Twenty-Two

20 1 0
                                    

Chapter 22








Ashlyn Maurice Davis

Napatingin ako sa kaniya at nakitang gumuguhit siya sa lupa gamit ang kaniyang paa. Napalunok ako bago nagsalita.

"Bakit mo kailangan malaman...like you said, we are your prey," Nakuha ko pang maging sarkastiko.

It seems like they didn't know that someone was dictating me where to go. The voice said they were coming so I can at least buy time.

Natawa ang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Right!" Malakas na sambit ng lalaki.

"We're almost there! Hang on!" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig muli ang boses na kumakausap sa akin.

Ngunit hindi katulad kanina ay ramdam ko ang pagka-irita at pagkabahala sa kaniyang boses.

"Then we shouldn't be wasting our time! It's dinner time!" Anunsiyo ng lalaki.

Impit na napatili ang mga kasama ko nang nagsimula silang maglakad palapit sa amin. Nang akala kong ito na ang katapusan namin ay nasagi ng paa ko ang isang kahoy.

It is a fallen branch, has enough thickness and pointy enough to pierce on someone's body. Agad kong pinulot iyon at ginamit pang dipensa sa akin.

"Ano 'yan...?" Nalilitong tanong ng babae.

"I don't know...a tool to kill you?" Pabalang na sabi ko.

Natahimik ang dalawa at nagkatinginan.

"Hindi ko alam kung sapat na ito pero kailangan ko lang naman itarak ito sa puso ninyo, 'di ba?" sabi ko.

Napatingin sa akin ang mga kasama ko at sa kahoy na hawak ko. Maski ako ay hindi alam kung gagana ang planong nasa isip ko.

Ngunit biglang tumawa ang dalawa na tila isang biro ang ginawa ko. Kasabay ng paghinto nila ng tawa ay ang biglang pagsipot nila sa harapan namin. Wala akong nagawa nang hawakan ng babae ang kamay kong hawak ang kahoy habang ang lalaki naman ay nasa gilid na nila Normani para pigilan sila sa pagtakbo.

"Too slow," Panunuya pa niya.

Mabilis niyang naagaw mula sa akin ang kahoy at tinapon ito sa malayo. Sa gilid ko ay ramdam ko na ang panginginig ni Dhina dahil sa takot habang ako naman ay nagsisimula nang kabahan.

Hawak pa din ng babae ang kamay ko at gamit ang matalim niyang kuko ay bumaon iyon sa balat ko. Umawang ang labi ko dahil sa sakit habang ang dalawang hinayupak ay parang nabaliw nang maamoy ang dugo ko.

They both closed their eyes at the same time, their mouths are left wide open while they started sniffling the air around us. Obviously, it is the scent of my blood they are smelling.

"As expected, your blood smell nice" Nakangising sabi ng babae.

"And it must've taste good too," Dugtong naman ng lalaki.

Sinamaan ko ng tingin ang babae ngunit nanatili siyang nakangisi.

"Ahh!" Tili ni Mamshie.

Agad akong napatingin sa kaniya at nakitang kagaya ko ay sinugatan siya ng lalaki sa palapulsuhan. Wala akong nagawa dahil hinawakan ng babae ang magkabilang kamay ko.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon