Part 01

1K 22 0
                                    

"ANG dami mo namang biniling chocolates, Madel. Para saan ba iyan?" Ang tanong kay Madel ng kaibigan niyang si Amy ng lumabas sila ng department store.



Ngumiti si Madel. "Alam mo naman na mahilig sa tsokolate ang anak ko sa Pilipinas, diba? Kaya dinamihan ko na para matuwa sila sa mga ibibigay ko sa kanila."


"Ganun ba?" Tinignan ni Amy ang dala nitong pinamili at chineck kung may kulang pa. "Kelan mo naman iyan ipapapackage? Dapat ipadala mo na iyan ng umabot sa Pasko. Aba, December na bukas ah."


"Hindi ko naman ito ipapackage Amy. Uuwi ako bago mag-Pasko!" deklara niya.



"Wow! Talaga? Akala ko ba parang ayaw kang pauwiin ng amo mong Canadian? Paano iyon?"



"Kakausapin ko sila mamaya. Siguro naman mauunawaan nila ako. Limang taon na akong hindi umuuwi ng Pilipinas. Miss na miss ko na ang mag-aama ko Amy. Alam mo naman na tanging sa pictures ko lang sila nakikita..." malungkot na sagot ni Madel.



Sumakay na ang dalawa sa bus pauwi.


Habang umaandar ang bus ay nakatingin sa labas ng bintana ng bus ang nalulungkot na si Madel.


Limang taon na siyang OFW dito sa Canada bilang domestic helper. Sa isang Canadian family siya nagtatrabaho. Aaminin niya na hindi maganda ang pakikitungo ng pamilyang punagsisilbihan niya sa kanya dahil maliit ang tingin ng mag-asawang Scott sa mga Pilipinang tulad niya.


Bente-singko anyos siya ng umalis ng Pilipinas. Iniwan niya noon ang asawang si Roman at ang anak nilang dalawang taon na si Angeline. Factory worker ang kanyang asawa noon. Ayos naman ang lahat pero simula ng magkasakit ito sa puso ay hindi na niya ito pinagtrabaho dahil sa maselan nitong kalagayan.


Agad siyang nag-asikaso paalis ng bansa upang magtrabaho kahit labag sa kanyang kalooban. Ayaw niya kasing mawalay sa pamilya niya...



Naalala pa niya noong papaalis siya at inihatid siya ng kanyang nanay, tatay, mga kapatid, si Roman at ni Angeline sa airport...Walang pagsidlan ang kanilang mga luha noon.



Panay ang iyakan nila na parang hindi na siya babalik.



"Mag-iingat ka doon anak ha?" ang lumuluhang paalala ng kanyang ina.



"Opo Inay...Wag po kayong mag-alala dahil kaya ko naman po ang sarili ko," lumuluha na rin siya. Ayaw sana niyang umiyak dahil upang ipakita sa pamilya niya na matatag siya pero hindi niya pala kaya ang itago ang mga luha.


Ganoon pala talaga ang nararamdaman ng isang Pilipinong aalis ng bansa para magtrabaho. Napakahirap na parang ayaw mo ng umalis dahil namimiss mo agad ang iiwanan mong pamilya.



Tumingin siya kay Roman na karga-karga ang kanilang anak na si Angeline. Tulog na tulog ang bata sa kabila ng pag-iiyakan nila. "Roman, alagaan mo ang sarili mo ha. Masusustentuhan na rin natin ang maintenance ng gamot mo"


"Ako dapat ang gumagawa nito Madel. Ako dapat ang nagtatrabaho sa ating dalawa hindi ikaw." Nakayukong turan ni Roman.


Hinwakan niya ang mukha ni Roman at iniaangat iyon. "Huwag mong sabihin iyan Roman..." pinalis niya ang luha ng asawa.


"Napakalaking bagay na ang ikaw ang nagtrabaho noon para sa atin. Isa pa, sa loob ng limang taon nating pagsasama ay naging napakabuti mong haligi ng tahanan..." Pagpapatuloy niya.



"Hindi Madel...Ako dapat ang gumagawa niyan."


I'll Be Home For ChristmasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora