ALL - Thirty Eight

10.8K 474 63
                                    

Hindi ko nakausap si Deign at Gavin matapos ang ganap na iyon sa bahay dahil pareho silang pinaalis ni Papa. Gusto ko mang habulin si Deign pero natatakot ako sa nanlilisik na tingin ng tatay ko.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong at mag-i-iyak sa kwarto. Hindi ko rin halos ginagalaw ang pagkaing dinadala ni Mama sa akin.

Ipagawa na sa akin ni Papa lahat; paglinisin ng buong bahay, magsaka, mangisda, mamalengke, o kahit ano pa basta 'wag lang ang iwan si Deign.

Right after niya pagtabuyan 'yung dalawa ay pinagalitan niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi sabihin ang totoo. Na nahulog ang loob ko kay Deign habang kami pa ni Gavin. Gusto niyang layuan ko silang dalawa. Handa naman akong layuan si Gavin, kaya ko maging kaibigan at fan sa kaniya pero hindi na tulad ng dati. Pero si Deign...mahal na mahal ko siya. I can't...I just can't let him slip away. Nag-aalala si Mama na baka masaktan ako ni Papa, physically, kaya lagi siyang humaharang sa pagitan namin sa tuwing kagagalitan ako nito. Galit na galit talaga si Papa sa akin, kesyo ke babae kong tao, nagawa kong mangaliwa.

Bakit gano'n, 'pag lalaki nangaliwa parang tanggap o kaintindi-intindi sa lipunan pero 'pag babae kung husgahan ka parang ang dumi-dumi mo?

Lalo akong naiiyak sa tuwing naaalala ko ang tabang at galit ni Papa nang sabihin niyang, "Wala akong anak na manloloko".

Kitang-kita ko kay Papa na gusto niya akong saktan ng mga oras na iyon pero nagawa pa rin niyang pigilan ang sarili niya. At hindi rin naman hinayaan ni Mama na mangyari iyon.

'Yung dati kong kakampi, wala, kinahihiya na ako ngayon.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko lang. Ang tanga ko para magmahal sa maling pagkakataon. Ang tanga ko dahil hindi ko inintindi ang mga bagay na maidudulot sa akin ng bawat desisyon ko.

Maghapon lang akong nakahiga at nag-iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay ko. Kung malaman pa kaya ng lahat, ng mga kaklase ko, ng mga kamag-anak ko, ng mga Ninong at Ninang ko, at ng mga kababata ko, anong panghuhusga rin kaya ang ibibigay nila sa akin?

Inaamin ko naman na nagkamali ako eh pero hindi ako nagsisisi kasi mahal na mahal ko si Deign at alam kong mali man ang ginawa ko pero hindi ako nagkamali na siya ang mahalin.

I've been sending him messages and calling him since the last time he was here but he rejected and/or ignored everything. Was he that mad? Nagalit din ba siya kasi...kasi nasaktan siya ni Papa dahil sa'kin?

I felt alone. I felt lonely. I've been judged by the man I love the most, the one who took care of me,...our King.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko lahat galit sa'kin.

Kinuha ko na lang ulit ang cellphone ko para mag-check ng social media accounts. Napapangiwi ako sa kada makikita kong post ng mga kaklase ko na nag-e-enjoy sila ngayong bakasyon. Buti pa sila masaya. Buti pa sila malaya. Ngayon ko lang din nabasa ang message ng mga kaibigan ko sa group chat namin. They are both asking me kung kumusta ang bakasyon namin dito ni Deign. Ang basag moment naman kung sasabihin ko 'yung totoo. Pero sinabi ko na lang din na everything is not doing well.

I heard a knock on the door. I looked at the clock and it is already someone expected. It was Mama with a food tray. I opened the door and she instantly went inside.

She took a deep breath, so deep I literally heard it. "I'm glad none of your stuff was broken." She used to search around my room to check if I was the type who throw and break anything when depressed.

"I am enjoying this vacation," I sat on my bed. My sarcasm was so obvious.

Ipinatong niya ang pagkain sa lamesa. At 'di nagtagal ay napalingon siya sa akin na may ngiti. I looked at her suspiciously lalo na nang tumawa siya.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon