Ang Pang-Limampu't Siyam

Start from the beginning
                                    

I only wish to be in peace and in sincerity. 

Sinarado ko na ang kwarto at tumungo na sa akin. Sa kapaguran ay nakatulog na ako kaagad at hindi nakakain.

The heartaches of yesterday woke me up this morning. Matagal ko nanamang alam na kahit itulog ang sakit ay hindi mawawala kinabukasan pero umaasa pa rin ako. I did my morning routines lazily and only climbed down when I felt hungry.

"Good morning, ma'am! Ma'am, alas dose na po," masiglang salubong ni Tigris.

Para bang hindi ko alam iyon at tuwang-tuwa pa siyang sabihin.

"Nakaluto na po ng tanghalian pero iintayin ka raw munang magising sabi ni Gov. Hindi na niya kayo pinagising kanina kasi late na raw kayong dumating kagabi."

Tumango-tango ako sa kaniya, kunwaring nakikinig, habang gumagala sa kitchen. Nagugutom na ako at mas lalo lang lumala dahil sa naamoy na ginisa. 

"Nanang Thelma, gising na po si Ma'am Chrissy! Nanang!"

Halos tirisin ko si Tigris na namimilipit ang boses. Hindi maganda ang gising ko tapos ay nagugutom pa ako. Gusto ko sanang kumain na para makapag-relax na sa aking hammock.

"Gising ka na pala, Chrissy. Nasa garden ang Papa mo. Kausap iyong bisita mo," ngisi nang dumating na Nanang Thelma.

"Ako po? Bisita?" 

"Opo! Ang gwapo, ma'am!" Halos magtitili nanaman si Tigris.

Napaawang ang aking bibig. Kaya naman pala kanina pa aligaga itong isang na 'to dahil may bisita. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng tao. 

"Oo, Chrissy. Naroon sila sa hardin. Kanina ka pa nila iniintay na magising," si Nanang Thelma.

Kanina pa naman ako gising. Ayaw ko lang bumangon. Napabuntong hininga na lamang ako at tumungong garden. 

Palapit pa lang ay narinig ko na silang nag-uusap. Nakapalibot ang iilang body guards sa hardin at bahagyang inanunsyo ang aking pagdating. I thought it was Sean since he visited regularly when I'm home but it shocked me a bit when I saw Ram.

He was talking to my father casually like it was their of his golf matches. He looked pretty in our garden with his casual clothes, and that dangling Ray Bans on his collar.

"Good morning..." I greeted quietly, suspiciously eyeing Ram.

Ang mga matang nagmula sa seryosong pakikipag-usap ay unti-unting naging marahan, sabay ngiti sa akin.

"Hija, how was your sleep? Late ka na raw dumating kagabi," si Papa.

Nang uupo na ako sa tabi ni Ram ay pinandilatan niya ako kaagad. Napakamot na lang ako sa ulo nang umikot akong muli at tumabi naman sa kaniya. Muling bumalik ang kaniyang ngiti. I rolled my eyes.

"Yeah. Hinapon na kasi ako nakaalis. I...had to do something." Hindi ko halos matingnan si Ram.

"That's fine. Kaya hindi na rin kita pinagising dahil baka pagod ka."

Halos habulin ni Ram ang aking mga tingin. 

"Thanks. Uminom na ba kayong mga gamot niyo?" 

"Yes, hija. Well, naisip kong mag-stay na rin muna sa bahay. I was looking forward to having breakfast with you but I had breakfast with this one over here." Tinapik ni Papa ang balikat ni Ram.

Napanguso ako. I suddenly remembered the first time Ram and my father shared a meal together. It was very awkward. I thought Papa would walk out but he didn't. Hindi naman sumuko si Ram sa mga sumunod pa, at lahat yata ng interesanteng bagay para sa isang senior na ay alam niya. 

The PristineWhere stories live. Discover now