Kumawala naman ito sa pagkaka-yakap ko sa kanya and started to walk ahead of me. Naiwan ako sa kinatatayuan ko, tama siya. Iba siya sa mga babaeng nagkaka-gusto sa akin, dahil hindi tumalab sa kanya yung hug ko. Lisa Manoban's hug is a rare commodity, I say rare dahil tanging sina Rabbit at Rosé lang ang may karapatang yumakap sa akin ng walang paalam, heto ako at hinug siya pero inisnob lang nya ako. She looked back at me and said.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Ihahatid mo ba ako?" Jennie said.

"Ah eh, oo." I said and ran after her.

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad palabas ng school. Naka-sunod lang ako dito. It was the first time I have seen her face to face. Pero pamilyar ang pangalan nya sa akin. Must be a classmate of mine from previous subjects ko or something.

"So, anong course mo?" I asked her.

Hindi na pangkaraniwan sa college namin ang maka-halo ang ibang course sa isang klase. Lalo na't minsan ang ibang subject nila ay parallel sa amin or tulad na lang ng English Lit, elective lang naman pero it was needed to move on to the next ladder of subjects.

"Comm Arts Major in Cinema Track like you. Ka-block kita noong unang taon natin sa college, ikaw yung masyadong bibo at galawgaw na estudyante na laging napapagalitan ng prof." She said coldly.

"Ay talaga ba? Blockmates pala tayo. Hey, sorry ha? I mean for being a boisterous girl in the class, pero nag-aaral naman ako ng maayos." I said to her.

Hindi ko din alam bakit ako nagpapaliwanag kay Jennie, obviously she had some deep rooted animosity against me. Three years na kami sa kolehiyo pero ito ang unang pagkakataon na nakilala ko siya at ito din ang unang pagkakataon na sobrang nanliliit ako sa mga pinag-sasabi ng babaeng ito.

"I know, magaling ka lalo na sa math subjects natin. We were tied in one of the math subjects, pero I fell behind you by a point." She said.

"Ghorl ang creepy mo, dami mong alam tungkol sakin ha? Fan girl ba kita?" I teased her.

"Like what I have said, I knew you dahil blockmate kita. Wala akong interes sayo at sa mga pabibo mo sa klase natin. In fact while we are at it let me tell you na naiinis ako sayo at sa mga alipores mong 4D ang ugali, hindi nyo ba kayang irespeto ang time ng ibang estudyante at manahimik kayo sa klase?"

She said her other brow raised at me as she stopped walking at naka-cross arm pa ito habang halukipkip nya ang mga libro nya habang naka-sabit ang back pack nya sa isa nyang balikat. She's cute pag galit na siya, this thought made me smile goofily at her.

"Nginingiti-ngiti mo dyan? Buksan mo na ang pinto ng kotse mo at ihatid mo na ako sa bahay." Iritang sabi ni Jennie sa akin.

"Wala, cute mo pala. Galit ka na nyan ghorl?" I said mocking her a little bit.

"Boi, I'm not mad at you, sinasabi ko lang ang thoughts ko. Kasi mukhang wala kang paki sa mga sinasayang mong oras sa klase. Frankly, karamihan ng estudyante sa klase natin mga scholar sila, time is essential to them. They can't enjoy their breaks once we go over the time sa isang klase." She said.

I opened the door of my car and let her get in. Mukhang hindi tumatalab ang kulit ko. I never knew that there are such students in our college na kailangan ng time para man lang makapag-break sila ng ayos. It was a rude awakening. Jennie sat quietly in my car, riffling through a folder she had as I made my way into my car.

Pagkapasok ko sa kotse ko, she handed me a bunch of length wise sheets of paper.

"Para saan to?" I asked her.

"Reviewer mo na ginawa ko kanina, lahat ng diniscuss kanina andyan, aralin mo na lang. Baka kasi sabihin ni Miss Jandel, hindi kita tinuruan para sa short quiz natin bukas." She said to me.

She's dating the nerdWhere stories live. Discover now