FADEN 26

979 99 78
                                    


Razade



Time flies fast. January 30 na ngayon.

Nang inannounce na nawawala si sir Montero, nawalan na din kami ng pasok. Syempre dahil nawawala area chairman namin... pero kahit naman ata may klase ay aabsent ako. Alam ko na kasi ang mangyayari. To pay respect nalang. Para akong nawalan ng gana. Kung sa palabas lang 'to malamang maeexcite ako, kaso iba naman pala kapag nangyari sa totoong buhay. Nakakawala ng sigla. Parang pinaglalaruan nalang ako, kami. Pero ayaw ko maglaro.... Kasi hanggang ngayon, wala pa si Francine.


Pansamantala lang naman nawalan ng classes. Natuwa ang iba-- pero nang mabalita ang nangyari ay parang lahat kami ay nalungkot.




Malapit sa puso namin si Sir Montero kahit sabihin na ma-chix siya. Magaling siyang lider sa school. Mahilig siyang makijamming sa estudyante, palabiro, hindi siya kasing strikto ng magulang niya na dati din naming area chairman, best teacher--- pero ngayon kasama na ata niya parents niya.



Tumingin ako sa paligid. Walang nakangiti ni isa saamin ngayon. Kahit si Kyle na bungisngis ay nakayuko lang ngayon at kahit si Aliyah na joyful ay tila maiyak iyak na habang nakatitig sa harap. Iba talaga impact ni sir Montero ah. Kahit baguhan lang na estudyante napamahal sakanya.





Nayuko na rin lang ako. Ang hirap. Paano na kami ngayon? Paano na ang school? Ang daming gumugulo sa utak ko. Si sir naman kasi bwiset, sa sobrang hilig magtravel pati kabilang buhay binisita. Puta.





Part of me nagsisisi, kung matalino ba ako naligtas ko siya? Ang bobo ko to think na kaya kong iligtas ang isang tao sa kaunting kaalaman ko lang. Si Kyle pepwede naman--- siguro kung siya lang pinalead ko eh maayos kalagayan ng lahat. Ambobo kasi, Razade. Ambobo. Sinegway ko pa idea niya. Ughhhh, naiiyak ako.





Tutulo na sana luha ko kaya tumingin nalang ako sa taas. Ayoko umiyak ngayon, baka manghina lang ako. Napansin kong nagbablack na ang ulap at mukhang uulan na mamaya. Sana matapos na 'tong burol para hindi na ako maabutan ng ulan. Wala akong dalang payong e.





Habang nakatingin ako sa taas ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Titingnan ko sana kung sino pero hindi ko na magalaw ang ulo ko.




Anong nangyayari?




Unti-unting nanigas katawan ko. Para akong naestatwa. Ang ingay din sa paligid ko ay parang nagfefade. Anong nangyayari saakin? At sino 'tong katabi ko?



I tried moving... Pero wala pa rin talaga. Ni makasalita ng tulong wala.... Ang lungkot ko kanina biglang napalitan ng pagkataranta. I just sat there.. looking up.. looking at nothing.




"Sairazade Desantis." The voice beside me suddenly called. Pakiramdam ko nanigas ako. Ang baba ng boses ng nagsalita. Para siyang galing pa sa ilalim ng lupa.



Takot. Natatakot na ako.




Pula lang ang nakikita ko sa peripheral vision ko--- pero kung hindi ako nagkakamali ay nakakita ako ng matalim na bagay sa taas ng ulo ng katabi ko.Wth?! Sungay?!





"Kukunin ko na sa'yo ang kaibigan mo." Halakhak nito habang natitig sa kamay niya. "It's been 40 days, you know. Sorry you tried.. but sorry--- someone was stronger than you. Sa sobrang lakas ay hindi niya pinadaan kahit isang subok na makuha mo ang kaibigan mo."




Kung magagalaw ko lang ang muscles sa katawan ko ay siguro nakakunot na ang noo ko. Anong ibig sabihin ng taong 'to? Or I mean-- tao pa ba?




"Alam kong naguguluhan ka." Putol niya sa naiisip ko. "Let me just say this straight.



Francine and her family is dead."





Tumigil ang munting paghinga ko sa mga oras na iyon. I cannot comprehend what he's saying. Francine's parents are dead? And... Francine?




NO!



Pero kaya ba wala akong mabalitaan sakanila kasi—



RAZADE! NO! WHAT ARE YOU THINKING?!



"They went to the underworld together,Razade. " The voice beside me went deeper and closer. Para na siyang super lapit to the point na katabi na ng bibig niya ang tenga ko. Pero kahit katabi niya ito ay napansin kong hindi ito humihinga. Katabi ko ba talaga 'to? O guni-guni ko lang?



"They're now happy, Sairazade. Or maybe, ako ang masaya na." Putangina, oo katabi ko nga."But do you know what was Francine's last wish amidst torture was?"




Bigla nalang gumalaw ang ulo ko pakanan. Unti unti rin itong bumaba sa pagkatingala. Bumulong uli ito sa tenga ko at nang makita ko ang sinasabi niya ay kusang tumulo ang luha ko.




"Her last wish was to see you."




Kasabay ng pagtagpo ng mata namin ni Francine ay ang pagbalik ng pandinig ko.




Narinig ko na uli ang usapan sa paligid. Ang iyak ng iba, ang sisiw sa ibabaw ng kabaong ni sir that symbolizes justice. Nagagalaw ko na rin ang katawan ko. at.. at... Nakita ko si Francine. Naiyak na ako ng tuluyan. Ang bestfriend ko na matagal ko ng hinanap ay nakatago lang ngayon sa likod ng isang puno. Nakangiti siya saakin. Hindi ko mapigilang humagulgol.




Tatayo na sana ako para lapitan siya ngunit naalala ko ang kausap ko kanina. Nilingon ko ang upuan ko sa kaliwa pero nagulat ako nang wala na akong maaninag. Asan na 'yung pulang tao dito kanina?



Inaalala ko ang pinag-usapan namin....



Ano nga uli sinabi niya saakin?




Bakit wala akong maalala?





Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Francine.



Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Wala na akong pake kung mabasa man ako, ang importante andito na siya!



Nang ibaling ko na uli ang tingin ko sa puno ay bigla nalang hinarang ng itim na payong ang view ko. I looked up and there I saw Kyle. 'umuulan' he mouthed.



Inis ko siyang tinulak ng mahina. "Kyle, si Francine andito."




"Saan?" Gulat na tanong niya at nagtingin tingin na rin.



"Andu---". Natigil ako sa pagsalita. Nakaturo ang kamay ko sa isang puntod. Wala ng puno, wala na rin si Francine.


Francine, asan ka na naman?

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon