3

91 10 0
                                    

Paglipas ng dalawang araw ay pinayagan ng makalabas si Dad sa ospital pero paalala ng doktor na major bed rest muna talaga.
      
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ni Dad nang biglang bumukas ang pinto at tuluyan nang pumasok si Tito.
   
"Nako, hija, alam ko mahihirapan ka na iuwi yang Papa mo mag-isa, kaya naisipan na naming tulungan ka." Bungad ni Tito.
     
N-namin?
      
Nang magprocess yun sa utak ko ay sakto namang may pumasok muli sa kwarto.
       
   
"Nako naman, inabala mo pa si Kook. Busy sa trabaho yan 'e." saway ni Dad kay Tito.
       
"Wala yun, tito, hindi naman kakayanin ni Liza mag-isa. Sa gamit pa lang, mahihirapan na sya."
       
"Salamat po sa inyo, Tito." Hindi na ako umapela pa dahil nakakahiya naman tumanggi sa tulong na di ko naman hiningi at kusang ibinigay.
      
Tahimik na lamang akong nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit ni Dad.
     
Habang nag-aayos ako ng gamit, binabalitaan sya ni Tito tungkol sa takbo ng company namin- kung ano na ang kalagayan magmula ng pansamantalang nawala si Dad.
  
Nakatalikod ako kay Jungkook at alam kong nanduon pa sya. Hindi ko alam ang ginagawa nya duon, pero, ano pa bang pake ko? Naisip ko lang kase na pwede naman sya na maghintay na lang sa sasakyan.
       
Habang nag-aayos ako ng gamit ay nagflash sa isip ko ang muli nyang pagbigkas sa pangalan ko. Hindi ko maintindihan kung anong pakiramdam 'to. Ilang?
      
"Kailangan mo ba ng tulong dyan? Medyo marami yan." Mahina pero klarong sinabi iyon ni Jungkook kaya napalundag ako ng bahagya sa gulat dahil nasa likod ko mismo sya.
      
Huminga ko nang malalim bago sya nilingon at tumango. "Paki tulungan na lang ako ilagay 'to sa sasakyan, kung okay lang? Habang inaayos ko pa 'tong mga maruruming damit."
        
Sa totoo lang, instinct ko na agad na tumanggi pero ayokong sundin iyon dahil maipapakita ko lang na naiilang ako sa kanya. Ayokong makita nya iyon, na may ganuon pa din akong nararamdaman.
     
Mas mabuti na din pala na tulungan nya ko para bumaba na lang sya sa parking kaysa nandito sya na nakatunganga. Mas nakakailang yun.
     
Tumango naman sya at kinuha na yung mga gamit na tapos ko na iimpake. Nagpaalam sya kay Dad at sa papa nya na ibababa na ang ibang mga gamit.
      
Akala ko makakahinga na ako ng maluwag kapag wala na sya sa kwartong 'to...     
     
"Mabuti pala ay ayos na ang prinsesa mo, pare, ano? Hindi na naiilang sa anak ko. Alam mo, sayang kayo, dapat maging magkaibigan man lang kayo. Sayang ang pinagsamahan."
    
Napalunok na lamang ako sa sinabi ni Tito bago ko sya nilingon. Bahagya akong tumawa sa sinabi nya at plastik na sinabing...
      
"Wala na'yon, tito, antagal na nun."
        
Galing mo talagang umarteng babae ka, Liza.
      
Saludo na ako sa sarili ko.
     
    
- -
   
Tahimik ang naging byahe. Nagpanggap akong tulog syempre para makaiwas na rin sa mga usapan.
       
Nang magising ako dahil totoong nakatulog rin ako ay malapit na kami bumaba.
     
"Liza, ikaw, may nobyo ka na ba?"
Halos masamid ako sa sarili kong laway nang bumungad ng tanong pagkagising ko.
   
Hinampas naman sya ng pabiro ni Dad. Tumawa lamang si tito at inulit ang tanong na para bang nang-aasar.
     
Tumawa na lamang ako na parang naiilang. "Tito naman 'e." Pabiro kong sabi.
    
"Nako, mukhang meron na nga, ayaw umoo o hindi e." Tumawa na lang ulit sya habang si Dad naman ay ngumingisi din.
    
Itong tatay ko, di ako magawang saluhin. Hays.
       
Tahimik lamang na nagdadrive si Jungkook kaya wala akong naramdaman na tensyon o ilang dahil siguro sa masiglang atmosphere na dala ni tito.
      
Nang makauwi na kami ay tipid ako nagpasalamat kay Jungkook at Tito. Nagmano ako kay Tito at ngumiti ng kaunti kay Jungkook bago ko sya tinalikuran.
        
"Pagpasensyahan mo na ang Tito mo, 'ha? Akala nya kase wala lang mga biro nyang yun. Huwag mo sanang seryosohin." paalala ni Dad. Ngumiti naman ako at umiling.
     
"Wala yun, dad."
      
"Sigurado ka?"
       
"Naman, tara na hahatid na kita sa kwarto mo at kelangan mo na ulit magpahinga."
      
"Ano ba naman yan, higa nanaman." pagmamaktol ni Dad na itinawa ko na lang.
      
   
Nang maihatid ko na si Dad sa kwarto nya ay sinimulan ko naman ayusin ang mga bagahe ko na hindi ko naasikaso nuong umuwi ako dahil deretso bantay ako kay Dad.
    
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ko nang may magdoorbell. Sino naman kaya ang una naming bisita?
       
"Pasensya na sa istorbo, Liza. Pinabibigay nga pala ni Papa, Nagtake-out kase kami pagkahatid namin sa inyo. Nautusan ako na dalhin to para raw di ka na magluto at deretso pahinga ka na lang pagkakain mo."
     
Nagpasalamat ako kay Jungkook at napairap na lang ako nang makatalikod ako sa kanya. Walangya naman, bumalik pa.
     
"Di na sana kayo nag-abala. Kaya ko naman na magluto. Bumalik ka pa tuloy. Pasok ka."
   
Gusto ko talaga na magthank you at isara na ang pinto but that's so inappropriate dahil una, nagdala sya ng pagkain kaya instant bisita sya. Kelangan mag-offer na papasukin.       
       
Pinagdadasal ko na sana sabihin nya na huwag na at aalis na sya pero ang loko, medyo makapal yata ang balat sa mukha, pumasok naman nga.
          
"Gusto mo ba ng maiinom?"
      
"Ayos na ang tubig, salamat."
      
Napairap muli ako nang lagpasan ko sya. "Upo ka muna."
     
Kumukha ako ng tubig. Pagbalik ko sa kanya ay nakita kong nakatingin sya sa mga bagahe ko.
       
Inabot ko ang tubig sa kanya. Nagpasalamat sya kaya pumunta na ko sa mga bagahe ko. "Pasensya ka na sa mga gamit ko at nakakalat pa ha? Di ko na kase naasikaso pagdating na pagdating ko e. Nagbantay ako agad kay Papa."
       
"Nako, di mo kelangan humingi ng pasensya. Gusto mo ba tulungan na kita mag-ayos?"
         
Umiling naman ako agad at tumawa. "Hindi na uy. Dami mo na natulong, kaya ko na 'to. Di ka ba hinahanap sa trabaho?"
   
"Di naman, bukas na daw ako bumalik sabi ni Papa e. Nakakaabala ba ko sayo? Gusto ko lang sana mapadali gawain mo. Alam ko din kase na wala kang maayos na pahinga nang maconfine si Tito."
       
Pinipigilan ko sarili ko na taasan sya ng kilay pero nakuha kong ngumiti at umiling.
   
"Hindi na, Jungkook. Madali na lang 'to."
     
Ipipilit pa sana nya pero narinig ko na may tumatawag sa phone nya. He excused himself at sinagot iyon.
      
Nang natapos ang tawag ay humarap sya sa akin na may disappointed na mukha.
     
"Pinag-absent ako kase di ako kelangan tapos ngayon tatawag at pinapabalik ako duon."
   
Tumawa na lamang ako. Ano ba irereact ko? Disappointed 'to kase day-off na sana nya e.      
    
"Pakisabi kay Tito, salamat sa food. Salamat din sayo, nag-abala ka pa dalhin."
     
"Wala yun, Liza, maliit na bagay lang yun. Paano ba yan, una na ako ha? Pahinga ka na agad pagtapos mo dyan. Sayang, hindi kita matutulungan. If need mo help sa kahit ano, text ka lang."
 
Natahimik sya saglit at umiwas ng tingin kaya napakunot naman ang noo ko sa kinilos nya. "Iyon pa din number ko."
     
Tumango na lamang ako at kumaway hanggang sa makaalis na sya.
        
"Bobo ba yan? Tingin ba nya may number pa ako nya? Kung meron man, dinelete ko na yun!" Naasar kong bulong sa sarili ko habang sinasara ang pinto.
       
      
Kung akala mo, okay na ang lahat at ganuon kadali ka na lang ulit makakapasok sa buhay ko, Jungkook, nagkakamali ka!
      
       
Tapos na ang bait-baitan, kailangan na natin dumistansya, Liza.
        
        

MINE ALONE • jjkWhere stories live. Discover now