Kabanata 11

27.9K 1.3K 116
                                    

Kabanata 11

Faneya

NANDITO kaming tatlo ni Narnia at Stella sa Enchanted Garden. Ang hardin na puno ng nagkikinangan na mga bulaklak. Maging ang dahon sa punong nakapalibot dito ay nagkikinangan rin.

Ang sabi ni Stella ay walang nagagawing estudyante dito dahil masyadong malayo. Tama nga naman siya. Matatagpuan pa ito sa pinakadulo ng Akademia. Malayo sa mga gusali. Tapos na ang klase kaya naman napagpasyahan namin na dumito muna.

Kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong magkulong sa loob ng dorm pero pinilit ako ni Narnia. Wala rin naman daw akong gagawin kaya naman pumayag na ako.

Iniisip ko naman kung paanong pagtatanong ang gagawin ko at kung anong tanong ang itatanong ko kay Maestro Ron. Tatlong araw na ako dito at wala pa rin akong maisip na paraan. Paano kung makilala niya ako? Alam kaya niyang may anak si Ures at Freya na matalik niyang kaibigan?

Ngayon ko lang naisip na dapat pala ay tinanong ko si Lola kung ano ang dapat kong gawin at itanong. Ang sabi lang niya sa akin ay makipaglapit ako kay Ronaldo Erasy. Madali lang naman yon dahil isa siya sa aming tagapagturo o tagapagsanay. Madali lang naman lapitan ang mga Maestro. Ang kinababahala ko ay baka mahalata niyang may iba akong binabalak at pakay sa kanya. Baka malaman pa nila kung sino kami.

"Ang tahimik niyo namang dalawa. Matutuyuan ata ako ng laway sa inyo" maingay na sabi ni Narnia. Bumuntong hininga naman ako. Nagsisimula na naman siyang mag-ingay.

"Ano naman ang sasabihin namin?" tanong ni Stella sa kaniya. Napangiwi naman si Narnia.

"Kahit ano. Magkwento kayo o magtanong kayo sa akin" sabi ni Narnia habang nakahalukipkip. Hindi pa rin ako umimik.

"Sa ating dalawa, ako ang may mas kaalaman tungkol sa Akademia dahil matagal na ako dito" Usal naman sa kaniya ni Stella. Napatango naman si Narnia sa kaniya.

"Kung ganon, wala bang kahit na anong aktibidad sa Akademia na ito?" pag-uusisa ni Narnia. Napangiti naman si Stella

"Syempre meron. Hindi iyon mawawalan. The Hunting Day. Iyon ay nalalapit na simula ngayon. Iyon ay kung saan ang mga mag-aaral sa Akademia ay manghuhuli ng mababangis na hayop sa kahit na anong gubat upang ialay sa Emperor at Empress. Mga piling mag-aaral lang ang nakakabilang don. Kasama na ang mga prinsipe at prinsesa ng apat na kontinente" napatango naman si Narnia sa sinabi ni Stella.

Ibig sabihin, maari akong makatapak sa palasyo ng Entayos kung mapapasali ako don? Ibig sabihin kailangan ko talagang mapasali don. Gusto kong makapunta sa lugar kung saan nagsimula ang pag-iibigan ng aking mga magulang. Kung saan nakatira ang aking misteryosong ina.

"Paano naman pumipili ng mag-aaral don?" tanong ni Narnia. Napangisi naman si Stella.

"Hindi ko alam kay Punong Mahestrado. Kada taon ay nagtatalaga siya ng mga mag-aaral na kabilang. Walang gaganapin na kahit ano upang makasali. Na kay Punong Mahestrado ang desisyon"

Kung ganon? Paano ako mapapabilang? Kailangan ko itong sabihin kay Lola.

"Maswerte kayo dahil ang mga aktibidad ng Akademia ay hindi pa nagsisimula ng dumating kayong dalawa. Ang Grand Ball naman ay gaganapin ilang linggo pagkatapos ng Hunting Day. Lahat ng mag-aaral sa Akademia ay kasali. Madami pang aktibidad pero malalaman niyo rin iyon sa takdang panahon"

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon