Three peas in a pod

32.9K 1.8K 268
                                    

"Yael... I'm sorry..."

Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Alyza Mae at dahan - dahan siyang tinabihan sa hospital bed. She keeps on crying. Kanina pa ako nag -aalala sa kanya dahil hindi siya tumataha. Nagpunta na rito si Nanay at si Mama para kausapin siya pero hindi pa rin siya nagiging maayos. 

Hinalikan ko siya sa noo habang nakayakap siya sa akin at iyak pa rin nang iyak. 

"Sorry, Yael..." Humikbi pa siya. Hinaplos -haplos ko ang balikat niya.

"Don't cry, Abnoy. It's not your fault. Walang may gusto noon." Pinalalakas ko ang loob niya. Kailangan niya iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas nasaktan. 

"Hindi ko sinasadya. Dapat nakinig ako."

"Hey. Don't do that."I cupped her face. "We already have Yohann, Yana, Yuan, Yuna and Yonnie. Mababait at malulusog sila because you took care of them all, you loved them and cherished them."

"Pero sayang..." Humikbi na naman siya. Nakunan si Alyza Mae. Pareho naming hindi alam na buntis siya. Dinugo siya kagabi and I rushed her to the hospital. I was too worried. Hindi ko alam ang gagawin ko. The doctor said that it was ectopic pregnancy. They had to operate on her. Tinanggal iyon kasabay ang isang ovary niya. 

"Hindi sayang iyon, Love. Isipin mo na lang, kulang sa angels si Lord kaya tinawag niya iyong baby natin. Hindi ako galit, I love you too much to get mad. You have to get better, the kids are waiting for you. Alright?"

Naramdaman ko ang pagtango niya pero umiiyak pa rin siya. Hindi ko siya iniwanan sa kama noon kahit na ilang beses akong binilinan ng nurses na hayaan kong mag-isa siya sa kama ay hindi ako umalis. Ayaw rin naman ni Alyza Mae ma bumitaw sa akin.

Isang linggo si Alyza Mae sa ospital. Araw - araw siyang dinadalaw ni Mama at Nanay. Kahit si Ma Yza ay pinupuntahan at pinipilit siyang pasiyahin. Yohann gives her flowers everyday, minsan pa nga ay nadatnan kong kinakantahan siya ni Yana habang pinatutulog. Ngumingiti si Alyza Mae pero hindi iyon umaabot sa kanyang mga mata. 

Malungkot siya, at nasasaktan ako dahil roon. Pinangako ko noon na gagawin ko ang lahat para sa kanya, para mapasaya siya pero hindi ko magawa ang ganoon ngayon. 

"How can I miss something like this? Hindi ko naman siya nahawakan?" Narinig kong tanong niya kay Hya nang gabing iniuwi ko na siya galing sa ospital. Alam kong iba ang epekto kay Alyza Mae ng nangyari. Siya ang ina, siya ang pinakamasasaktan sa lahat - naniniwala siyang naging pabaya siya kaya nawala ang batang iyon. 

"Tatagan mo Aly." Hya held her hand. "Andyan pa ang mga bata, andyan si Yael. They love you. H'wag mong sisihin ang sarili mo."

She was too sad. Everyday that passes by, lalong binabalot ng lungkot si Alyza at sobra akong nag-aalala. Halos isang buwan siyang hindi lumalabas ng silid. Nag-aalala ang mga bata sa kanya.

"Dydy, hindi pa ba magaling si Mymy?" Yonnie -our youngest asked me that one night. I was tucking her to bed. May hawak siyang rag doll na bigay ni Papa sa kanya.

"She's getting there. Do you miss her?"

"Opo! Sad rin ako kasi sad siya. Saka di na niya kami nahahatid ni Yuna sa school. Hinahanap na rin siya ni Teacher Mirasol kasi lapit na po Christmas party."

Si Alyza ang President ng PTA sa room ni Yonnie. Yonnie is in her fourth grade, si Yuan ay grade six, si Yuna ay grade five samantalang si Yana naman ay second year high school na at si Yohann ay nasa first year college na. 

Secrets IVWhere stories live. Discover now