ALL - Forty Four

7.8K 418 80
                                    

It was the start of the new semester. And I'm very excited—so much I even got up 30 minutes before my 7:30AM class starts.

I hurriedly took a bath but of course I made sure na mabango pa rin ako at nagawa ko pa rin ang mga ritual ko, mabilis nga lang. Habang mabilisang nginunguya ang almusal ko ay panay ang dada ni Kuya.

"Kanina ka pa namin ginigising, ayaw mo magising tapos ngayon ganyan ka kumain. Aba, hindi tama 'yan Gianina. Estudyante ka, dapat alam mo kung paano panghawakan ang oras mo. Hindi ka dapat umaasa sa iba. At hindi porket unang araw ng klase ngayon at may iilang prof na hindi pumapasok eh dahilan na 'yon para magpa-late ka. Dapat matuto kang magi-..."

Ito namang si Kuya ang aga-aga, sermon nang sermon akala mo naman nakikinig ako sa kaniya. Sinesenyasan na nga lang ako ni Ate Alex na pabayaan ko lang daw at magmadali na lang ako.

Phillip was very happy na hindi kami blockmates. Naunahan niya ako sa magandang schedule. At hindi ko rin kasama ang mga kaibigan ko dahil mas maaga silang nag-enroll, kahit binigay nila sa akin 'yung sched na pinili nila, pagdating ko naman do'n, wala ng slot.

It's like I'm going to start a new life.

Or not.

When I got to the room. The professor was already calling names. I apologized for being late and he just nodded. Damn, he's cute. I mean, a handsome intelligent man. Kahit nakaupo siya alam kong matangkad siya. Nakakagwapo rin sa kaniya 'yung pagiging malinis tignan at nakasalamin pa siya, he looks like a charming geek.

"Anyone who haven't been called?" he asked.

I raised my hand. "Sir!"

"Surname."

"Ramirez. Gianina Ramirez."

Tinignan niya ang class list niya at tumango.

"What the fuck?"

Napalingon ako sa nagsalitang iyon at napataas ang kilay nang makita si Indi.

Bwisit na 'yan. Akala ko new life, new people na, hindi pala. New life, same biatch.

"May problema ba?" Tumayo si Sir at umiling na lang ako.

Nag-umpisa na siyang ipakilala ang sarili niya. He's a Math professor and as what he told us, he used to play basketball and photography. And that's enough to make his girl students drool over him, well I am kind of an exception, I guess. I mean, yes he's very attractive but walang sparks.

Sir, bakit ka ganiyan? Bakit ang pogi mo? Napa-iling na lang ako. No wonder kaya doon sa harap pumwesto si Indi. Tse. Papansin talaga no'n kahit na kailan.

Imbes na makinig sa gwapo naming professor ay nilibot ko ang paningin ko. Halos puno ang klase niya mukhang malalakas ang radar ng mga babae dito ah. Isang upuan na lang ang bakante at iyon ay ang sa tabi ko. Please lang, sana walang tumabi sa akin. Enough na 'yong tahimik na nerd itong nasa kanan ko kaya payapa ang buhay ko dito.

Bumukas ang pinto sa likod at natigil sa pagsasalita si Sir Timothy.

"Sorry Sir."

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"I don't tolerate late comers. Do you guys understand?" They nodded. I don't. I'm still pre-occupied with the voice I just heard. "What's your name again?"

"Deign Albert Sison."

He checked his list then nodded "You must be the player."

"Basketball player, Sir. Baka kung ano isipin nung iba."

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now