Chapter 21: AGAIN

7.8K 181 19
                                    

Burn ~

Morning.

Pagkapark ko palang ay nakita ko ng may nag aantay sa akin.

Pagbaba ko ay nakita ko na si Cons na palapit sa kinaroroonan ko.

"Hoy Burn." paunang bati niya,.

"Why?" humarap ako at parang tamad na sinagot siya.

"Anong ginawa mo kay Eunique? Alam mo bang ayaw ng lumabas ng kwarto niya!" galit na aniya,

Natawa ako, "Pati ba naman di pag labas ng kwarto niya sa akin niyo pa isisisi?" sarkastikong sagot ko.

"Aba'y gago ka ah!" naiinis na aniya.

Akmang susuntukin ako pero di tinuloy.

"Kung wala kang matinong sasabihin, please excuse me. Papasok na ako." mariing sabi ko. Saka tinalikuran siya at nag simula ng maglakad.

"Alam mo ba nangyari sakanya? Nung gabing sobrang tagaaaaal mo kaming pinag antay sa labas ng bar? Ha?!! Alam mo ba?"

Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya,

"Oh ano nanaman nangyari? Kasalanan ko nanaman ba?" sarkastiko kong muling sagot.

Napakuyom siya ng kamao at lumapit sa akin, hinila ang kwelyo ko,

Di ako lumaban dahil babae padin ang kaharap ko.

"T*ngina, wala ka pala talagang kwenta. Sana simula palang di mo na pinaibig yung kaibigan ko Burn. Gago ka." seryosong aniya.

Seryoso? Ano talagang pakay niya? Siya gaganti para sa kaibigan niya?

Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko at inalis yon.

Sinamaan ko siya ng tingin at tumalikod muli,

"Sige mag sama kayo ng ex mo! Maghalikan pa kayo! Mamatay ka na ul*l!" galit na sigaw niya.

Napaharap ako at lumapit uli sakanya,

"Paanong?-" takang tanong ko.

"Nagulat ka? Na alam ko? Si Eunique ang nakaalam. May nagpadala sakanya ng litrato niyo nung Victoria na yon. Infairness ang sweet niyo." natawang aniya.

"Wala kaming ginagawang masama! Walang ibig sabihin yon!" pag depensa ko.

Sino ang kumuha ng litratong yon?
Nung huli kaming mag usap alam na ba niya ang tungkol don? Bakit hindi niya sinabi?

"Wow, defensive." sagot ni Cons.

"Sinamahan ko lang siya, kailangan niya ng karamay ng mga oras na-" sagot ko pero pinutol niya ako.

"Karamay? Wala kang alam sa nangyari kay Eunique. Yung mga oras na 'dinadamayan' mo yung EX mo, may nangyari sakanya alam mo ba? Kaya andon siya kay Ryle. Kasi si Ryle pa ang nakatulong imbes na ikaw!" sigaw niya, "...kase nga naman yung boyfriend niya, ay busy sa pakikiramay sa EX Girlfriend niya!" aniya at tinulak ako.

"A-Anong nangyari sakanya?" kinakabahang tanong ko.

"So ngayon interisado ka na?" aniya at tumawa.

"Please!! Tell me! Anong nangyare!!" sigaw ko.

"Habang nag aantay sayo ang mapagmahal kong kaibigan, sinamantala ni Ted ang pagkakataon. Kinidnap siya. Halos overnight nawala si Niks, wala akong nagawa para sakanya." seryosong aniya.

Napapikit ako sa narinig ko. Napakuyom ako.

Gulat ang naramdaman ko. At halos gusto ko ng puntahan siya para yakapin at magsorry.

THE CERTIFIED SLUTМесто, где живут истории. Откройте их для себя