FADEN 23

990 105 45
                                    

Razade

Luisito Montero.




He's just 24 years old and he loves hiking. Hindi dapat siya ang area chairman kaso namatay nang maaga ang papa niya. Gwapo si sir-- but rumor says na he easily hooks up with pretty girls. Ano pa?



Nagmadali ako sa paglalakad. Sa bawat paglapit namin sa pinto ay bumibigat ang loob ko. Ayaw kong maniwala..... pero paano kapag siya talaga?




Bago pa man namin mabuksan ang pinto ay biglang bumungad saamin ang subject teacher namin kanina. Mukhang nagulat siya nang makita kaming natakbo sa direksyon nila.



"Ms. Desantis? Mr. Pasqualino? Fifteen minutes before 1, why are you running in the hallway sa oras na 'to instead of having lunch?"



Napalunok ako. Hindi naman sila maniniwala kung sabihin namin ang rason namin. Magsisinungaling nalang ba ako? Pero ughhh, hindi ako magaling sa palusot. Mukhang napansin iyon ni Kyle at siya na ang sumagot. "May nakapagsabi kasi saakin na pinapatawag daw ako ni sir Montero para tulungan kayo magbitbit ng bond paper pafaculty?" Medyo nagdadalawang-isip niyang sabi. "Kasama ko si miss president so nagsabi siya na tutulong na rin siya."

"Ah eh? Inutusan ko na si Ms. Olivier eh."

"Sai!" Napansin ko namang patakbo palapit sa direksyon namin si Aliyah.



Napakamot ng ulo si Kyle samantalang kinuha ko na agad ang oras para humarap kay ma'am.



"Nga pala po ma'am, asan po si sir?"


Napailing ito. "Ayon naghiking. Naakit sa tourist spot na kumalat sa social media eh. Umaasa pa ring magkakalovelife." Napatawa nalang siya. Nang makalapit si Aliyah ay kinuha na niya ang mga papel.



Agad kaming nagkatinginan ni Kyle at mukhang parehas kami ng iniisip.

"Uhm, may problema?" Aliyah cut in.


I smiled a bit and shook my head. "Wala naman."

Kyle then tapped me. "We're late." He mouthed.


"Hindi pa rin tayo fully sure." Sagot ko na rin lang.


"Aliyah, mukhang istorbo tayo sa umuusbong na lovelife. Hays. Sana all 'no?" Natawa nalang si teacher habang si Aliyah ay nginisihan kaming dalawa na parang nang-aasar na kinikilig.

"Ang speed mo Kyle." Malakiti kiti niyang sabi nang palampas na sila ma'am.


Bigla namang tumahimik. Ewan ko kung may iniiisp ba kami o kung naapektuhan kami agad sa sinabi nila.

Nang makalayo na sila ay napaupo ako sa pwesto ko— 'di ko na alam gagawin ko, sa 'totoo lang.


Umupo si Kyle para magpantay kami. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya ng tumunog ito. Napalaki siya ng mata na nagpakaba saakin.


Itinapat niya ang screen sa mukha ko.



You have one notification

[ reaperilous edited a content from the  thread ]

>click

↳ forgot to tell you that mt stands for must torture. lol.


FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon