Sixteen

20 2 0
                                    

Chapter 16










Ashlyn Maurice Davis

“Hindi ko nga rin alam na napukaw ng atensyon mo ang katulad nila,” sabi niya at napaismid ako.

“Ilang beses mo na ba akong nahuli na nanonood ng Twilight at TVD, hindi pa halata?” Sarkastikong tanong ko at natawa siya.

Nagsimula na siyang kumain habang ako naman ay uminom ng kape ko.

“Ibang-iba nga ito sa librong nababasa ko. Hindi ko rin naman makita kung may iba pang akda ang nagsulat nito dahil wala namang ibang pangalan na nakalagay sa may akda at hindi ko rin mai-search sa internet,” sabi ko.

“Ano nga ulit ang pangalan ng author?” Tanong niya.

“Montemor—” Kusa akong natigilan nang may mapagtanto.

Ang may akda ng may libro ay kapangalan ng Montemor na nasa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko at parang pati ang sintido ko ay nagpa-palpitate na.

Bigla akong kinabahan dahil duon. It's like my subconscious is telling me that those two strange accident were related to each other.

No! That dream was just made by your imaginations, Ashlyn. It is way too far from your reality’

“You okay?” Tanong ni Zia na nagpabalik sa akin sa realidad.

Tumikhim ako bago ngumiti sa kaniya.

“Fine. May naalala lang,” sabi ko.

Dahan-dahan siyang tumango kahit na halatang may gusto pang itanong pero hindi na niya ito sinaboses.

Tinapos na namin ang pagkain namin saka nag-ayos para makapasok sa trabaho. Simpleng ayos lang ang ginawa ko ngayon dahil alam kong wala namang masyadong gagawin ngayon.

Hindi na ulit ako magugulat wala akong ginawa katulad kahapon.

Sabay rin kaming pumasok ni Zia gamit ang sarili naming sasakyan.

“Sabay tayo mamaya pag-uwi?” Tanong ni Zia habang naglalakad kami papuntang elevator.

“Anong oras ba ang out mo? Hindi ko alam kung anong oras ako papalabasin dahil wala namang saktong oras akong pinapalabas ni Xian,” sabi ko.

Bigla siyang napatingin sa akin kaya gulat rin akong napatingin sa kaniya.

“Bakit?” Nagtatakang tanong ko.

“You called our boss by his name?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

Sandali akong natigilan at napangiwi nang maalala kung anong tawag ko sa boss namin kanina.

“Hmm...kapag wala lang naman siya,” Kibit balikat ko at natawa siya.

“Ikaw talaga yata ang boss sa inyong dalawa, eh!” Natatawang sabi niya at napairap ako.

Sumakay kaming dalawa sa loob ng elevator nang bumukas ito at pinindot kung saan kami bababa na floor.

“Tss...anyway, ano ngang oras? Baka masabihan ko siya at payagan ako,” sabi ko.

“About five? Five-thrity," sabi niya at tumango ako.

“Then, I'll try,” sabi ko.

Ngumisi siya ngunit hindi na naman nagsalita hanggang sa makarating siya sa floor nila. Ilang minuto pa ang inantay ko nang makapanik ako sa top floor.

Tahimik akong naglakad papunta sa lamesa ko. Tanging ang tunog lang ng aking takong ang bumasag sa katahimikan ng buong palapag.

Kakaupo ko palang sa swivel chair ko nang  makita kong umiilaw ang intercom na senyales na ginagamit ito ni Xian sa loob ng kaniyang opisina.

Who Am I? | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon