Part 06

502 17 0
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay ni Madel habang dadamputin niya ang kanyang passport. Paanong napunta iyon sa kwarto nina Mrs. Scott? Maaring ito ang kumuha ng kanyang passport!



Sa wakas ay nasa kanyang mga kamay na ang kanyang passport. Nakita na rin niya ito at talagang makakaalis na siya.



Nagulangtang si Madel ng biglang magsalita mula sa kanyang likuran si Mrs. Scott. "What are you doing?!"



Sa labis na pagkabigla ay napaharap si Madel dito ng hindi man lamang naitatago ang kanyang passport. Kaya naman ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Mrs. Scott ng makitang hawak niya ang kanyang passport.



"What the hell!" Mabilis na hinablot nito ang kanyang passport sa kanyang mga kamay.



"Mrs. Scott!" aniya. "Give me back my passport please..." halos lumuhod na pakiusap ni Madel dito.


"NO! You can't have it!"



"Mrs. Scott please..."



"I said NO! I know your plans Madel. You will leave us without us knowing, right? So I will take your passport so you can't go!" bulyaw nito sa kanya.



Tatalikod na sana si Mrs. Scott pero hinawakan ito ni Madel sa braso para muling makiusap. Malakas na ipiniksi ni Mrs. Scott ang braso nito dahilan para matumba siya at tumama ang kanyang noo sa gilid ng kama ng mga ito.



Tuloy-tuloy na lumabas si Mrs. Scott. Hindi man lang ito nag-abala na tingnan kung anong nangyari sa kanya.



"Diyos ko po!" bulalas ni Madel matapos niyang sapuin ang kanyang noo at nalaman niyang nagdurugo iyon.



Agad niyang hinanap ang medicine cabinet at mag-isang ginamot ang tinamo niyang sugat.



Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy na lamang ni Madel ang paglilinis sa master's bedroom pero ang isip niya ay tumatakbo kung paano niya makukuha ang kanyang passport.



* * * * * * * * * * * * * * * * *



ISANG GABI. Tulog na ang lahat sa bahay na iyon maliban kay Madel na pinakikiramdaman ang kanyang kapaligiran.


Nakaupo pa siya sa kanyang kama at maya-maya ay tumayo na siya. Kinuha niya ang kanyang maleta sa ilalim ng kanyang kama. Buo na ang kanyang desisyun. Aalis siya kahit walang passport na dala. Magpapatulong na lamang siya sa embassy ng Pilipinas dito.


Ang balak niya ay takasan ngayong gabi ang mga Scott at pansamantala ay doon muna siya makikitira kay Amy o kung hindi man siya pwede doon ay may konting ipon pa naman siya para umupa kahit ng maliit na bahay lamang.


Madilim ang buong paligid. Maingat ang bawat hakbang ni Madel. Hindi siya pwedeng gumawa ng kahit na konting ingay dahil baka magising ang kanyang mga amo.



Nasa salas na siya. Ilang hakbang na lamang at mararating na niya ang pintuan palabas ng lugar na iyon.


May kung anong kaligayahan na nadarama si Madel ng nga oras na iyon...



Makakapiling na rin niya ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Magsasama-sama na rin sila at ipinapangako niyang hindi na sila magkakahiwalay-hiwalay pa.



Dahan-dahan ang mga galaw ni Madel. Sa wakas ay nasa harapan na siya ng pintuan. Abot-kamay na niya ang kanyang kalayaan. Bubuksan na sana niya ang pinto ng walang anu-ano ay biglang nabuhay ang ilaw sa buong kabahayan!



Mabilis na lumingon sa likod niya si Madel at nanghindik siya ng makita niya na nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Scott na nakatingin sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hindi na siya naka-igik ng sabunutan siya nito at hilahin pabalik sa living room.



"Where do you think you're going?! Bitch!" At malakas na itinulak siya nito.


Napadapa siya. Pinagmumura siya ni Mrs. Scott habang nakalugmok siya. Napakawalang-kwenta at wala daw siyang utang na loob. Sinabi pa nito na babawasan nito ang kanyang sweldo dahil sa kanyang pagtatangkang pagtakas.


"I want to be with my family this Christmas! Can't you understand that Mrs. Scott?" mahina ngunit may diin sa kanyang pagsasslita at matalim niyang tinignan ang among babae.

I'll Be Home For ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon