Thirteen

21 2 0
                                    

Chapter 13





Ashlyn Maurice Davis

Walang tao sa harapan niya ngunit ang magnanakaw ay wala nang malay. Walang nakasunod sa nangyari ngunit mukhang nakita iyon ni 'Xian'.

Mabilis na nilapitan ni 'Xian' ang kaniyang gamit at pinagpagan ang dumi nito ngunit hindi nakalagpas sa paningin ko ang tipid niyang pagngiti habang pinapagpagan ito.  Agad namang bumalik sa dating gawain ang mga tao sa paligid na parang walang nangyari kanina.

Nang muli kong balingan si 'Xian' ay may isa nang lalaking naka-akbay sa kaniya ngunit gaya ni 'Xian', hindi ko makita ang mukha nito.

“Tsk! Ang hina mo, pinsan!” Natatawang kantyaw ng panibagong dating.

“Shut up, Zachary!” Singhal ni 'Xian'.

Natigilan ako dahil sa narinig. Hindi ko inaakala na pati si Zachary na kakakilala ko lang ay may kapangalan rin sa panaginip ko.

“By that way, the name is Dawn Montemor. Hindi mo kilala? Ang kalaban nila Reese na mapapangasawa mo,” Imporma ni 'Zachary'.

“Hindi ako interesado sa kalaban ng kanilang angkan,” Matabang na sabi ni 'Xian' ngunit muling tumawa ang katabi niya.

“But I bet you are now...” Malokong sabi ni 'Zachary'. “I saw that smile!”

“Stop it, ‘couz. Kailangan na nating umalis,” Saway ni 'Xian' at siniko pa si 'Zachary' na natawa lang.

“Oo nga...malamang ay nag-aantay na para sa ‘yo ang mapapangasawa mo,” sabi ni 'Zachary'.

Hinihingal akong napaupo at ramdam ko ang pawis na tumutulo sa noo ko. Katulad nung una kong panaginip ay pakiramdam ko ay saka lang ako nagkaroon ng hangin kahit pa wala namang masamang nangyari.

Nang kumalma na ako ay nangunot ang noo ko nang makitang nasa loob na ako ng aking kwarto.

Nasapo ko ang noo ko at sandaling inalala ang nangyari. Zia asked me to do her a favor and we go to the bar, pretended to be Zachary's girlfriend and met Christian's friend, we drank a lot of liquor until I got wasted until I met Dexter, then Xian came to the scene.

After that, everything's a blur.

Ipinilig ko ang aking ulo at napadapo ang paningin sa damit. Nanlaki ang mata ko nang makitang naka-pantulog na ako at malamang ay may nagsuot nito sa akin.

Ngunit bago pa man ako makapag-isip kung sino ang lokong iyon ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napatingin ako duon. Bumungad sa akin si Zia na may dalang gamot at tubig.

Agad na dumapo ang kaniyang paningin sa akin at agad siyang lumapit sa akin.

“Mabuti naman at gising ka na,” Bungad niya.

“W-What's that?” Tanong ko at napahawak sa ulo nang bigla itong sumakit.

“Gamot. Para mawala ang hang-over mo,” sabi niya at inabot ito sa akin.

Agad ko naman itong tinanggap at ininom. Matapos ay bumuntong hininga ako at nilapag ang baso sa side table.

“Anong oras na ba? May pasok pa tayo, ‘di ba?” Tanong ko sa kaniya. “At saka anong oras kang naka-uwi kagabi?”

“Kagabi?!” Natatawang tanong niya at nangunot ang noo ko.

“Oo. Bakit?”

“Loka! Isang buong araw kang tulog magmula nang uminom tayo!” Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon