CHAPTER XXV

6.8K 287 8
                                    

CHAPTER XXV

AILYN

Pagmulat ng aking mga mata ay sinag ng araw agad ang bumungad sa akin. Nag-unat ako ng aking katawan.

Nasaan kaya sina Drakius?

Sa ibang lugar ata ako dinala ni Azrael pero parang kwarto ko ang kwarto na tinulugan ko.

Nagpasya akong hanapin sina Drakius at pagkabukas ko ng pinto ay nakakatakam na amoy agad ang bumungad sa aking ilong.

Hindi na ako nagpaligoy pa pumunta sa kusina. Pagkarating ko doon, ay agad kong nakita sila. Si Drakius ang nagluluto at si Drakora naman ay tinutulungan si Drakius, at si Darius ay naka-upo sa upuan ng hapag kainan.

Agad akong nakita ni Drakius.

"Good morning, Your highness." Bati ni Drakius.

"Good morning, master." Bati ni Drakora.

Tumayo naman si Darius at yumukod ng napakababa.

"Good morning, Master!" Bati nito.

"Magandang umaga din sa inyong lahat." Bati ko pabalik.

"Master! I have a request!" Sabi ni Darius habang nakayuko parin.

"Tumayo ka muna ng maayos." Utos ko.

"Yes!" Tuwid itong tumayo.

"Ano ang iyong kahilingan?"

"I would like to battle master as our contract."

Bago pa man ako magsalita ay agad na sumiksik si Drakius at Drakora.

"Don't push master. She just opened her core."

"Don't battle with her highness, she's still recovering."

Suway ng dalawa kay Darius.

"Then... Defeat me in an arm wrestle competition. If master defeats me our contract is complete."

Bago pa man sumiksik si Drakius at Drakora ay sumagot ako.

"Sige. Payag ako sa kahilingan mo."

"I'll prepare a stump outside. Drakora, continue the cooking." Sabi ni Drakius at lumabas.

Kumain muna ako habang hinihintay si Drakius. At nang makabalik na si Drakius ay lumabas na kaming dalawa ni Darius kasama na si Drakius at Drakora.

Pumwesto kami sa harap ng isang malaking troso ng puno. Hinanda na ni Darius ang kanan niyang braso. Kumpara kay Drakius ay mas maskulado si Darius at matangkad.

Hinawakan ko ang kanan niyang kamay gamit ang kaliwa kong kamay.

"Is each side ready?"

Walang umimik at nagkatinginan lang kami ni Darius.

"It seems so. On the the count of three. THREE!" Sigaw ni Drakius.

Nakipagbuno braso ako at parang parehas lang kami ng lakas.

Nagamit siya ng magia para magpalakas pero hindi ako magpapatalo. Gumamit rin ako ng magia at gumaan ang braso niya. Madali kong napatumba ang braso niya at ako ang nanalo.

"Puwaahhahahahahha! You should've seen your face, Darius! HAHHAHAHA!!" Tuwang saad ni Drakora.

"Oh my. Her highness may look frail, but she trained with one of the best knights in the Kingdom." Sabi ni Drakius.

Pagtingin ko kay Darius ay nakatingin ito sa wala na parang hindi niya inakala na matatalo siya.

Natauhan siguro ito at tumayo.

Primeria AcademyWhere stories live. Discover now