Kabanata 28

24.3K 1.1K 114
                                    

Kabanata 28

NANLALAMBOT ang tuhod kong napaluhod sa damuhan. I can't take it. Masyado akong nabigla sa aking natuklasan. The stone in my body is still glowing. Napapikit ako ng mariin at tuluyan ng napaupo sa damuhan.

Nanghihina ako. Sobra akong nanghihina. Para bang may kung anong humihigop ng aking enerhiya. Nagsisimula na din manlabo ang aking paningin.

Kung hindi ko natuklasan ang bagay na iyon ay sigurado akong manlalaban parin ako sa aking ulirat hanggang tumigil si Lithia sa pagtangkang paglabas sa aking katawan pero hindi ko magawa.

Puno ng awa ang aking kalooban. Awa para kay Lithia. Hindi ko magawang labanan ang gusto niya. Matapos kong malaman na siya ang 'The Absolute', ang babaeng tinitingala ng lahat noon at ang babaeng...

"Faneya!" sigaw ni Lithia sa akin. Alam ko na alam niya kung ano ang laman ng aking isip. Napakagat labi ako.

"You can take my body if that's what you want. Huwag mo lang sasaktan ang aking Lola pati na rin si... Zernon" mahina kong usal. Nanghihina na ako at wala na akong kahit na anong lakas.

"Don't pity me" usal ni Lithia. Tumulo ang aking luha. Isang patak kasunod ng isa pa hanggang sa hindi na ito tumigil.

"Ako ang unang nakabasa ng tungkol sa aklat na iyon. Bakit mo pa kailangan ipagkalat ang kasamaan na ginawa ng unang Emperor sayo? Sana sinabi mo sa akin noong una palang. Sana... natulungan kita" sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi. Kung alam ko lang sana... hindi ko akalain na siya pala ang babaeng tinutukoy sa libro.

"Huwag mo akong kawaan. Huwag mo akong iyakan dahil hindi na ako ang babaeng inaakala mong ako" usal ni Lithia. Napailing naman ako habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

"Maghihigante ka? Matagal ng patay ang taong gusto mong paghigantihan" usal ko sa kaniya. Tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Maghihiganti? Tama. Iyon ang dahilan kung bakit kinulong ko ang sarili kong katawan sa batong ito. Upang magbalik. Upang bawiin ang sa akin. Tama na ang isang pagkakamali" saad ni Lithia habang tumatawa na para bang isang hibang.

Lumiwanag ang batong nasa dibdib ko. Napapikit nalang ako at alam ko... sa mga oras na ito, pagkagising ko. Isang malagim na pangyayari ang bubungad sa akin.

--

"Faneya"

Napabalikwas ako ng bangon. Isang maaliwalas na kwarto ang aking nabungaran. Bukas ang dalawang bintana na gawa sa kahoy. Napatingin naman ako sa labas ng bintana kung saan makikita ang berdeng halaman, puno at iba't ibang bulaklak. Napangiti ako.

Bigla ko naman naalala na si Lithia na nga pala ang may kontrol sa katawan ko pero bakit ako nakakagalaw? Bakit parang ako parin ang mag kontrol nito at nasan ba ako?

"Faneya"

mula sa pinto ay nakatayo ang isang babaeng may maalon at mahabang kulay puting buhok. She looks like a doll. Ang pinagkaiba nga lang ay buhay na buhay ang kaniyang mata. Her eyes are ash.

"Who are you?" takang tanong ko sa kaniy because I never seen her in my entire life. Ngayon lang pero parang pamilyar ang boses niya. I think I heard it before. Hindi ko lang matandaan.

"I am Fraya" usal nita kaya naman kumunot ang noo ko. It sounded Freya but it's Fraya.

"Bakit ako nandito?" I asked ignoring my thoughts.

Ngumiti naman siya sa akin at lumapit. Umupo siya sa aking tabi at hinagod ang aking buhokd. Duon ko lang napansin na hindi kulay black ang aking buhok. It's platinum at katulad ng kay Fraya ay mahaba at umaalon ito.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon