Chapter 3-Reminiscence (Prelude sa Kalandian) Part II

1.4K 13 0
                                    

August 2011

“Hoy Kent! Hintayin mo naman ako.” Sigaw ko habang hingal na hingal na sa kakahabol kay Kent. Nakatuon na ang magkabilang kamay ko sa aking dalawang tuhod habang hinahabol ang aking hininga.

“Ang bagal mo kasi. Bilisan na natin at baka maiwan tayo ng bus.” Masungit na tugon ni Kent sabay hila sa aking kamay. Field trip kasi namin ngayon sa Subic. Ilang taon na rin mula ng una kaming magkakilala ni Kent. Nasa 3rd year Highschool na kami ngayon. As usual masungit pa rin siya sa akin pero masasabi kong kahit na tinatarayan niya ako parati ay close na kami.

“Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng huminto muna tayo kahit 30 seconds lang? I need to catch my breath. Kanina pa kaya tayo kumakaripas ng lakad.” I was panting at kinailangan ko siyang higitin para lang mapahinto saglit sa paglalakad. We were half running actually.

Etong lalaking to talaga... Kung hindi lang talaga kita mahal.

“Kung sana kasi ay gumising ka ng maaga. E hindi sana tayo nagmamadali ngayon.” Pagtataray niya habang nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip.

“Opo. Sorry na po. Kasalanan ko na.” Sarkastiko kong sagot. Nang medyo humupa na ang aking hingal ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Buti na lang ay umabot kami sa call-time, kung hindi ay sesermonan ako panigurado ni Father Kent. Hehe.

“Oi nandito na pala ang lovebirds! Good morning Kent and Alodia.” Pangungutya ni Ralph, ang isa sa aming mga kaklase pagkapasok namin sa loob ng bus. Naghagalpakan sa tawa ang iba pa naming kaklase at nakisali din sa pang-aasar.

“Huwag nga kayong ano diyan.” I glared at them. “Mamaya niyan mabwisit pa lalo sa akin itong si love of my life. Bwisit na nga siya actually e.” Bulong ko sa sarili ko. Mabilis na naglakad patungo sa dulo ng bus si Kent at doon umupo sa dulong two-seater sa right-side ng bus. Tinignan niya ako at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya kaya nagmadali ako agad at doon na umupo. Doon siya pumwesto sa may window. Gusto ko din sana doon para maisandal ko ang ulo ko kasi inaantok pa rin ako. Ang aga naman kasi ng call-time, 5 am e antok na antok pa ako.

“Hi Kent! Excited ka na ba para sa field trip? Kasi ako super excited na! First time ko kasi makakapunta sa Ocean Adventure and excited na rin akong magswimming.” Elsa the Great squealed with matching tantalizing eyes pa. Nakaupo siya sa seat sa harap ko.

“Dukutin ko yang mata mo e tapos bubunutin ko pa lahat ng eyelashes mo. Makita mo...” I scowled deep within myself. Nakakairita talaga tong si Elsa. Obvious na bet na bet niya talaga si love of my life. Pero sorry ka na lang, pinaglihi ata sa bato etong si labs at di tinatablan ng alindog ng kahit na sino.

“And so? Ano namang pake ko kung first time mo at excited ka?” Kent replied and i gloated.

Yan kasi masyadong papansin. Nabasag tuloy.

“Ang sakit mo namang magsalita.” Halos mangiyak-ngiyak na si Elsa, sabay talikod sa amin ni Kent. Umupo na siya nang maayos at di na kami ulit pinansin.

.................................

Naging matahimik ang byahe namin patungong Subic. Akala ko ay magiging maingay ang klase namin habang bumabyahe pero mukhang halos lahat ata ay puyat at walang energy na mag-ingay. Mga kalagitnaan ng byahe ay di ko namalayan na nakatulog pala ako.

“Yamashita... Hoy Yamashita...” pabulong na tawag sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Antok pa rin talaga ako kaya di ko man lang maidilat ang mata ko.

“hmmmnn..??” i groaned. Ilang sandali ang lumipas ay narealize ko na nakasandal pala ako sa kung ano. Minulat ko ng bahagya ang aking mata at nakitang nakasandal pala ako sa balikat ni Kent at siya ang gumigising sa akin. Napatalon ako at napaayos sa pagkakaupo. Bigla ding nawala ang antok ko.

A Flirt's Unrequited LoveWhere stories live. Discover now