Chapter 5

6.1K 123 6
                                    

Chapter 5.

HALOS ISANG buwan na akong nagtatrabaho sa Dainty Restaurant at okay naman, mababait ang mga katrabaho ko lalong-lalo na si miss Matsunaga nagpa-part time pa rin ako sa Restobar pero madalas nalang akong pumupunta pagwala lang singer. At magtatatlong linggo na ring may trabaho si Gwen bilang isang butler sabi niya, doon siya ngayon nakatira sa bahay ng amo niya dahil 24/7 daw siyang nagtatrabaho, ewan ko nga kung bakit naging butler 'yon, habang si Ali may trabaho na din sa isang kompanya at si Zaim ay pumasok na din ng kinder wala kasing magbabantay sa kanya dahil pareho kaming wala, sinbihan ko na nga si Ali na mag-hire nalanv ng babysitter para may magbantay sa anak niya ang sabi naman niya, sa sweldo na daw.

Nasa bahay ako ngayon dahil day off, nakahiga lang habang nagbabasa ng libro ito yong niregalo ni Allison sakin noong isang araw nang may nagdoor bell. Tumayo ako at binuksan ang pinto. And to my surprise it's Gwen dala dala ang mga gamit niya.

"Oh, ba't ka nandito?" takang tanong ko.

"Lumayas ako sa amo ko." sabi niya habang pumapasok sa bahay at binaba ang mga gamit niya.

"Ba't ka naglayas? sinasaktan ka ba? Ano okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag aalalang sabi ko habang chenicheck kung may pasa ba siya.

"Hindi 'no, hindi ako sinasaktan ng amo ko." sagot nito at umupo.

Tumayo ako sa harap niya. "Bakit ka nga naglayas?"

Napabusangot ito, "ano kasi eh!' Yong amo ko galit sa'kin, sabi ayaw niyang makita ang mukha ko kaya lumayas ako." aniya at nagpapadyak na parang bata.

"Ba't nagalit sayo 'yon nako Gwen, ha, 'di ka pa nga nagtatagal sa trabaho mo naglayas ka na baka kung anong katarantaduhan ang ginawa mo." sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

"Wala! grabe ka Starr, ha, you hurt ma heart." sabi nito at umakting na parang na heart attack.

"Ano ba kasi ginawa mo?"

"Wala akong ginawa sabi eh! Sabi niya kasi bored daw siya kaya sinabi ko na magsayaw nalang siya ng budots, 'yong lagi nating sinasayaw doon sa Surigao kapag may pista, tinanong niya kung ano 'yon at pinakita ko yung video noong pista sa atin sila mang berting kalbo na nagsasayaw ng budots sa disco, sabi ko tuturuan ko siya ayon galit na galit sakin minura pa ako sabay sabing ayaw niya raw makita ang pagmumukha ko kaya lumayas ako." mahabang kwento niya.

"Akala niya ha! hindi na ako babalik do'n kahit pa pumunta siya rito, hinding hindi talaga ako sasama sa kanya, siya pa itong tuturuan siya pa ang may ganang magpalit." dagdag pa niya.

Napatampal nalang ako ng noo dahil sa mga sinabi niya.

"May pagkain ka ba gutom na gutom nako eh, kagabi pako 'di kumakain kasi ayaw kong makita mukha niya." anito habang hinihimas-himas ang tiyan niya.

"Siya, sige, kumain ka muna may pagkain diyan sa ref initin mo nalang." sabi ko at humiga sa couch.

Tumayo siya at nagpuntang kusina. "Teka ba't nandito ka ngayon diba may trabaho ka? At nasan 'yong dalawa?" sigaw niya.

Malamang nagtataka siya kung bakit wala ako sa trabaho ngayon thursday pa kasi. Every Thursday and Sunday ang day off ko aba ewan ko kung bakit Thursday at Sunday ang off tanong niyo sa boss ko.

"Day off ko ngayon, habang si Allison naman nasa trabaho at si Zaim nasa school."

Halos limang minuto lang akong nakahiga ng may nagdoor bell na naman. Iritado akong tumayo at binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto isang malaking lalaki na nakasuot ng itim na suit ang nakita ko.

"Sino po kayo?"

Totally Strangers(REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon