ng itim na binhi, walang iba kundi ang mga laman lupa.

Masakit man para kay Leonora na sabay na namatay ang kaniyang magulang.

Walang magagawa si Leonora kundi ipagpatuloy ang buhay, kasama ng kaniyang anak at ni Philip.

Sa tulong ni Philip inilibing nila sa likod bahay ng magkatabi ang ama at ina niya. Kasabay nito ang isa isang pagpanay ng kanilang mga sigbin.

Lumipas ang mga araw, palaging napapaiyak si Leonora sa tuwing naaalala niya ang kaniyang mga magulang. Naisip ni Philip, marahil saan man lumingon si Leonora ay naalala niya dito sa bahay na ito ang alaala ng kaniyang mga magulang. Kaya hindi ito maka move on. Kaya naisip niyang kausapin si Leonora.

"Leonora?"

"Oh,"

"kung papayag ka nais kong gumawa ng sarili nating bahay, pangako pagagandahin ko ito,"

"Ha bakit?"

"Kasi gusto ko maging masaya ka, ayaw ko nang nakikita kang malungkot. Sa tuwing nakikita mo kasi ang bahay naaalala mo ang magulang mo. Paano kong magkasakit ka dahil sa pangungulila paano na ang anak mo?"

Matapos sabihin iyon ni Philip lumingon si Leonora sa anak at nag isip ng malalim. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

"Tama ka, kahit saan ako tumingin sila palagi ang nakikita ko. Pumapayag na ako."

"Talaga?" tumango si Leonora.

"Kung ganon uumpisahan ko na ang unti-unting pagpapatayo ng ating bahay, sa ngayon dito na muna tayo pansamantala,"

"Sige walang problema,"

"Saan mo gusto magtayo ng bahay?" tanong ni Philip.

"Ako ba dapat ang mag iisip,"

"Oo ikaw,"

"Kahit saan?" sabi ni Leonora.

Nang biglang may maisip si Leonora.

"Teka alam ko na kung saan?"

At sinabi nga ni Leonora kung saan niya gusto magtayo ng kanilang bagong tahanan.

Habang isinasagawa ang kanilang bahay, ay doon muna sila padin sa dati nakatira. Biglang naalala ni Leonora ang bilin sa kaniya ng kaniyang ina. Ang tungkol sa kahon sa ilalim ng kama ng kaniyang magulang.
Agad tinungo ni Leonora ang silid ng kaniyang magulang at kinuha isa isa ang mga kahon na naroroon sa ilalim ng papag.
Maalikabok na ang mga ito.

Unang kahon binuksan ni Leonora, mga larawan nila. Tumulo nanaman ang luha ni Leonora ng makita ang mga litrato noong siya ay maliit pa at nga litrato ng kaniyang magulang noong mga bata pa ito. Dumating si Jane at nakitang umiiyak ang ina kaya niyakap niya ito.

"Hehe naku ang anak ko talaga, sige na maglaro ka na doon maalikabok dito anak,"

At sumunod naman ang bata sa sinabi ng kaniyang ina.

Kinalkal na niya ang mga kahon at nakita niya ang isang kahon, nang buksan niya ang mga ito ay puro pera na naka balot sa plastic. Napaluha siya sa nakita, ito marahil ang iniwan sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Ni hindi niya alam ang mga bagay na ito. Sinabi niya kay Philip ang tungkol dito at nagpasiya silang ilaan ang iba sa pagpapatayo ng bahay. Dahil sa pera ay mabilis na naipagawa ang kanilang bahay, na yari na sa bato at hindi sa kawayan at pawid. Nakalipat sila doon, masaya naman silang mag asawang aswang hanggang sa maubos na ang pera na ipinaman kay Leonora. Wala ring mahanap na maayos na trabaho si Philip. Hating gabi habang tulog na ang bata, kumain na ang mag asawa ng laman loob ng baboy.

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon