Chapter 23

375 3 0
                                    

Wedding

Two POVs

Background: You and I (Forever) by Jessie Ware

Wedding song: It Might Be You by Stephen Bishop or Daniel Padilla if you want. :p

Alodia 

“Ang ganda mo girl! Naku, paniguradong laglag panga at boxers niyang jowa mo pag nakita ka. O-M-G! This-iZzz-really-iZzz-it!! Kakasal ka na!!!!” Elsa excitedly exclaimed habang inaayusan ako ng make-up artist ko sa harap ng vanity mirror. Nakatayo siya sa may gilid ko and being the lokaret that she is, para siyang kiti-kiting kilig na kilig. Napangisi at iling na lang ako sa reaksyon niya.

“Sira ka talaga girl! Huwag mo nga akong patawanin baka sumakit pa tiyan ko. Pero girl, ninenerbyos ako. Paano kung magkalat ako habang naglalakad sa aisle? Baka matisod pa ako or baka hindi ko masabi ng maayos yung wedding vows. Nakakahiya pag nagkataon.” pag-aalala kong tugon nang bumaling ako sa kanya, at napangiwi siya.

“Gaga! Ngayon ka pa ninerbyos at nahiya, e pag rumarampa nga tayo noon ni katiting na bahid ng hiya wala ka! Umayos ka diyan girl ha, kundi bibigwasan kita.” mataray na bulalas ni Elsa habang nakapamaywang ang isang kamay at iniirapan ako sabay pabirong batok sa akin. Napahawak tuloy ako sa parte ng ulo kong binatukan niya at imbis na umaray ay natawa ako.

“Makabatok ka naman girl! Baka masira ang hairdo ko, wag kang ano diyan. Naku wish me luck girl. Sana lang talaga di ako magkalat. Alam mo yun girl? Yung parang mix yung nafefeel ko ngayon— halong excitement, anxiety, at kilig? Takot akong magkalat pero at the same time excited akong makita si Kent. Naku, baka himatayin ako pag nakita ko kung gaano kagwapo yung tingting na yun habang naglalakad ako papunta sa kanya. Oh my… yung payatot ko… Can’t wait to spend the rest of my life with him. Haaayyyy…” I dreamily uttered, clasping my hands together habang nakatingala at iniimagine si Kent sa kanyang suit. 

“Yuck. Kailan ka pa nag-watir sa payat na katawan? Oh well… Love is blind talaga.” Nakangiwing saad ni Elsa and shrugged.

“Girl… Hindi bulag ang pag-ibig. Love sees everything perfectly including all the imperfections or flaws of the person. It’s just that when you love, you love wholeheartedly, flaws included. Kahit na ba sabihin nating malayo sa ideal man mo yung tao, kapag pinana ka na ni Cupido, waley na. Wala ka ng magagawa kundi sundin ito…” nangingiti kong paliwanag kay Elsa and she chuckled.

“Kanta lang? Ganun? Baduy mo girl! Pero sa bagay, may point ka diyan. Ganyang-ganyan din ang nangyari sa akin kay Sugar Bunny ko. You know naman girl my history with Thomas— saksi ka kung paano ko siya gustong tadtarin at silaban back in Highschool. Di ko talaga akalaing maiinlove ako sa kanya. Never in my wildest wet dreams did I imagine falling for someone whose surname always reminds me of the mafia, goons, ex-con, at kung anu-ano pang masamang elemento. Kasi naman, sino ba naman kasing ninuno ng Sugar Bunny ko? Sa lahat naman ng pwedeng piliing apelyido, ‘Mondragon’ pa ang nabetchicola.” tugon niya and we burst out laughing.

It’s been a week since nagpropose si Kent sa akin. Friday ngayon at wala kaming class for today until Monday morning, kaya naman gusto ni Kent na right after the wedding reception ay lumipad na kami kaagad patungong Maldives. Tapos babalik na lang kami on Monday bago magstart ang class sa hapon. Ayoko pa nga sanang pumayag at gusto ko sanang ipagpaliban muna ang honeymoon namin kasi alam kong masyado siyang busy sa business niya plus sa problem ng company namin pero he insisted na tumuloy kami. 

A Flirt's Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon