Part 02

591 19 1
                                    

"HELLO, Roman. M-may nangyari ba? Sabihin mo!"


Ganoon na lamang ang pag-aalala ni Madel pagkasagot niya ng cellphone niya. Bihira lang kasi na tumawag ang pamilya niya sa Pilipinas dahil nga sa mahal ang pantawag. Kaya naman ay siya na lamang ang tumatawag sa mga ito. Nang minsan na tumawag ang kanyang asawa ay noong na-ospital si Angeline dahil sa na-dengue ito. Noong mga nakaraang buwan naman ay namatay ang pinsan niya kaya rin ito tumawag.



Laging masamang balita ang hatid ni Roman kapag ito ang tumatawag kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala.


"Kumusta ka na diyan Madel?" Ang tugon ni Roman.



"OK lang ako dito Roman. Ikaw...Kayo ang kumusta. Bakit ka napatawag? May masama bang nangyari?" Halata ang pagkabalisa sa kanyang pagsasalita kaya naman bahagyang natawa sa kanya si Roman.


Sa pagtawang iyon ni Roman ay medyo naasar si Madel. "Ano ba Roman, bakit may gana ka pang tumawa diyan? Nag-aalala na ako dito!"


"Kalma lang Madel...Walang masamang nangyari. OK kaming lahat dito. Wala kang dapat ipagalala."


"Eh bakit ka kasi napatawag? Dati kasi tumatawag ka lamang kapag may masamang nangyari diyan sa atin..."



"Iyong anak kasi natin na si Angeline...Pinapatanong kung uuwi ka bago mag-Pasko..."


Bago pa man siya makasagot ay narinig niya sa background ang cute na cute na boses ni Angeline na mukhang kinukulit nito ang ama. "Papa, papa! Si Mama na ba 'yan? Pakausap kay Mama, Papa. Sige na po..."


Biglang lumambot ang puso ni Madel ng marinig niya si Angeline. Ganoon niya kamiss ang kanyang anak. "R-roman, pwede ko bang makausap si Angeline?" Maiiyak na talaga siya.



"Sige, sandali lang Madel," turan sa kanya ng kanyang asawa.



Ilang sandali pa ay si Angeline na ang may hawak ng cellphone. "Hello Mama!" Masigla nitong bungad.


Naitakip ni Madel ang isang kamay sa kanyang bibig upang mapigilan ang paghikbi. "A-anak...Angeline, kumusta ka na?"



"Ayos lang po ako Mama. Miss na miss na po kita. Kailan ka po ba uuwi?"



"Miss na rin kita anak! Malapit na akong umuwi. Hintayin mo ang Mama, ha?"



"Opo Mama...Mama, may gusto po pala akong ngayong Pasko. Iyong manika na kasinglaki ko na nagsasalita!"



"Talaga? Hayaan mo, pag-uwi ko may dala na akong manika mo. Basta magpapakabait ka lang ha? Wag magpapasaway kina Papa at pati na kina lolo at lola..."



"Good girl naman po ako Mama!"



"O sige, ibigay mo na kay Papa ang telepono. May sasabihin lang ako sa kanya. Mahal kita anak ko!"


"Mahal din kita, Mama!"


Maya-maya nga ay ang kanyang asawa na si Roman na ang kanyang kausap. "Uuwi ka ba bago mag Pasko Madel?" tanong nito sa kanya.



"Oo Roman. Uuwi ako. Basta magugulat na lamang kayo dahil sosorpresahin ko kayo at dala ko na rin ang manika ni Angeline---"


Natigilan si Madel ng bigla niyang marinig ang pagtawag sa kanya ni Mr. Harold Scott.


Ito ay ang kanyang among lalaki. "Madel! Madel, come here!" sigaw nito.



"I am coming Mr. Scott!" aniya at ibinalik sa tenga ang hawak na cellphone. "Roman saka na lamang tayo mag-usap ha. Tinatawag na ako ng amo ko...Ako na lang ang tatawag sa inyo baka sa susunod na araw. Mahal na mahal ko kayo!"



Hindi na nahintay ni Madel ang pagsasalita ni Roman dahil ibinaba na niya ang kanyang cellphone dahil panay ang tawag sa kanya ng among lalaki. Agad niya itong pinuntahan sa master's bedroom at nakita niyang bagong paligo ito at nakatapis lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.


"What can I do to you Mr. Scott?" Nakayuko niyang tanong dito dahil talagang naiilang siya sa ayos nito.

I'll Be Home For ChristmasWhere stories live. Discover now