Three peas in a pod

Start from the beginning
                                    

"Ipagpray mong gumaling na si Mymy ha. Goodnight, Bunny. I love you." I kissed her forehead and waited for her to fall asleep bago ako lumabas ng silid niya. I checked on Yuan in the other room. He's asleep too. I checked on Yana, wala siya sa silid niya kaya agad akong nagpunta kay Yohann para tingnan kung naroon ito. Hindi naman ako nagkamali. Nasa bed si Yana, katabi niya si Yuna habang si Yohann ang natutulog sa couch. Everyone is asleep so I went to our room.

Natagpuan ko si Alyza Mae na nakaupo sa kama at umiiyak na naman. Pagkakita sa akin ay humagulgol siya at paulit -ulit sinasabi ang salitang SORRY. 

"Hindi ko naman alam, Yael. Sorry... sorry... sorry..." Ang lakas - lakas ng paghagulgol niya. Naupo lang ako sa tabi niya at yumakap sa kanya nang mahigpit. 

"Abnoy ka talaga. Wala kang dapat ipag- sorry, okay? Wala kang kasalanan. Hindi mo ito gustong mawala. Please stop crying, Alyza nasasaktan ako. Huwag mong gawin ito sa sarili mo. Wala kang kasalanan."

"Baka pinaparusahan ako kasi ginusto kong mawala si Yana noon."



"We both know you didn't mean that. Kasalanan ko iyon kasi gago ako. Natakot ka lang but you never meant that. You love Yana. You love all of them, please don't blame yourself. Gusto mo ba magpakasal ulit tayo para maging okay ka na?" 



Tumingin si Alyza Mae sa akin. 

"Kakakasal lang natin noong isang taon."

"O e di honeymoon na lang." Ngumisi pa ako. 

"Kakaopera ko lang kaya."

"Kapag magaling ka na, Abnoy, maghohoneymoon tayo. Saan mo gusto?" Kinurot ako ni Alyza Mae sa tagiliran.

"Pero baka mahirapan na akong mabuntis ulit." I cupped her face. 

"So? Five beautiful children is enough. We have so much love to receive from them. Miss na miss ka na ni Yoonie. Hindi mo na raw sila hinahatid sa school. Yana is so worried about you. Si Yohann hindi makapag-concentrate sa midterms niya---"

"Hindi pwedeng hindi siya mag-aral! Accountacy ang course ng anak mo! Dapat nagcoconcentrate siya!"

"Paano nga naman raw iyon, Mommy? Nag-aalala siya sa'yo?"

Natigilan siya. Humaba ang nguso niya at tumingin sa akin. 

"Ang clingy ni Yohann. Mana sa'yo."

"Mahal ka kasi namin, so please, balik ka na, Abnoy. I know how much it hurts but please, let me face the pain with you. I wanna be here for you."

"You always have been, Bobo." Hinalikan niya ako sa labi at yumakap na naman nang mahigpit sa akin.

Alam kong sa pagkakataong iyon, ay magiging maayos na siya. Alam kong tatayo na muli ang asawa ko. Kung hindi pa siya handa, hihintayin ko siya hanggamg sa maging maayos na siyang muli. Ganoon naman iyon. Pinangako kong araw - araw at habambuhay ko siyang mamahalin kaya hindi ko siya susukuan. 

Hindi naman ako nagkamali. Kinabukasan ay bumalik si Alyza Mae sa normal niyang routine. She prepared breakfast, inayos niya ang mga bata. Binilinan si Yohann na mag-aral mabuti. Isa - isa niyang binigay ang packed lunch ng mga anak namin at siya na ulit ang naghatid sa school doon sa tatlo. Ako naman ang kay Yohann at Yana. 

"Okay na si Mymy." Masayang wika ni Yana. "Pinagalitan na niya si Kuya kanina."

"Pinagalitan ka rin kasi di maayos iyang palda mo."

"Okay lang basta okay na si Mymy. Dy penge 500."

"Ako rin Dy." Napapailing na lang ako pero binigyan ko pa rin sila. Pagkahatid sa school ay pinuntahan ko si Alyza Mae sa bakery. Nagababakasakali lang ako na naroon siya at hindi naman ako nagkamali, she's inside... I guess, she's really okay...

Secrets IVWhere stories live. Discover now