Kabanata 8

31K 1.2K 256
                                    

Kabanata 8

HINDI makapaniwalang napatitig ako kay Lola. Para naman atang sobrang inabuso ni Lola ang kaniyang physical manipulation. Sa akin ay itsura ko lang talaga ang nagbago samantalang siya ay hindi lang itsura kundi ang edad niya ay nagbago din.

"La, andaya mo naman. Bakit isa kang 7 years old na bata? Mukha bang kaya kitang alagaan?" naiinis kong turan habang nakatingin sa batang babaeng sobrang cute. Kung hindi ko lang alam na siya ang aking Lola ay kanina ko pa pinisil pisil ang kaniyang pisngi.

"Kasi ito ang huling laman ng isip ko. Lagi mo kasi akong tinatawag na matanda. Kaya ganyan din ang itsura mo dahil ayaw na ayaw mong tinititigan ka ng kalalakihan. Ayaw mong pinagpapantasyahan ka nila"

Nalulumo akong lumabas ng kwarto. Ibig sabihin ganito ang mukha ko sa loob ng isang buwan? Sabagay. Okay lang sa akin. Nandito lang naman ako sa bahay at wala akong balak lumabas. Maayos na rin na maranasan kong maging iba.

"Hoy, Faneng. Hindi pa tayo tapos"

Hinila ako ni Lola papunta sa kusina at pinaupo sa lamesa. Kumuha naman ako ng tinapay at kinagatan ito. Bakit ganon? Parang nakaangat ang ngipin ko?

"Tumutulo ang laway mo Faneng"

Agad kong pinunasan ang aking tabi ng labi. Tama nga si Lola. Tumutulo nga ito at hindi ko manlang namamalayan.

"Kapag ganyan ang itsura mo. Hindi kana si Faneng. Ikaw na si Ureng at ako naman si Lala" halos malunok ko ng wala sa oras ang aking laway. Ureng? Bakit naman ang panget.

"Ureng talaga La? Ibahin mo naman"

Tumawa naman si Lola dahil sa aking sinabi. Napasimangot naman ako.

"Sige na nga. Nakakaawa ka naman. Hindi ko alam na ganyan pala ag gusto mong mukha" tumatawang pahayag ni Lola kaya naman napasinghal ako.

"Nakakainis ka La. Hindi mo naman sinabi agad na ganito kalala ang mangyayari sa akin. Tingnan mo ang laway kong tumutulo ng hindi ko namamalayan" halos umusok ang ilong ko dahil sa inis. Wala ng ikakadiri pa ang sarili ko.

"Seri Dalla ang pangalan mo at ako naman ang kapatid mong si Lala Dalla. Ulila at isang Minhana" tumango tango ako. Ganon lang kadali iyon? Kung sa mundo ng mortal ay kailangan pa ng identification. Madaming proseso pa ang kailangan gawin.

Lumabas naman ako at nakita ko si Roar na gumugulong-gulong sa lupa. Lumapit ako dito at hindi ko inaasahan na lalapit din ito sa akin. Ang ineexpect ko ay tatakbo ito palayo dahil ang panget ko at iba na ang aking itsura. Katulad kanina ay nakatungtong ito sa aking palad.

"Mabuti naman at nakilala mo pa rin ang master mo" tumawa ako at gamit ang kaliwa kong kamay ay hinaplos k ang gitnong balahibo nito.

"Guardian"

Napatingin ako kay Lola na nakatingin din sa aking hawak na lion. Umupo ako dahil ang liit ni Lola. Inilahad ko sa kaniya si Roar.

"Nakita ko kanina habang wala ka. Ang cute niya diba?"

Nag roar naman si Roar. Ang cute lang dahil sobrang liit ng boses niya.

"Isa yang guardian Faneng. Hindi ko alam kung bakit meron ka ng bagay na iyan. Alam mo bang mga piling Maharlika lang ang pinaglilingkuran nila?" seryosong usal ni Lola. Umiling naman ako dahil wala akong kaalam-alam sa bagay na iyon.

"Nakakapagtaka at meron ka niyan" seryoso akong tinitigan ni Lola. Kumunot ang noo ko.

"Wala akong alam dyan La. Lumapit lang siya sa akin kaya naman sabi ko sa kaniya ay aalagaan ko siya"

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now