Napasulyap ako sa bagong pasok na si Nana Sita. Nakatingin siya sa amin at mababakas ang pag-aalala sa anyo niya dahil ako ang kasama ng bata.

"Ryle, pagod ang Tito Ivan mo.

"Don't worry, Nana. Gusto lang pong makipaglaro ng bata." mahinahon na sabi ko.

Tumango naman siya saka niya inutusan ang kasama niyang kasambahay na bitbitin ang mga gamit ko.

Hinayaan ko naman siya saka ko na kinarga si Ryle paakyat ng hagdan hanggang sa loob ng silid ko.

Nang mailapag ko siya sa kama ay kinuha ko na sa maid ang dala kong bag upang ayusin iyon.

Natuwa naman ang bata dahil malambot ang kama sa silid ko. Nagtatalon siya doon habang malapad ang mga ngisi na nakatingin sa akin.

"Be careful! Baka mahulog ka." paalala ko sa kanya.

Inilagay ko na lang sa gilid ng cabinet ko ang bag ko. Mamaya ko na iyon aayusin dahil kinakabahan ako sa makulit na batang ito.

Kaagad ko siyang nilapitan saka ko siya akmang pipigilan sa pagtalon nang bigla na lang siyang bumaba ng mabilis sa kama saka siya tawa nang tawa na lumayo sa akin.

"Halika na dito. Ipapasyal kita sa bayan." nakangiting sabi ko sa kanya.

Tuwang-tuwa naman siyang tumakbo palapit sa akin. "Yehey!" masiglang sabi niya saka na niya hinawakan ang kamay ko gamit ang napakaliit na kamay niya.

"Pero bawal kang maglikot doon. Kapag naglikot ka iuuwi kita." pananakot ko.

"Opo! Promise po, Tito!" natutuwang sabi niya.

Hinila na niya ang kamay ko saka siya patalun-talon pa habang naglalakad kami palabas.

Ipinagpaalam ko siya kay Nana Sita. Sa simula ay atubili pa ang matanda na payagan kami ngunit sa huli ay pumayag din siya.

Dinala ko ang bata sa amusement park na nasa bayan ng Cervantes at doon ay masaya siyang naglaro kasama ako.

Hindi naman ako nahirapan sa pagbabantay sa kanya dahil katulad ng ipinangako niya kanina ay hindi siya naging malikot.

Sumusunod siya sa lahat ng sinasabi ko at mas lalo pa siyang naging clingy sa akin sa paglipas ng mga oras.

Kahit ako ay hindi nakadama ng pagkabagot sa buong durasyon na magkasama kami.

Kung hindi lang sana ako galit sa ama niya ay nakakaisip ako ng masayang eksena kasama siya.

Kahit papano sa loob ng maghapon na ito ay naramdaman ko na masaya ako kasama si Ryle.

At habang nakatitig ako sa kanya na tuwang tuwa sa kinakain niyang ice cream ay napaisip ako.

Magkakaanak din kaya ako sa future? Pero paano? Lalaki rin ang gusto ko.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na pakasal na lang sa akin sa ibang bansa para manatiling sayo ang villa? Madali mo naman akong mapapaibig dahil kahit noon pa man ay naaakit na ako sayo."

Mabilis akong napailing sa kaisipang iyon. Bakit ba naiisip ko pa ang sinabing iyon ni Rafael? Napaka-imposible ng bagay na iyon.

Hindi kami kailanman magkakasundo ng lalaking iyon. Baliw! Kasama mo nga ngayon ang anak niya diba! Sermon sa akin ng isang bahagi ng isip ko.

Nakita ko na nagkalat sa gilid ng labi ni Ryle ang ice cream kaya mabilis akong kumuha ng tissue upang punasan iyon.

Hindi ko namalayan na fiesta pala sa isa sa mga barangay ng Cerventes kaya nagsimulang magliwanag sa kalangitan ang mga fireworks.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now