Four

26 2 0
                                    

Chapter 4












Ashlyn Maurice Davis

“I have my own tests for being my secretary so I will call every female workers inside this building,” Natigilan ako nang marinig yang pamilyar na boses na iyon.

Hindi! Nagkakamali lang naman ako, ‘di ba?! Hindi niya kaboses ang lalaki kahapon!’

“Ay may pa-audition si Mr. CEO. Eh sir! Saang team tayo magsisimula?” Tanong ni Mamshie.

“It would be fast so I want everyone to wait here as the others take my test”

“Okay! Narinig nyo naman, ‘di ba? So, boys! Gora na! Mga babae lang ang kailangan dito!” 

Nagsimula nang umalis ang mga employado kaya nahirapan ako sa paghahanap ng itusra ng CEO namin. Pero may nakita akong ulo ng lalaki na naglakad papunta sa elevator at ang mga lalaking dumaan sa elevator sa labas.

Napabuntong hininga ako dahil mukhang naka-alis na ang CEO namin.

I must be mistaken. Kulang lang ako sa tulog’

~🌼~

“Naku! Pang-trenta na babae na siya na lumabas habang umiiyak,” Naiiling na sabi ni Zia at napatango nalang ako.

Halos dalawampung minuto na ang nakalipas nang maka-alis ang CEO namin sa conference hall kasabay ng mga lalaki kanina kaya puro babae nalang ang naiwan dito gaya ng sabi ng CEO.

Gaya nga ng sabi niya ay mabilis lang ang test at bawat empleyado na bumababa sa elevator mula sa kwartong ito na umiiyak na babae at may papalit na nag-aalala o nangangambang babae din.

Hindi namin alam kung anong test iyon kaya kinakabahan ang halos lahat sa amin dahil naiyak iyong mga babaeng galing top floor.

Huli kami ni Zia sa pila at dahil malamang ay hindi rin naman ako makukuha ay literal na nasa dulo ako.

‘Bakit kailangang dito pa sa kompanya niya manggagaling ang secretary niya? Puwede namang mag-hire ulit’

Hindi ko nakita ang CEO kanina dahil sa bukod sa pandak ako ay maraming tao. But I saw the tip of his head, mukha namang marami pa siyang buhok at kulay itim pa.

Kung hindi nasa mid-70's ang CEO namin, e ‘di nasa mid-50's na siya. Halata naman sa boses na lalaki siya at sobrang lalim kaya tugma ang estimated age ko sa kaniya.

‘Hay...hindi ko planong makita siya at mas lalong hindi ko plano na makilala siya’

“Ano kayang test iyon? Nacu-curious na ako,” sabi ni Zia sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Napabuntong hininga ako bago inunat ang mga braso at tinanaw ang mga ka-trabaho naming pumapasok sa loob ng elevator.

Katulad kanina, nagtataka at natatakot ang babaeng papasok sa elevator.

“Makikita mo rin mamaya,” Kalmadong sabi ko at nagdekwatrong pambabae.

Hindi na siya nagsalita at ilang minuto pa ang inantay namin hanggang kaming dalawa nalang ni Zia ang natira sa conference hall.

“Oh? Nandito ka pa?” Napalingon kami sa kanan namin ng marinig ang boses ni Mamshie.

“Akala ko nasa taas ka, Mamshie?” Tanong ko.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon