Chapter 68

690 21 6
                                    

Dawi POV

   Kanina ko pa pinagmamasdan ang buong paligid.Madilim na ang kalangitan na halos ikinubli na ng itim na mga ulap ang liwanag.Ang ihip ng hangin ay may hatid na hapdi sa balat na animo'y hinihiwa ang mga ito.

" nasaan sila? " tanong sa akin ni Ceruz habang ang mga mata ay nakatuon sa itaas.Marahil pinagmamasdan niya rin ang mga kakaibang kaganapan dito sa aming kinaroroonan.

Napagtagumpayan kong maisara ang lagusang konektado sa mundo ng Vxien subalit wala pa ring pagbabago sa mundong ito.

Wala akong naisagot sa katanungan ni Ceruz sapagkat maging ako ay wala ring ideya kung nasaan na sila o kung ano ang nangyari sa kanila.

Unti-unting naglaho ang paunang balute sa aking katawan ngunit nanatiling nasa aking kamay ang aking pandigmang sandata.

Hindi pa rin magkamayaw sa paglipad ang mga natitirang Vxien.Napabuntong-hininga na lamang ako habang ang atensyon ay nasa mga ito.

" tara na at linisin na natin ang mga natitirang kalat " kaswal kong aya sa kay Ceruz na nakatingin na sa akin ngayon.Pagtango lamang ang naging tugon nito at bigla na lamang naglaho na parang bula sa aking tabi.Ang huli ko na lamang na nasaksihan ay ang pagsakop ng nagraragasang apoy sa kalangitan at ang sunod-sunod at walang humpay na pagbulusok ng mga natustang mga Vxien sa kalupaan at karagatan.

Wala na akong inaksayang oras pa at mabilis ko na ring tinapos ang pagsugpo sa mga Vxien.Abala kami ni Ceruz sa kanya-kanya naming ginagawa ng bigla kaming natigilan ng pumailanglang ang napakalakas na enerhiya sa paligid.Mas higit na malakas ito kumpara sa mga nauna at huli naming nakalaban.

Kapansin-pansin rin ang tila pagwawala ng mga Vxien sa paligid na para bang mayroong gumugulo sa kanilang sistema.

Mula sa di kalayuan.Sa dulong bahagi ng lugar na ito kung saan nagkasalubong ang himpapawid at karagatan,lumitaw ang apat na pigura ng hindi naming mawaring nilalang.

Huminto kami sa aming ginagawa at maigi silang pinagmasdan at inobserbahan.Hindi ako maaaring magkamali na sa kanila nagmumula ang ganoong kalakas na enerhiya.

Habang lumilipas ang bawat minuto,mas tumitindi pa ang pagpabalot ng hindi masukat na kapangyarihan sa paligid.Naramdaman ko ang presensya ni Ceruz sa aking tabi subalit hindi ko na siya nagawang tingnan pa dahil nakatuon lamang ang aking atensyon sa malayo kung saan ang kaninang hindi maaninag ng dalawa kong mata ay unti-unti ng nabibigyan ng linaw.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ni Ceruz ng bigla na lamang lumitaw ang hindi naming inaasahang malaking orbeng enerhiya sa aming direksyon.Mabilis kong ikinumpas ang aking mga kamay sa hangin at kasabay ng pagsabog ng naturang enerhiya ang siya ring pagbalot sa amin ng aking kapangyarihang tubig.

Unti-unting nagbago ang aming anyo ni Ceruz.Ang una naming anyo.Sa pagkakataong ito,nakahanda na kaming dalawa sa maaaring pag-atake ng kalaban.

Hindi naglaon ay tuluyan ng lumantad sa aming harapan ang mga hindi pamilyar na nilalang.Apat sila.At sa apat na iyon ay tanging si Pigurano lamang ang aking kilala.

Si Pigurano.

Ang kakambal ni Haring Agos.

Maliban sa huling pangalang nabanggit ay hindi ko na kilala ang mga kasamahan nito.Ang unang nakakuha ng aking atensyon ay iyong malaking nilalang na hugis hayop ang kalahating katawan na maihahalintulad ko sa isang baboy ramo ang anyo ng kaniyang itaas na bahagi ng kaniyang katawan samantalang walang pinagkaiba naman sa ordinaryong tao ang kaniyang pang-ibabang parte ng katawan.

Ang ikalawang nilalang na nasa tabi ni Pigurano ay isang dilag.Nakasuot ito ng kasuotan na hapit na hapit sa kaniyang katawan kung saan lantad na ang malulusog nitong dibdib at ang nakabibighaning kagandahan ng katawan nito.

Ang ikatlo at huli sa mga kasama ni Pigurano ay isang matipunong lalaki.May katangkaran ang isang ito.Lahat sila ay binabalutan ng napakalakas na enerhiya.Batid kong mga Dyos sila ng Kailaliman at alam kong ang bawat sa kanila ay may walang hanggang kapangyarihan.

Inayos ko ang aking pagkakatayo habang hindi binabali ang atensyon sa mga paparating na kalaban.

Ang paligid ay tuluyang binalutan ng kadiliman.Ang ihip ng hangin ay mahapdi na sa balat.Maging ang atmospera ay tila bang bumibigat na.

Kapwa kaming nagkatinginang lahat.Wala kang mababakas na kahit na anong emosyon o reaksyon sa kanilang mga mukha maging sa kanilang mga mata.Lahat sila ay nakapukol ang mga mata sa aming dalawa ni Ceruz na waring pinag-aaralan ang katauhan namin.

" ang tatlong kaluluwa ni Pigurano " mahinang usal ni Ceruz sapat na para marinig ko.Binalingan ko siya ng tingin dahil sa hindi pamilyar na salitang binanggit.

" tatlong kaluluwa?? " nagtataka kong tanong sa kanya.

Biglang binalot ng katahimikan ang paligid.Ang kaninang maalon na karagatan ay unti-unting humupa at tuluyang pumayapa.

" ang mga perpektong likha ni Pigurano gamit ang kaniyang kapangyarihan " sagot nito subalit ang mga mata ay nasa apat na bulto ng nilalang sa gawing harapan.

Sadya ngang makapangyarihan si Pigurano.Kung gayon magkasing tulad pala sila ni Tanglaw na kayang lumikha ng nilalang gamit ang kani-kanilang kapangyarihan.Maging ako ay nasubukan ko ng gawin ang prosesong iyon subalit higit na mas bihasa sila sa larangang ito.

" si Akim,ang una niyang likha,siya ay hinugot mula sa kasakiman ni Pigurano,katulad ni Pigurano,sakim siya sa kapangyarihan at katanyagan,ang ikalawa naman ay si Alit,ang nag-iisang babaeng kaniyang nilikha.Si Alit ay kaniyang hinulma mula sa galit na bumabalot sa kaniyang katauhan.At ang ikatlo " bahagya siyang natigilan sa nais sabihin.Marahil hinahanap niya pa sa kaniyang lalamunan kung anong eksaktong salita ang kailangan niyang mailuwal.

" ang ikalawang Pigurano " malamig niyang wika na siyang ikinanoot ng aking noo.Anong ibig niyang sabihin?.

" ang ikalawang Pigurano? " nagtataka kong tanong sa kaniya.

" siya ay ang pinakaperpektong kaniyang nilikha na naaayon sa kaniyang pisikal at emosyonal na aspeto.Kung ano ang katangian ng tunay na Pigurano ay siya ring katangian ng kaniyang likha " paliwanag nito sa akin.Ngayon nauunawaan ko na ang lahat.Hindi nga magiging madali ang lahat ng ito.Hindi mga Dyos ang kasama ni Pigurano kung hindi kaniyang mga alagad.

Tunay ngang makapangyarihan si Pigurano.Lahat ng kaniyang mga nilikha ay nakamamangha.Nakakalungkot lamang isipin na hindi siya naging katulad ng kaniyang kakambal na si Haring Agos.Kung naging katulad lamang siya ni Haring Agos siguro hindi mangyayari ang ganitong kaganapan.

" nararamdaman kong mas malakas siya ngayon kumpara noon " wika ni Ceruz.

Wala akong masyadong alam tungkol sa kay Pigurano.Kilala ko lamang siya sa pangalan dahil madalas itong banggitin sa akin ni Ama.

" ihanda mo ang sarili mo dahil mukhang buhay laban sa buhay ang digmaang ito,tandaan mo palagi Dawi,huwag na huwag kang magpapalinlang sa kay Pigurano,Tuso siya,nasa sa iyo ang Pusong Krystal kaya sigurado akong ikaw ang pupunteryahin niya " habilin sa akin ni Ceruz.Batid ko namang alam na nila na nasa akin ang Pusong Krystal.Kaya sinisiguro kong hindi nila makukuha ito sa akin.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa kaharap.Nakikiramdaman sa bawat isa.Walang nais magpatalo.Nasa ganoon kaming estado ng bigla na lamang lumitaw ang mabilis na paglakbay ng malakas na enerhiya sa aming direksyon.Mabuti na lamang at naging maliksi ang aming galaw at agad naming naiwasan ang nagbabadyang malakas na pag-atake.

Mabilis kong hinanap ang pinanggalingan nun.Hindi naman ako nabigo dahil sa di kalayuan ay nahagip ng mga mata ko ang pinanggalingan niyon.Si Alit.Ang ikalawang likha ni Pigurano.

Nakaguhit sa labi nito ang kakaibang ngising.Ang kaniyang kasuotan ay nakikipagsabayan sa pag-ihip ng hangin.Maninipis na telang nagsisilbing takip sa mga maseselang parte ng katawan ng naturang dilag.Subalit alam ko sa sarili kong hindi ako naaakit sa kahalayang nilalantad ng kaniyang katawan.

Inihanda ko ang aking sarili dahil batid kong hindi talaga magiging madali ang labanang ito.

Ang labanang ito ay magiging parte ng kasaysayan ng sanlibutan at ng mga Dyos.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon