Two

27 3 0
                                    

Chapter 2







Ashlyn Maurice Davis

“Seryoso...anong pakay mo, bakla?” Maayos na  tanong ni Zia.

Bumaling sa kaniya si Mamshie at sandali pa akong tinignan.

“Well, Ashlyn Maurice, ikaw lang naman ang mag-aayos ng office ni CEO natin,” sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

“Ano?!” Gulat na tanong ko.

“Sabi ko, ikaw ang mag-aayos ng opisina ng CEO natin,” Ulit niya sa sinabi niya kanina.

Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili nila pero kung sino man iyon, paniguradong nababaliw na siya.

“Gusto mo bang maging tambakan ng basurahan ang opisina na ‘yon?! O baka ‘yong paranf dinaanan ng malakas na bagyo?!” Sarkastikong tanong ko at natawa si Zia sa tabi ko.

Umismid si Mamshie at inirapan pa ako. Parang ayaw niya rin sa ideya na iyon.

“Wala ka nang magagawa! Utos ng Head Direktor!” Maarteng sabi niya.

“Head Mamshie naman kasi, eh! Ipagawa niyo na ang lahat huwag lang ‘yon!” Nakangusong sabi ko.

“Hindi sinabing Mamshie, eh! Dyosa! Dyosa!” Maarteng reklamo niya na hindi ko pinansin.

“Ewan ko sa ‘yo, Dude! Basta ayoko ko no'n, pre! Iba nalang!” Panunuya ko at pilit pinapatigas ang boses ko.

Napakagat ako ng ibabang labi nang makita ang inis at halos mamula niyang mukha. Kaonti nalang ay bubugahan na naman niya ako ng apoy.

“Anong Dude? Pre?! Ayoko ko na sa ‘yo, Ashlyn! Maglinis ka ng inidoro!” Inis na singhal niya na ikinahalakhak ko ng malakas.

Ngunit agad akong tumigil at umayos ng upo habang bahagyang nakanguso.

“Mas okay na ‘yon kaysa mag-ayos ng opisina ng CEO na ‘yon!”

“Tse! Ayaw mo no'n?! Siya na mismo ang magsisisante sa ‘yo?! Kapag nakita niya kung ano ang ginawa mo sa opisina niya ay diretso sisante ka na”

Natigilan ako at napaisip dahil sa sinabi niya. Wala ng ibang rason para hindi niya ako sisantihin lalo na't siya ang pinaka-boss dito.

“Umalis na nga kayo dito at iniistorbo niyo ako,” Taboy sa amin ni Zia.

Natawa ako bago tumayo at nagpaalam. Sinabayan ko sa paglalakad si Mamshie papuntang elevator dahil hindi ko alam kung saan ang opisina ng boss namin.
Napaismid ako nang bigla niya akong

“Mag-isa lang ang opisina niya sa floor na ‘yon kaya malaki-laki rin ang lilinisin mo,” Imporma sa akin ni Mamshie at napatingin ako sa kaniya.

Pinindot niya ang isang button na nasa pinaka-tuktok na akala ko nuon ay pang-emergency lang.

‘Hindi ko alam na para sa opisina pala iyon ng boss namin’

“Bakit mag-isa lang? Saan ‘yong opisina ng secretary niya?” Nagtatakang tanong ko.

“Malamang ay ang floor na iyon ay para sa kaniya at sa sekretarya niya lang!” Naiinis na singhal niya.

‘Mukhang kanina pa naiinis sa akin si Mamshie, ah?’

Lihim akong natawa at hindi nalang nagsalita baka kasi lumabas ako ng kalbo sa elevator na ito. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pintuan ng elevator ngunit nagulat ako nang bumungad sa amin ang madilim na palapag.

Sobrang lawak at kaonti lang ang gamit kaya nakakatakot. Pakiramdam ko ay ito ang mga setting na pinagba-bahayan ng mga multo.

Bigla tuloy akong kinilabutan sa iniisip ko.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon