"Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan." masuyong bulong ni Mama.

Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa mga narinig at nasaksihan ko.

Mabilis na akong naglakad palabas muli sa bahay. Kung paano ako nakalabas ay hindi ko na alam.

Sa mga sandaling ito ay kinasusuklaman ko sila pareho. Silang dalawa. Gusto kong sumigaw at magwala.

Paano nagawa ni Mama iyon kay Papa? Paano niya nagawa iyon sa amin?

Paano iyon nagawa ni Rafael sa aming lahat? Kinupkop siya ni Papa. Pinakain at pinagkatiwalaan. Mas anak pa nga ang turing nila sa kanya kaysa sa akin.

Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sa kaibuturan ng dibdib konay may nakakapa ako na kakaibang kirot at hapdi.

Parang pinipiga ang puso ko sa kaalaman na si Rafael ang taong sumisira sa pamilya ko.

Bigla ay nagbalik na naman sa isipan ko ang mga eksenang nasaksihan ko sa kamalig.

Si Rafael at si Celine na halos nagtatalik na.

Kasunod ay ang eksena sa silid ni Ralf. Silang dalawa ni Mama. Ang hubad niyang katawan. Ang paghaplos ni Mama sa dibdib niya. Ang paghalik sa kanya ni Mama.

Kung alam mo lang kung gaano kita pinanabikan.

Oh God! Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito.

Hindi pa ako nakakahuma mula sa alaala ng kataksilan ni Mama ay sumunod naman na nanariwa sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Ralf sa loob ng silid ko.

Muntikan na niya akong maangkin at natatakot ako sa galit na nakita ko sa mga mata niya nang mga sandaling iyon.

Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na nagugustuhan ng katawan ko ang kakaibang pakiramdam sa tuwing didikitan ako ng lalaking iyon.

Ngunit hindi ko dapat hinahayaan na matalo ng emosyon ko ang katinuan ng isip ko. Mabuti na lamang at hindi niya iyon naituloy.

Kinasusuklaman ko siya dahil sa mga kapangahasan niya. Kinasusuklaman ko rin ang sarili kong ina dahil sa kataksilan niya.

Hindi ako umuwi sa bahay hangga't hindi pa nagdidilim. Nagpalipas na lang ako ng oras sa gitna ng taniman ng mangga.

Hindi naman panahon ng pamumunga ng mga iyon dahil kakatapos pa lang nilang magharvest noong nakaraang buwan kaya walang tao doon.

Kinagabihan ay sinadya ko na puntahan si Papa sa loob ng library nang mabanggit sa akin ng katulong na naroon siya at may tinatapos na mga gawain.

Kumatok ako dahil baka maabala ko siya sa ginagawa niya ngunit kaagad din naman niya akong pinatuloy.

Nag-angat pa siya sa akin ng tingin mula sa binabasa niyang mga papel sa mesa.

"Ikaw pala, anak." nakangiting sabi niya na ikinahinto ko sa paghakbang.

Kinakabahan ako na nakatitig sa kanya at hindi ko malaman kung dapat ko bang ituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil nakikita ko sa kanya na nasa magandang mood siya ngayon at ayoko sanang sirain iyon.

Ngunit kailangan ko nang mapaalis si Rafael sa bahay na ito. Sa buong hacienda na ito na pag-aari ng pamilya namin.

"Lumaki ka nang ganyan kagwapo nang hindi ko man lang namamalayan. Kaya lang ay gwapo rin pala ang gusto mo." nakangiting biro niya.

Beloved Bastard (Completed) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ