"It's okay. Mukha lang masamang tao 'yan pero mabait naman kahit paano." Pabiro kong sabi. Nang masiguro ko na gumaan na ang pakiramdam niya ay iginiya ko na siya paupo sa passenger's seat.

Naging tahimik ang byahe namin patungo sa school. Panay din ang sulyap ni Jordan sa aming dalawa at ako naman ay kay Yshara. Usually when we're together in my McLaren, she'll be doing sign languages so that we can talk. Pero ngayon ay halata ang pagkahiya niya kay Jordan, ni hindi niya man lang magawang lumingon sa akin.

"Pwede naman kayong mag-usap na dalawa. Tratuhin niyo akong parang di nag-e-exist, iyon naman ang papel ko sa mundo." Kung hindi ko lubos na kilala si Jordan ay malamang naisip ko na seryoso siya sa sinasabi niya. "Sige lang huwag na kayong mahiya sa akin. Para namang pinaparamdam niyo sa akin na hindi ako belong," I wanna twist his tongue right now, ang drama at ang daldal pa.

"Tell your friend I'm fine with the silence. He shouldn't worry or anything," nagulat ako sa biglaang pagtaas ng kamay ni Yshara upang makapag-sign language.

"Bro! Anong sabi?" Lumapit sa akin si Jordan, napapreno ako sa gulat at agad na nilingon si Yshara.

"You okay?" Tumango naman si Yshara mabuti at sanay na siyang magseat belt ngayon. "What?" May pagbabanta naman ngayon sa tono ng boses ko nang lingunin ko si Jordan. Tinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko, at muling sumandal na lamang sa upuan niya. "She told me to tell you she's fine with the silence and that you don't have to worry at all." Pahabol ko nang sa wakas ay mukhang magtitino na rin ang isang 'to.

"Wow! Cool! Ang galing mo na sa sign language bro!" Napailing na lang ako nang magawa niya pang purihin iyon. He should keep quiet now.

Bago magtungo sa classroom namin ay ihahatid ko muna si Yshara sa kanila. Nagpresinta naman si Jordan na bibitbitin niya na ang bag ko patungo sa classroom namin. Tumango na lang ako dahil nakuha niya na agad ang bag ko at mabilisang umalis.

"Akin na 'yang bag mo." Ani ko kay Yshara. Umiling siya.

"It's not that heavy." Although I insisted ay tumanggi pa rin siya. Parang ang daming laman ng bag niya ngayon. "Where will we eat our lunch later?" Natigilan pa ako sa naging tanong niya. "My Yaya cooked for two today so..." Tumigil siya sandali sa paggalaw ng mga kamay niya at tumingin sa malayo tila nag-iisip. Ilang sandali pa ay sinimulan niya na ulit gumawa ng mga sinyales gamit ang kanyang mga kamay. Tinuro niya ako gamit ang kanyang daliri. "You might want to have these lunch with me, if you're not busy? Or kasabay mo si Jordan ngayon?" She blushes, napangiti ako. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko.

"You know I can find time for you, why ask the obvious?"

"You have other friends and..." Binitin niya sa ere ang kanyang kamay bago marahang binaba ito, pinirmi sa magkabilang gilid niya. Kinuha ko ito at muling itinaas.

"Say it." Ani ko sa kanya. Napaatras siya. Shit. Wrong words. "No, I mean... Do a sign language of whatever you want to tell me," agap ko. She squared her shoulders, binitiwan ko na ang mga kamay niya. She starts moving those.

"You have other friends..." Pag-uulit niya. "And everyone seems to really like you a lot...I remember girls at my class asking a lot about you from me..." Bumaba ang kanyang tingin kasabay nang pagbaba ng kanyang mga kamay. Hinawakan ko siya sa may siko, marahang pinadaan ang hinlalaki kong daliri rito.

"Tell me they're not hurting you right? Or are they?" Umiling-iling siya, nakahinga ako nang maluwag.

"I am just not used to getting a lot of attention again. And I am getting that just because we were seen together a lot...and uh...girls are those who are asking a lot." Kinagat niya ang ibabang labi niya. Hindi pa rin nagtataas ng tingin sa akin. "So I kinda ask, why me? I mean there are a lot of pretty girls, way better than I am. Girls who---" sinikop ang mga kamay niya at binaba ito. I cut her off.

Until You Say It [Completed]Where stories live. Discover now