He laughed. "Hugot na hugot ah? May pinagdadaanan ka ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagsasabi lang ng totoo."

"Weh? Nagsasabi ka talaga ng totoo?"

"Oo naman!" taas noo kong sagot.

"Anong oras ka nga ulit dumating?"

Napa-isip ako, uhm... 9:00 'di ba? "8:30!"

At tumawa nanaman ang loko. Bakit ba ang saya-saya nito lagi? Kainis.

"8:30 talaga?" I nodded. "Kaya maraming nagsi-sinungaling kasi naimbento naman ang salitang sorry?"

I punched his left arm. "What!" Buti na lang kanan ang panghawak niya sa baso ng kape.

"Nauna ako sa'yo! 9:00 ka na kaya dumating. Bumili lang ako ng kape, kasi ang tagal niyo, kaya 'di mo 'ko naabutan."

I looked at him straight in the eyes pero nag-iwas ako agad ng tingin kasi iba siya makipagtitigan eh, parang talo na ako agad.

"Weh?"

"Andito na 'ko bago mag-8:30 'no." I blushed. Panira naman eh, kaya ayan inasar lang niya ako nang inasar hanggang sa makumpleto na ang grupo namin.

Sumakay kami sa van "daw" nila Dada, do'n siya nakaupo sa passenger seat at kaming lahat sa backseat. Pina-plano na namin ang mga tanong na nakahanda nang tanungin siya ng isa naming groupmate.

"Sino nga ulit 'yung Tito mo, Deign?"

"Mamaya na."

Ito namang isang 'to, pa-mysterious pa eh. Sino ba, presidente ba tito niya? Governor o Mayor? Para naman sana alam namin kung tugma sa position niya 'yung mga itatanong namin, nakakaloka. Asar.

Huminto kami sa tapat ng isang malawak na bahay. Ang ganda. Wala ka pa sa loob pero parang ang gaan na sa pakiramdam, kaya rin siguro masaya lagi si Deign, kasi ang ganda ng ambience sa bahay nila.

Pero teka... bahay nga nila 'to?

Pumasok kami sa loob at ang ganda nga. May mga painting at mukhang mamahalin ang mga gamit. Vintage-ish din ang interior.

"Upo muna kayo," sabi niya.

Lumabas ang kasambahay nila mula sa kusina at dinalhan kami ng makakain.

"Ang laki naman ng bahay niyo, Deign." Our classmate said in awe.

"Oo nga, ilan kayong nakatira dito? Asan ang tito mo?"

He smiled. "Malapit na si Tito. Hindi pwede sa bahay nila kasi private raw 'yon, maarte eh, kaya dito na lang sa'min."

Hindi ko magawang magtanong sa kaniya at hindi ko alam kung bakit.

We nodded. "Sinong kasama mo rito?"

"Si Lola," speaking of Lola niya ay nakita namin itong papasok ng bahay mula sa garden nila.

Ang ganda pa rin ng lola niya kahit na matanda na. Bakit kaya may mga gano'ng tao?

"Lola, andito na po classmates ko." Sabay halik nito sa noo ng matanda.

"Good morning po," bati namin.

Binati rin kami nito ng nakangiti. Mukhang nasa lahi nila ang pagiging masiyahin.

Umupo rin sa sofa ang Lola niya at nakipag-kwentuhan sa amin. Masayang kausap ang Lola niya. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang kadaldalan ko ngayon. Pangiti-ngiti na lang ako sa mga banat ng Lola niya.

Tinanong din kami nito kung kamustang kaklase si Deign.

Maski ako, nabigla dahil ako ang unang sumagot. "Bully! Bully po 'yang apo niyo!"

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now