Siya ang nagmamay-ari ng pinakasikat at maunlad na hotel sa bahaging ito ng Norte.

Ngunit kaakibat ng pangalan nila ay ang isang matagal nang kwentong barbero sa bayan nila na mga hindi nag-iisip ng matino lamang ang maniniwala.

Bata pa ako nang marinig ko ang tungkol sa pagkawala ng padre de pamilya ng mga Montevista.

Sumama raw ito sa isang disgrasyadang babae. Nagalit ang mga engkantada at hindi na sila nakalabas pa mula sa kagubatan ng Montevista kung saan sila nagtago.

Naging masaya naman ang araw namin ni Jako. Katulad pa rin ng dati. Hindi siya nauubusan ng kwento.

Kahit hindi ako masyadong tumutugon ay hindi naman naging boring ang maghapon.

Dahil may kalayuan mula sa San Isidro ang Olivares ay ginabi na kami ni Jako sa biyahe.

Hindi ko na pinababa pa si Jako mula sa sasakyan niya. Paghinto namin sa may tapat ng villa ay nagpaalam na ako saka ko hinintay ang pag-alis niya.

Napahinga ako ng malalim nang makalayo na ang sasakyan.

Kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam ko mula sa katotohanan na ulila na ako ng lubos.

Mabuti na lamang at hindi nagbago ang samahan namin ni Jako kahit pa ilang taon akong hindi nagparamdam sa kanya.

Mula nang lisanin ko ang lugar na ito ay pinutol ko na ang lahat ng ugnayan ko sa mga tao na narito. Including Jako.

He's a good man. Sa lahat ng naging kaibigan ko dito sa San Isidro ay tanging si Jako lang ang talagang napagkatiwalaan ko.

Kahit noong mga panahon na nakikipagdate na ako sa kanya. Ang hindi ko lang gusto sa kanya noon ay masyado siyang makulit at sabik sa sex.

Ngunit sa nakikita ko ngayon ay mukhang nagmature na rin naman pati ang pag-iisip niya. Responsable at masunuring anak pa rin katulad noon ayon na rin sa mga naikwento niya tungkol sa naging buhay niya sa loob ng limang taon.

Napalingon ako nang bigla ay marinig ko ang tunog ng gitara mula sa may portico.

Bakit parang sa'kin lamang may galit?
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan,
Na pagbigyan ang hiling?

Nakita ko si Ralf na nakaupo doon at tumutugtog. Ilang sandali kaming nagkatitigan hanggang sa ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin saka na ako naglakad patungo sa pintuan.

Huminto siya sa pagtipa saka niya tinawag ang pangalan ko. Napahinto ako ngunit hindi ako nag-abala na lingunin siya.

"Gusto ko lang ihingi ng tawad ang iniasal ko sayo kaninang umaga."

Marahan akong lumingon sa kanya ngunit hindi ko siya sinagot.

Binitawan niya ang gitara niya saka siya tumayo at naglakad palapit sa akin.

Hindi ko tuloy naiwasan na hindi tumingin sa maskulado niyang katawan.

Shit! Bakit ba wala siyang suot na pang-itaas? Napalunok ako saka ko mabilis na inilipat sa mukha niya ang tingin ko.

"Hindi makatuwiran ang ginawa kong pag-akusa sayo kanina. Alam ko na mali ako sa bagay na iyon kaya humihingi ako ng paumanhin sayo." mahinahon na sabi niya.

"Ryle told me what really happened. It was his mistake. Sana tanggapin mo ang apology ko."

Natawa naman ako. Saka ako napasulyap muli sa matipuno niyang dibdib. Isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na nagdaan sa isipan ko na nagpawala ng ngiti ko.

Beloved Bastard (Completed) Where stories live. Discover now