ALL - Seven

24.5K 568 107
                                    

It's the second semester of the school year. Darn, nangangalahati na ang second sem pero hindi pa rin nagiging kami ni Gavin.

Nakinig ako ng mabuti sa professor namin. Siyempre, kailangan ng mataas na grades, well konti pa naman ang major subjects as of now so keri pa. Masaya nga ako na tuwang-tuwa si Kuya Casimir sa grades ko last sem eh pati na rin si Mama at Papa. So far, so good daw. Pero ito namang si Phillip, "buti nga Kuya hindi F eh", grabe saludo talaga ako sa logic niya sa buhay.

I am at the cafeteria right now together with Zoe and Tanya. Busy ako sa pagkain ng baon kong salad. Yeah, healthy living ako ngayon. Kasi 'yung nali-link dati kay Gavin, eh nababalitang nagpapa-sexy daw. Tss. If I know, nagpapapansin lang 'yon kay Gavin. Eh mahirap na, baka maging effective ang pagpapapansin niya kaya mabuti ng maagap.

"Grabe, 'yan lang talaga lunch mo?" Zoe asked for the nth time. I nodded.

"Hindi pa naman kayo naghihirap 'di ba?" Sinamaan ko ng tingin si Tanya.

Tinapat ko ang tinidor ko sa tapat nilang dalawa. "'Pag naging vegetarian naghihirap na agad? Hindi ba pwedeng nagbabagong buhay para gumanda katawan?"

They both rolled their eyes. Gosh, I should be the one doing that, right?

Maya-maya lang ay tumigil sa gilid ng table namin ang isang grupo ng mga feeling biatch. I believe that a real bitch is a biatch with class and not like those scrappy girls na gusto lang ng fame and magpaka-mean girl.

"Oh andito pala ang feeling girlfriend ni Gavin." She laughed sarcastically.

"Geez, we're paying high enough in this school but a bunch of trash is like... anywhere." Sarcastic ko ring sabi sa mga kaibigan ko just acting like I don't care about the feelingerang bitch.

I heard them gasp. Umupo sila sa bakanteng table sa tabi namin. "Wala na bang makain kaya puro gulay na lang? Aw."

Seriously, ano bang problema ng mga tao sa pagkain ko. This is nutritious, damn.

"Well, it just happens that I know how to have a good body naturally."

She looked at me fiercely. "Are you saying that... that..."

"That you got your flawless skin, bridged nose, cheek bones, big boobs, and etcetera from a surgeon? Oh please everyone knows that." I laughed.

Sumubo ulit ako ng salad ko. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko na para bang sinasabi kong, pucha sige tumahimik lang kayo at 'wag ako awatin nang makatikim ang feelingerang 'to.

"At least I am not a desperate, obssess fangirl." She stood up.

I smiled. "Well, at least my boobs and ass are real." That's for making fun of my salad.

I can see from here that she's mad and she can't believe what I had just said. Oh well, truth slaps you unexpectedly, honey. She left her food and her friends. Gosh, is this what it feels like to win? I like it. When I was sure she’s out of the cafeteria, my friends and I high-fived.

After break time, pumasok na siyempre kami sa klase but ugh, ang boring ni ma'am. Ang hina ng boses niya at puro pa kwento ng buhay niya. Mas pipiliin ko pa manuod ng MMK kaysa i-push 'tong klase na 'to.

Because of boredom nilabas ko na lang ang cellphone ko para mag-twitter. Una ko siyempre ini-stalk ang profile ni Gavin, hmm wala pa naman siya gaanong pino-post na ikakainis ko, promotions pa lang naman. Kaya nag-browse na ako ng tweets.

Oh shocks, ang gwapo ni Gavin sa picture na 'yon. Omg, save. Isa pa! Save ulit. Maganda ako, gwapo ka, so anong problema? Bakit hindi pa rin nagiging tayo?

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon