Special Chapter - Deign

11.1K 302 43
                                    


Minsan ay mayroong isang sanggol na lalaki na iniwan ng tatay niya sa ampunan na pinamamahalaan ng mga madre. Iniwan lamang siya ng kaniyang ama sa labas ng ampunan. Hindi tumigil ang bata sa kaiiyak hanggang sa buhatin siya ng isang matandang madre.

Iniwan siya dahil walang pantustos sa kaniya ang ama dahil binata pa ito at nag-aaral pa lamang. Hindi na niya nakilala ang tunay niyang ina.

Maswerte ang batang iyon dahil mababait at mapagmahal na mag-asawa ang umampon sa kaniya. Hindi magka-anak ang mga ito kaya naman laking tuwa nila nang mahawakan ang batang lalaki.

Dinala siya ng mga ito sa Ilocos. Lumaki ang bata sa isang malaki at masayang pamilya; bagay na ipinagkait sa kaniya ng kaniyang tunay na magulang.

At ang batang iyon ay walang iba kundi ako.

"Deign, anak, ayaw kong magtatanim ka ng sama ng loob sa tunay mong magulang ha. Promise me." sabi sa akin ni Mama habang kumakain ng dinner.

Ngumiti na lang ako. Wala akong problema ro'n kasi mahal naman ako ng mga kinikilala kong magulang.

Pinapalitan na rin nila ang pangalan at apelyido ko at isinunod sa kanila. Wala akong reklamo dahil mas gusto ko maging Deign Sison. Hindi dahil sa yaman kundi dahil sa pagtanggap at pagmamahal mula sa kanila.

Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Madalas kaming pumunta kung saan-saan. Minsan nasa Maynila kami at minsan naman ay nasa Ilocos. Depende sa trabaho nila Mama at Papa.

Pero ang hindi ko alam, patuloy pala nilang pinaghahanap ang tunay kong ama't ina. Kaya naman nang dalhin nila ako roon ay wala na akong naabutang nanay dahil namatay na raw ito dahil sa sakit na Pneumonia. Laking pasalamat naman ng tatay ko na hindi ako dinala roon para ibalik sa kaniya, dinala lang ako roon para makilala ko siya at ang mga nakakaawa kong kapatid. Ang mga nakababata kong kapatid ay tila 'di nakakakain ng sapat sa isang araw.

Tandang-tanda ko pa. Pitong taong gulang ako noon at pinuntahan ako ng kapatid kong lalaki. Hinihintay ko ang yaya ko nang bigla siyang dumating. Hiningian niya ako ng pera kahit isang daan lang daw. Wala naman akong kamuwang-muwang noon kaya nang kapain ko ang bulsa ko ay kinuha niya agad ang inilabas kong pera at nagpasalamat, ni hindi ko na nga nabilang kung magkano iyon.

Nasa daan kami pauwi nang makita ko siya sa gilid ng plaza na parang may hinihithit. Sinabi ko kay Yaya na kapatid ko 'yon pero umiling lang siya at tinakpan na lamang ang mga mata ko.

Hindi lang isang beses nangyari iyon. Madalas na akong abangan ng kapatid ko sa eskwelahan para hingian ng pera kaya naman mas hinigpitan nila ang bantay ko at hindi na siya nakalapit pa sa akin.

Hindi naman sumama ang loob ko na inilalayo nila ako sa tunay kong pamilya dahil naipaliwanag naman ni Mama sa akin ang lahat. Naging tapat sila sa akin at ramdam kong totoo lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam nilang pagmamahal sa akin.

Mahal ko ang mga magulang ko. Mahal na mahal. Kung hindi dahil sa kanila ay wala sigurong patutunguhan ang buhay ko ngayon. Kung hindi dahil sa kanila, walang Deign Sison.

Tila ako binagsakan ng langit at lupa nang mamatay ang magulang ko. Sinundo nila ako noon sa school at habang nasa daan kami ay masaya pa kaming nagke-kwentuhan nang may sumalpok na malaking trak sa kotse na sinasakyan namin.

Maswerte akong nakaligtas pero hindi ang mga magulang ko. Sobrang sakit nang makita ko kung paano dumiretso ang linya sa makina na nagsasabi kung buhay pa ba sila. Masakit mawalan ng magulang ng dalawang beses.

Panay ang iyak ko noon dahil pakiramdam ko pinanganak ako para maging mag-isa. Pinanganak na walang pamilya, walang magulang.

Hindi alam nila Lola noon kung paano nila ako patatahanin dahil wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang mawala ang mga magulang ako. Pero isang bagay na natutunan ko mula sa Lola ko, ang hindi pagsuko. Hindi niya ako sinukuan kahit na sobra ang pagmumukmok ko noon. Halos hindi ko pinapansin lahat ng kumakausap sa 'kin.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon