Chapter 3~Chance

460 10 4
                                    

Ang chapter na 'to ay dedicated sa isa ko pang new found friend dito sa wattpad. Cai, thank you sa friendship. Nagkasundo kami kasi pareho kaming loka loka at baliw sa mga pogi! hihi. :">

So, sana po maenjoy niyo 'tong new update ko. :)))

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

Mitchie's POV

Boogsh....

"ARAAAAY!"

Biglang umakyat sila daddy, ate. Except Millie. "Ano Dad? Laglag na ba si ate sa kama niya?" sigaw ni Millie sa baba. Bruha talaga ang babaeng yon. "Ang laki laking tae nalalaglag pa sa kama. Ewww." Aba! Masapak nga mamaya.

"Dad." hoho. Ang sakit ng pagkakabagsak ko. Nakapikit pa rin ako dahil sobrang sakit ng likod ko.

"Saan ang masakit sayo Mitch?" Binuhat ako ni Daddy pabalik sa kama ko.

"Yung likod ko po. Pa, Aray. Ayokong pumasok." secret lang natin ha pero drama ko lang 'to. tamad kasi ako pumasok ngayon. Antok na antok pa ako. Puyat kasi ako, nanuod kasi ako ng favorite kong korean drama. Nasa kilig part na kaya pilit kong tinapos yung episode. Hihi.

"Dad. Wag ka maniwala diyan. Ilang beses na kayang nalaglag yan. Sanay na mga buto niyan. Drama niya lang yan." Ang kaninang nasa babang si Millie, andito na ngayon sa kwarto ko. Epal talaga 'tong babaeng 'to.

"Hoy Millie, lumabas ka ng kwarto ko at baka maka-isa ka sa akin." from pagkakahiga, ngayon nakaupo na ako sa kama at hinahahamon si Millie.

Paktay! Masakit nga pala ang likod ko. Sira na drama ko. Awtsuu. Napatingin ako kay Dad, ngumiti at nagpeace sign.

"Maligo ka na Mitch at kumain na. Mga batang 'to talaga oh." tumayo na si Dad at lumabas na ng kwarto ko.

Nakakatamad kayang pumasok. Lalo na kung unang subject mo dragon na prof. Lunes na lunes Math ang subject. Papasa kaya ako dito. Lord, ipasa niyo po sana ako kahit bagsak lahat ng quizzes at exams ko. Promise po, magaaral na ako next sem!

Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. as usual, ako ang huling hinatid ni dad sa school.

Papasok na ako ng gate ng mapansin kong may isang lalaking prenteng prenteng nakasandal sa pader na para bang may hinihintay. Kung photographer lang siguro ako, kanina ko pa ito pinicturan, pwedeng model eh. Baka kumita pa ako kung ibebenta ko ang mga pictures niya! Pwede!

Nakapasok na ako ng gate pero hindi niya pa ako nilalapitan, pero grabe namang makatitig. Siguro kung nakamamatay ang tingin, kanina pa ako bulagta sa sahig at baka may mga Soco na dito sa school at baka sikat nanaman sa News.

Naiilang ako dahil parang may sinasabi ang titig niya. Iba kasi ang titig niya, hindi yung para ka niyang hinuhubaran. There is longing in his eyes, parang maraming gustong sabihin.

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko siya. "Hoy, don't you know that staring is rude?" Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Good Morning Mitchieco. Kumpleto na araw ko kasi nakita na kita." Then he walked away.

Iniwan ako? Sarap batuhin ng sapatos! Pwede namang sabihin, 'tara, hatid na kita sa room mo.' Bwiset! Ang bibigat ng bawat hakbang ko habang naglalakad dahil sa sobrang asar sa lalaking yon. Anak ng! Ang haba pa ng pila sa elevator, wala akong choice kundi maghagdan.

Pagod na pagod ako pagdating ko ng room, asar na asar pa! Dahil sa lalaking yon, nahahaggard ako! Errrr!

Wait !  Bakit ba masyado akong nagpapaapekto sa lalaking yon? Dapat wala akong pakialam sakanya dahil ginugulo niya lang ang buhay ko. Hindi ko dapat hayaan na makapasok siya sa buhay ko, lalo na sa puso ko.

Heads, I'm Yours. Tails, You're Mine! (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon