Last Part

776 32 4
                                    

PAGKABABA ng taxi ay napahawak sa kanyang dibdib si Amy. Nasa harapan siya ngayong ng building kung saan naroon ang condo unit na tinitirhan ng mga Scott kasama si Madel. Hindi talaga maganda ang kanyang pakiramdam dahil parang may hindi magandang nangyari kay Madel.



Madali niyang nahanap ang unit ng mga ito dahik minsan na siyang nakapunta doon ng ihatid niya ang kanyang kaibigan.



Nag door bell siya at isang babaeng Canadian ang nagbukas sa kanya ng pinto. Ito na marahil si Mrs. Scott dahil sa masungit ang mukha nito.


"Who are you?" Nakataas agad ang kilay na tanong nito sa kanya.



"My name is Amy. I am a friend of Madel. Can I see her ma'am?" Magalang na turan niya.



Lalong napasimangot si Mrs. Scott. "She's not here anymore. She escaped and ran away from us!"


Sasarahan na sana ni Mrs. Scott ang pinto pero agad niya itong pinigilan. "Wait! What do you mean by that?"



"Just get away!" Pagtataboy nito.



"No, I don't believe you. Madel is still in here" Pagpipilit niya at nagsisigaw siya para tawagin ang kaibigan. "Madel! Madel! Ako to si Amy! Sumigaw ka kung andiyan ka sa loob! Madel!"


Dahil sa ginawa niya ay lalo siyang ipinagtulakan ni Mrs. Scott pero mas mapilit siyang makita ang kanyang kaibigan. "What are you doing?! Go away!!!"


* * * * * * * * * * * * * * * * *



BIGLANG napatayo si Madel sa loob ng closet ng marinig niya ang boses ni Amy. Nabuhayan siya ng loob.



Nagsisigaw na rin siya. "Amy! Andito ako! Tulungan mo ako! Kinulong nila ako sa closet!"



"Madel...." narinig ni Madel na turan ni Amy hanggang sa maglaho na ang boses nito.



Marahil ay napalabas na ito ni Mrs. Scott. Dahil sa sobrang inis ay nasipa niya ang pinto ng closet kaya medyo bumukas iyon. Nagkaroon ng munting pag-asa si Madel...Muli niyang sinipa ng malakas ang pinto!



* * * * * * * * * * * * * * * * *



"GET OUT!!!" Malakas na itinulak si Amy ni Mrs. Scott palabas sabay sarado nito ng pinto.



"Nakakaasar talaga naman ang Mrs. Scott na 'yan! Naku, baka kung anong masamang gawin niya sa kaibigan ko! Kailangan kong humingi ng tulong!" mag-isang litanya ni Amy.



Pero kanino nga ba siya hihingi ng tulong? Tama, maaaring sa security guard ng building na ito. Kanina kasi na bago siya pumasok ay napansin niya na Pilipino ang guard sa labas kaya nakipagkwentuhan muna siya sa sandali. Tutulungan siya nito dahil magkakababayan sila. Ganun naman talaga ang karamihan sa mga OFW, basta kababayan ay hindi na itinuturing na iba.


Agad naman niyang pinuntahan ang guard at kinausap ito. Napapayag naman ito ni Amy na ito na mismo ang pumasok sa unit ng mga Scott para kunin ang kaibigan niyang si Madel.


Kumatok sila at ang galit na mukha ni Mrs. Scott ang sumalubong sa kanila.


Kinausap ito ng guard at walang nagawa si Mrs. Scott kundi ang papasukin sina Amy at iyong guard. Pero ganoon na lamang ang panlulumo ni Amy ng hindi niya makita si Madel sa loob.



"Diyos ko...Ano na pong nangyari kay Madel?" ani Amy.



Hiling niya na sana ay walabg masamang nangyari sa kanyang kaibigan.



* * * * * * * * * * * * * * * * *



HUMIHINGAL na tumigil sa pagtakbo si Madel. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Hindi na pamilyar sa kanya ang lugar na ito...



Medyo namamanhid na din ang kanyang talampakan dahil sa lamig ng niyebe na nanunuot sa kanyang balat. Wala kasi siyang sapin sa paa dahil sa pagmamadali niyang makatakas kanina.

I'll Be Home For ChristmasWhere stories live. Discover now