Chapter 16: Unknown Past

Start from the beginning
                                    

"Tita, please? Parang awa mo na. Ang tagal kong nagtiis na hindi sabihin kay Gian ang lahat. Karapatan niyang malaman yon!!" ani Eunique.

Pero sinampal siya ni Tita, kaya napaawat kami agad, "Ikaw din ang may kasalanan non! Halos araw araw ka sa bahay, malay ko ba kung may relasyon kayo ng asawa ko? O baka inakit mo siya!"

Napatungo si Eunique at saka umiyak,
"Tita, maawa ka naman sa akin o? Ilang taon akong nagtiis. Iniwan ko si Gian kahit na siya ang kailangan ko ng mga oras na yon." humihikbi na ito sa kakaiyak.  "Pinili kong manahimik kasi maging ang ama ko ay kinukunsinti kayo dahil sa perang binigay niyo sakanya. Tita, wala akong kakampi ng mga oras na yon, Sarili ko lang ang mayroon ako. Konting konti nalang susuko na ko non. Pero kinaya ko padin. Ipinagkait niyo sa akin ang mabuhay ng maayos. Nakita mo ba ang resulta sa akin ng mga ginawa niyo?"

Nakaramdam ako ng sobrang awa para kay Eunique. Ni hindi ko alam ang pinanggagalingan niya kaya siya nagkaganyan. Grabe ang pinagdaanan niya. Ako itong puro paghihiganti lang ang nasa isip.

"Kasalanan mo kaya ka nagkaganyan wag mo sa amin isisi." mataray padin na sabi ni Tita.

"Tita Babae ka din, sana manlang kahit kaunting awa."

"All this time, Dad is my hero, my inspiration. Modelong ama ang tingin ko sakanya, pero binaboy niya ang girlfriend ko." seryosong aniya. Nakatungo. "I Love Eunique, pero mas mahal ko kayo Mom naniwala ako sainyo na sana hindi ko ginawa. Iniwan ko si Eunique. Isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkaganyan," mariing tinitigan ni Gian ang ina,

"Pauwiin mo dito si Dad, I also need justice for my ex girlfriend. Hindi ako makakatulog sa kaiisip sa mga nangyari Mommy. Hindi ito ang inaasahan ko." aniya saka siya tumingin kay Eunique, humihikbi.

Nilapitan siya ni Gian at hinawakan sa magkabilang braso, "I'm sorry for leaving you when you needed me the most. Im sorry." saka niya niyakap si Eunique.

Sabay silang umiyak at puro sorry sa isat isa.

Tumalikod ako, dahil di tamang magselos sa ganitong sitwasyon.

"Sige magpaloko ka uli sa babaeng yan." biglang singit ni Tita.

Tinaasan niya kami ng kilay at saka dali daling lumabas at iniwan kami doon.

Pagharap ko sa dalawa ay magkahiwalay na sila, pero nakaakbay si Gian kay Eunique tila inaalalayan ito. Pero ng makita ako ni Gian na nakatingin sa kanila, tumango siya sa akin at tila pinapaubaya si Eunique.

Lumapit ako at ako ang umalalay sakanya.

I felt sorry for this girl. My girl.

We're all in the same game, just different levels, dealing with the same hell. Just different devils.

——

Eunique~

Halos dalawang linggo na ang lumipas,
Di ako lumalabas ng apartment.

Lagi lang akong nasa kwarto nakahiga at umiiyak. Paulit ulit lang na ganon.

"Niks, kinukulit na ako ni Gian, tapos si Burn nagaalala na sayo. Gusto kang puntahan pero diko ibinibigay ang address natin kasi ayaw mo naman." ani Cons ng maupo siya sa kama.

Di ako sumagot.

"Sana kasi sinama mo ako, mapektusan manlang yang devil na nanay ni Gian. Pinsan ni Satanas talaga yon." natatawang aniya.

Diko lang din maintindihan si Tita Amanda,
Babae din siya pero bakit di siya naaawa sa akin. Naging mabait ako sa kanya, kahit ayaw niya sa akin para sa anak niya simula palang.

THE CERTIFIED SLUTWhere stories live. Discover now