Sabay-sabay tumayo ng taas noo ang tatlong babae at mabilis na lumapit kung nasaan si Zernon. Patuloy naman sa pagkain ang lalaki na tila may sariling mundo. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito.

"Zernon baby" malanding usal ni Lory ng makaupo silang tatlo sa harap ni Zernon.

Hindi naman nag-angat ng tingin si Zernon. Para bang, walang nagsalita. Napasimangot naman si Lory.

"Zernon, maaari mo bang sa-" bago pa matapos ni Nedi ang kaniyang sasabihin ay tumayo na si Zernon at iniwan ang tatlong nakanganga dahil sa gulat.

"Ang gwapo niya talaga kahit napakasuplado. Lalo akong naiinlove" usal ni Sarah na siyang unang nakabawi sa tatlo. Sinang-ayunan naman siya ng dalawa pa niyang kasama na mga prinsesa.

Sa kabilang banda ay patuloy sa paglalakad si Zernon palabas ng Akademia. Nang makarating ang lalaki sa labas ng Akademia ay agad siyang sumipol. Sumulpot ang kaniyang malaking alagang ibon na si Sirin.

Hindi alam ni Zernon ang kaniyang nararamdaman. Simula ng magising siya isang araw, para bang may malaking puwang sa kaniyang puso. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman dahil bago sa kaniya ang pakiramdam na iyon kaya naman nililibang niya ang kaniyang sarili upang hindi maramdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon.

Kasama si Sirin ay lagi siyang tumatakas sa Akademia kahit alam niyang bawal. Malaya siyang nakakapaglibot sa buong kontinente dahil sa tulong ng ibong niyang si Sirin.

"Stop Sirin!" biglang usal ni Zernon ng matapat sila sa gubat ng Pelino. Kitang-kita niya mula sa itaas ang ganda at linaw ng tubig ng Ophelia.

Isang malabong memorya ang biglang nakita ni Zernon sa kaniyang isipan. Sa malabong memorya na iyon ay para siyang may sinusundan na isang babae at sa lawa ng Ophelia mismo siya tumigil sa memorya na iyon. Yun nga lang, hindi malinaw ang mukha ng babae at kung bakit nga ba niya ito sinusundan.

Makalipas ang ilang minutong pagtitig sa malinaw na lawa ng Ophelia ay napagpasyahan na niyang lisanin ang lugar, kasabay nito ay siyang pagdating ng isang magandang babae sa lawa ng Ophelia.

--

Faneya's POV

Hindi ko alam kung paano ako nabuhay. Ang huling alaala ko ay nasa bisig ako ni Zernon at naghihingalo. Sigurado akong namatay na ako ngunit himalang nabuhay ako.

Nagising na lamang ako sa kagubatan ng Pelino kung saan ako nahulog noong napunta kami ni Lola sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero nasisigurado ko na nagbago na ang daloy ng mga pangyayari. Natigil na ang digmaan at naging payapa na ang buong Entasia.

Napahawak ako sa aking dibdib kung san nakalagay ang Absolute Stone. Wala na ito ngayon. Marahil ay naglaho na at nabasag. Bumuntong hininga ako bago ako naglakad papunta sa ilog ng Ophelia. Ilang araw na rin akong nagagawi sa lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit.

Sa lahat ng nangyari, may isang bagay pa rin ang bumabagabag sa akin. Ano ang sinasabi ng aking ina tungkol sa Soul Infinity Bond. Siguradong malalaman ko lang ang kasagutan na iyon sa Akademia. Ngunit paano ako makakapasok sa lugar na iyon.

Noong araw na magising ako ay dumeretso ako sa bahay nina Hilda at Hino ngunit hindi nila ako kilala kaya naman nalaman ko na nabura ang kanilang mga alaala. Siguradong wala ng tao ang nakakakilala sa akin sa lugar na ito.

Pumikit ako at nagteleport ako sa loob ng Akademia. Ipinitik ko din ang aking daliri at sa isang iglap lang ay nakasuot na ako ng uniform ng Entasia Akademia.

Gulat na mukha ni Punong Mahestrado ang bumungad sa akin. Ngumiti naman ako ng wagas dahil sa kaniyang reaction. Pinigilan ko naman na matawa.

"Nagagalak akong makita kang muli Punong Mahestrado" pagbati ko sa kaniya. Naningkit naman ang kaniyang seryosong mata.

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now