Chapter 12

5K 113 1
                                    

Chapter 12.

BUSY AKO ngayon kakapili ng damit na susuotin ko para sa welcome party para sa sabado at kasama ko ngayon si Frost.

"Which one? This one or this one?" tanong ko habang isa isang tinaas ang dalawang evening gown.

"They're just the same. At kahit naman anong damit ang isuot mo babagay at babagay din sayo."

Naramdaman kong uminit ang dalawa kong pisngi dahil sa sinabi niya, siguro ang pula na ng mukha ko.

"But still! I need to be beautiful I will meet your parents, so I need to look decent. What if they won't like me?"

"There's no point for them liking you and besides we're going to separate after one year anyway."

Natigilan na lang ako bigla dahil sa sinabi niya. Parang may kumirot sa kanang dibdib ko.

Oo nga noh? What's the point kung maghihiwalay din naman pala kami? Ba't ko ba kasi nakalimutan yun?

"Oo nga naman." mahinang sabi ko.

Parang nawalan naman ako ng gana na bumili ng damit kaya binili ko na lang ang pinaka unang damit na sinukat ko.

Tahimik lang ako habang nasa byahe kami. Sinasagot ko lang siya kung may tanong siya pero kung hindi Oo at hindi ang sagot ko ay tango at iling naman. Napansin niya siguro na wala ako sa mood kaya tumahimik na lang ito at hindi na nagtanong pa.

Nang nasa bahay na kami ay diretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Gusto kong umiyak sa hindi malamang dahilan o siguro dahil sa sinabi niya kanina.

Habang nakatulala sa kisame ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang caller bago ito sinagot.

"Hello sino to?" Tanong ko dahil number lang ang nakaregister.

*Starr! Si Gwen to! Kumusta ka na?!*

"Gwen! Okay lang ako ikaw? Kumusta ka na?"

*Ito okay lang magkita tayo at magbonding! Miss na kasi kita eh! Kayo Nina Alison at baby Zaim.*

"I miss you too and sige kita tayo sa may Starbucks."

Buti na lang Thursday ngayon at day off ko kaya wala akong trabaho ngayon.

*Sige kita na lang tayo don.*

"Okay see you!" tapos pinatay ang tawag.

Tumayo ako sa pagkakahiga at nag ayos ng sarili bago lumabas. Pag labas ko sa kwarto ay nagulat ako dahil nasa tapat si Frost ng pintuan ng kwarto ko.

"And where are you going?" tanong nito.

"Lalabas lang muna ako." sagot ko at nilagpasan siya.

"Sandali."

Tumigil ako sa paglakad. "Ano yun?" tanong ko habang nakatalikod sa kanya.

"Ano ahm....nothing."

"Sige aalis na ako."

"Sige."

"BUTI NAMAN at nag-aya kang lumabas." sabi ko kay Gwen ng dumating na ito.

"Ngayon lang kasi ako pinayagan ni young mister."

"Young mister? Diba dapat master?" takang tanong ko sa kanya.

"Boss ko yun at basta! So ano pasyal na tayo?"

"Tara na."

Namasyal lang kami ni Gwen at nagkwentuhan. Gusto ko sanang sabihin ang sitwasyon ko ngayon pero minabuti ko na lang na ilihim na muna. At isa pa di naman niya na kailangang malaman ayokong mag alala siya sa'kin at si Allison. And speaking of Allison wala pa akong balita sa kanya. Nag-aalala na nga ako kung nasaan na sila ni Zaim I hope nasa mabuti sila ngayon.

Totally Strangers(REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon