Nine

19 2 0
                                    

Chapter 9

















Ashlyn Maurice Davis

“Don't leave me! Caden! Help me please,”  Pagmamaka-awa ng isang babae.

Ngunit nakakapagtaka na ang kaniyang mukha ay hindi ko masyadong makita. More like, her face was blurred like I have really poor eyesight.

No one will rescue you now, Princess” Mapanuya ngunit halatang tuwang-tuwa na sabi ng panibagong dating na babae.

Walang hiya ka, Reese! Nilason mo ang utak niya!” Nanggagalaiti na angil ng naunang babae.

Duon ko lang napagtanto kung anong klaseng lugar ang mayroon kami. The place is very dark and it clear that it is night time. Walang ni isang ilaw sa loob ng kwarto na ito at tanging sinag lang ng buwan na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing ilaw.

But this place doesn't look like a house, it looks more likely a small warehouse.

Bumaling ako sa babaeng naunang nagsalita ang duon ko lang napansin na nakatali siya sa isang makapal na poste. Ang kamay ay nakataas habang ang paa ay magkadikit na nakatali palibot sa poste.

Her place coincidentally faced with the window and that's why the moonlight shone on her.

The lady looked like she was tortured. Madumi ang kaniyang damit at ang ibaba pa ay sira-sira na. May sugat sa braso at paa, may tuyong dugo sa gilid ng kaniyang labi at sa noo. Despite her state, I can't see any open wound or recent one, only dried blood.

Habang ang babaeng kausap niya ay nakatago sa dilim ngunit paminsan-minsan ay tumatama ang liwanag ng buwan sa kaniya.

Ngunit kahit anong pilit ko, ang mukha nila ay hindi ko maayos na maaninag. Para talagang sobrang labo ng mata ko at tanging mukha lang nila ang hindi ko makita ng maayos.

Dahil ang paligid ay malinaw na malinaw sa akin. Talagang nabubukod tangi ang kanilang mukha.

Nasaan ba ako? Nanaginip ba ako?’

“Akin siya...akin siya, Montemor! Simula nung una ay akin na siya! Inagaw mo lang siya sa akin! Ahas ka!” Nangagalaiting angil ng babaeng nagtatago sa dilim.

Ano nga ulit ang pangalan niya? Reese? ‘Di ba chocolate ‘yon?

Ako ang mahal niya, Reese. Oo nga't sa ‘yo siya nung una ngunit napunta lang naman siya sa ‘yo dahil sa pilit, hindi ba? Dahil sa pilit na kasal ninyo!” Ganting sigaw ni Montemor.

‘Wait...Montemor? Narinig ko na ‘yan nuon, ah?’

“Hindi ka niya mahal! Napupuno lang ng kahibangan ang utak mo! Baliw ka na!” Sigaw ulit ni Montemor.

Ang drama naman! Ano ba itong nakikita ko? Tulog ba ako o gising?

“Manahimik ka!” Galit na sigaw ni Reese.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Montemor dahil patuloy lang siya sa kaniyang sinasabi.

“Pinilit mo ang pamilya mo na ipakasal  kayong dalawa! At sinilaw mo sa kayamanan niyo ang pamilya ni Caden!” sabi ni Montemor.

Ngunit imbis na mainsulto ay unti-unting sumilay ang isang mapanuyang ngisi sa labi ni Reese.

“Lahat naman ng kalahi natin ay nabubulag sa kayamanan, Montemor. Bakit hindi ko gamitin?” Nakangising sabi ni Reese ngunit unti-unti ring ngumisi si Montemor.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon