Chapter 20

4.8K 84 2
                                    

Chapter 20.


EVERYTIME na pumupunta si Frost sa bahay o di kaya sa restaurant I keep pushing him away. Lagi ko siyang binabaliwala at hindi pinapansin. I'm starting to question my decision if tama nga bang  lumayo ako sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa mga naiisip ko.

" 'Ma bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

Napatingin ako Kay Cider na kasalukuyang kumakain ngayon ng mansanas na dala ko.

"Wala to sige kumain ka pa. "

Nandito ako sa hospital kung saan naka confined si Cider halos buong araw din ako rin dahil sa wala akong trabaho ngayon kaya napagpasyahan ko ng bisitahin siya. He's been here in this hospital since he was 5 years old at ngayon 10 years old na siya. May Cystic Fibrosis o CF si Cider it's a disease that effects the lungs and the digestive system, namana niya ito sa tatay niya na namatay din dahil sa sakit na ito. His mother died after giving birth to him. Ang tita niya ang nag-alaga sa kanya pagkamatay ng nanay niya pero sadly wala ng pang hospital ang tita niya.

I've been his guardian for 4 years now. Nakilala ko siya noong panahon na iniwan ako ni Vince. When I was in this hospital because of Allison. I saw him, Cider is so helpless that time and his aunt doesn't have a money to pay the bills in this hospital kaya tinulugan ko sila kahit hindi ko sila kilala, after that day lagi na akong dumadalaw kay Cider at na palapit din sa'kin ang bata hanggang sa pumunta ang tita niya sa London para magtrabaho at iniwan muna si Cider sa'kin mula noon Mama na ang tawag sa'kin ni Cider. Kaming dalawa ng tita niya ang nagbabayad ng bills sa ospital minsan din ay dinadalaw ko siya dito at nagdadala ng mga prutas.

Ngayon lang din ako nakadalaw sa kanya dahil sa trabaho ko.

" 'Ma I want to go to school. " Sabi nito sabay yuko.

"Pero Cider you know you can't, hindi ka pweding lumabas dito sa hospital baka kung mapano ka. Your lungs are very sensitive you know that. "

" I know but 'Ma gusto ko pong makapag-aral. " Then he pout.

"Please po. "

"Sige pero hindi ka papasok sa school okay? Kukuha ako ng teacher na pupunta dito. "

Ngumiti ito sa'kin at niyakap ako.

"Opooo thank you 'Ma!!!"

"You're welcome teka ang tita mo nga pala tumawag na ba?"

"Opo kanina kinumusta niya nga po kayo 'Ma. "

Ngumiti lang ako sa kanya at tinignan siya habang kumakain.

" 'Ma may napanood akong movie kanina yung five feet apart. Ano po kasi pareho po kami ng sakit nong dalawang bida.
" nakangiting sabi nito ngunit unti-unti ring nabura.

"Pero hindi sila nakatuluyan. " Malungkot sa sabi niya

" 'Ma ba't ganon? Bakit may mga taong pinagtagpo pero sa huli hindi naman sila nagkakatuluyan?" Tanong niya na kinabigla ko.

" Ganito kasi yun Cider, hindi ibig sabihin na mahal mo ang isang tao ay siya na ang para sayo. May mga tao talaga ng dadating sa buhay mo to teach you a lesson. "

Totally Strangers(REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon