Chapter 17~Not Happening

88 4 0
                                    

Tyron's POV

Hindi ko mapigilang ngumiti habang sakay ako ng elevator paakyat sa condo unit namin. Napakasaya ng araw na ito dahil nakasama ko uli si Mitchieco. Masaya ako dahil sa wakas ay naaalala niya na ako at thankful na rin dahil napatawad niya na ako for leaving her 10 years ago.

Hinding hindi ko na iiwan si Mitchieco. Never. Gagawin ko ang lahat just to stay beside her.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Troy. Mukhang may lakad. Tinignan ko ang wrist watch ko. Pasado alas otso na. Saan pa 'to pupunta?

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya pero imbes na sagutin ang tanong ko ay hinawakan niya ang balikat ko at tinignan.

"Good luck bro." Sabi niya sa akin at umalis na siya. Ano yon? Hindi ko nalang pinansin at pumasok na ako sa loob ng unit. Hindi pa mandin ako nakakatatlong hakbang nang may marinig akong sumigaw at yumakap sa akin.

"Tyron! You're back! Where have you been babe? I've been waiting for you. Thank god at wala na si Troy. Now, we can have our privacy." Nakangiti si Tiffany habang hinahaplos haplos ang braso ko.

"What the hell are you doing here Tiffany?"

"Well, surprise! I'll be staying here since i decided to go to your school."

"What?!"

"What? Isn't it fun. Magkasama na tayo."

No way! Paano magiging fun yun? "You can't stay here. You're a girl Tiff. Troy and I are staying here."

"Fine! Just give me two weeks until I fine a place to stay." Disappointed na sabi ni Tifffany.

Two weeks? Masyadong matagal yun. Hindi rin magandang tignan na habang nililigawan ko si Mitchieco ay may nakatirang babae sa unit ko. Kahit pa wala kaming relasyon ni Tiffany. Hindi ko hahayaang ma-jeopardize ang pagkakataon na binigay sa akin ni Mitchieco.

"No. I'll let you stay for the night. Bukas sasamahan kitang maghanap ng apartment or condo kahit ano." wag lang dito.

Nagpout si Tiffany. Lagi niyang ginagawa yon sa tuwing hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kung effective yon sa Daddy niya at sa ibang lalaki pwes sa akin hindi.

"One night?" Unti-unting nilapit ni Tiffany ang mukha niya sa akin. "Okay fine, one night is enough for me to make you happy." Napakunot ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang mga kamay niya na pumaloob na sa polo shirt ko. "Troy is not here."

Umatras ako at inilayo ang sarili ko kay Tiffany. "Not happening."

Sanay na sanay na ako sa mga katulad ni Tiffany na liberated. Pero kahit isa sakanila ay wala akong pinatulan. Kahit magka-girlfriend nga hindi ko nasubukan dahil sa isang tao lang nakalaan ang puso ko.

"That's what I like about you Ty. Gentleman." Kinuha ni Tiffany ang traveling bag niya at hinila papunta ng kwarto. "I'll take a rest. Good Night."

Tiffany staying in the Philippines is bad but Tiffany studying at my school is worst! Damn.

"""""""""""""

It's beem a while guys! Now, I'm back. Chapter 17 is up. Enjoy.

Don't forget to Vote, Comment ang Be a fan!

Heads, I'm Yours. Tails, You're Mine! (On Going)Where stories live. Discover now