Chapter 18: HBD

8.7K 180 13
                                    

Eunique~

Whole day akong nagaral dahil wala namang pasok today,

"Niks, tara punta tayo sa party ng Engineering!" sigaw niya.

"Pwede ba ibang course don?"

"Oo, inaaya ako ng isa sa kakilala ko. Punta tayo?" aniya.

Sinabi ko kay Burn na mag aaral lang ako whole day ang dami kong naiwang projects, at kailangan kong magreview para sa special quizes ko.

Pero tinext ko siya kanina pa. Ni hindi manlang ako nirereplyan.
Busy siguro, sila nag organized non e.

"Hindi na, ikaw nalang." sabi ko, at nagpatuloy sa pagsusulat, "Uhmm Cons,..."

"Oh?"

"Pagdating mo don mamaya, pwede mo kong itext o tawagan? Kung ano ginagawa ni Burn don?" nahihiyang sabi ko.

"Nako, alam mong madaming babaeng nahuhumaling sa jowa mo. Baka malasing yon itake advantage ng mga babae." pananakot niya.

"Wag kanga magsalita ng ganyan! Di ganyan si Burn."

"Malay mo diba?" aniya ulit.

Parang di naman ganon si Burn?

"Ewan ko sayo."

Mga magaalasais ay nagpaalam na si Cons para pumunta don. Mahilig talaga pumarty ang isang yan.

Sa isang private bar daw gagawin ang party na yon. Celebration para sa mga passer.

"Ano di ka ba talaga sasama?" sabi niya ng makalabas na pero dumungaw sa pinto.

Umiling ako, "Enjoy ka. And balitaan mo ko."

Tumango siya at nag approved sign.

Something is bothering me.

Para bang may nakalimutan ako gawin, or kung ano man ngayong bagay. Di ako mapakali.

I feel bored, mag isa lang ako dito sa unit.

Nanuod ako ng TV, pero ang utak ko nasa party na yon. Bakit ba ako kinakabahan.

Nagdecide akong kumain nalang pero maya maya ay tumunog ang phone ko,

*unknown number*
Calling.....

Susubo palang sana ako ay kinuha ko nalang muna ito para sagutin.

Sino naman kaya ito?

"Hello?" mabagal na sabi ko.

Pero di ito sumasagot, kaya inulit ko.

"Helloooo?"

Pero ilang segundo ay wala pa rin, ibaba ko na sana ang linya pero nagsalita ito..

"Miss me Babe?"

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa gulat, gulat kung sino ang tao sa likod ng mga boses na yon.

"T-Ted..." nanginginig na sabi ko.

Tumayo ako at tumakbo sa pinto, inilock yon. Pati ang mga bintana namin.

Takot na takot ako sakanya, seryoso.

"Yes its me. Akala mo ba nakatakas ka na sakin?" aniya at tumawa pa.

"Ted, tama na please. Tigilan mo na ako!" nanginginig na sabi ko. Napainom ako ng tubig sa takot.

Takot ako sa mga kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang idaan sa pera.

"Magpakasaya ka na ngayon, tandaan mo di pa tayo tapos." aniya saka binaba ang linya.

Nanginginig na ibinaba ko ang phone ko.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now