Chapter 27

2K 92 1
                                    

New/Dawi POV

    Nandito kami ngayon sa Ybero upang gawin ang ritwal upang makabalik ako sa mundo ng mga tao.Hinihintay na lang namin ang pagdating ni Haring Agos.
   
" sasama ako " wika ni Dion.Siya ang kasama ko ngayon dahil ang Ama ko ay isa sa mga naatasang magbantay sa lagusan ngayong araw na ito.Nag-usap na rin kami kagabi ni Ama kaya kampante na ito sa naging desisyon ko.
      
" hindi puwede " tipid kong sagot dito.
 
" bakit naman? " may pagkainis na tanong nito.Ang kulit talaga.
         
" basta " wika ko.Hindi ko alam kung ako lang ang mag-isang tutungo sa mundo ng mga tao o mayroon man akong makakasama subalit kung ano man ang magiging desisyon nila,tatanggapin ko.

Ilang sandali pa dumating na si Haring Agos.Nanatili itong nakatayo habang ang mga Ybe ay sinisimulan na ang seremonya.
  
" lumapit kayo sa gitna Dawi " utos ni Haring Agos.Teka 'kayo' ibig sabihin may mga kasama ako.Kung ganoon hindi na rin masama.Nauna akong lumapit sa gitna at hinintay kung sinu-sino ang mga magiging kasama ko.Lumapit ang hindi pamilyar na mukha at tinabihan ako.
   
" siya si Alexir ang mahusay na mandirigma mula sa Palasyo ni Kara " pakilala ni Haring Agos.Kaya pala hindi pamilyar ang kaniyang wangis dahil isa pala itong mandirigma ng isang matapang na Dyosa.Sunod na lumapit ang isang babaeng ngayon ko lang din nakita.
   
" si Eiri ang Dyosa ng Panggagamot " nakangiti itong lumapit sa amin at tumabi sa gawi ni Alexir.Akala ko tapos na subalit muling nagsalita si Haring Agos.Lumapit sa amin si Terra bago tumabi sa akin.Ang Dyos ng Lupa.
  
" mabuti naman at may kakilala na ako " pabulong na sabi ko rito.Isa ito sa mga kaibigan ni Ceruz kaya kilala ko.Napatawa lang ito ng mahina sa aking sinabi.Akala ko tapos na subalit bigla na lamang lumapit sa gitna si Ceruz at tinabihan si Terra.Sandali anong ginagawa niya dito?Huwag niyang sabihin kasama siya papunta sa mundo ng mga mortal?
    
" simulan na ang ritwal!! " utos ni Haring Agos.Nagsimula na ang mga Ybe sa pagbigkas ng mga makapangyarihang salita.Unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang enerhiyang bumalot sa katawan ko hanggang sa bigla na lamang nilamon kami ng liwanag.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at tila parang panaginip ang kung anumang bumungad sa mga mata ko.Ang mga ingay na sanhi ng mga sasakyan,ang mga ilaw na akala mo bituing nagkalat sa kalangitan subalit ito'y mula sa mga nagtataasang mga gusali.
   
" ito na ba ang mundo ng mga mortal? " nagtatakang tanong ni Alexir habang inililibot ang paningin sa paligid.Hindi ko alam ang dahilan pero bigla na lamang may mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata.
  
" ayos ka lang? " magalang na tanong sa akin ni Eiri.Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at hinarap sila.
     
" welcome sa mundo ng mga tao! " masiglang bati ko sa kanila.Napansin kong nagsikunutan ang noo ng apat na kasamahan sa sinabi ko.
 
" ano iyong wel---come?pagkain ba iyon? " nagtatakang tanong ni Terra.Nakalimutan ko pala na hindi pala ito nakakaintindi ng mga salitang dayuhan sa kanilang pandinig.
     
" maligayang pagdating iyon ang ibig kong sabihin " paliwanag ko.Magiging translator ako nito.Hay salamat makakapagsalita na rin ako ng nakasanayan ko.Medyo nahirapan ako roon sa Gitnang Kaharian.
  
" anong plano natin? " seryosong tanong ni Ceruz.Nakalimutan kong nandito pala ito.
    
" una,kailangan muna nating magpalit ng ating kasuotan " simula ko.Nagtinginan naman sila sa sinabi ko.
 
" wala naman akong nakikitang problema sa ating kasuotan Dyos Dawi " ani Alexir.
    
" sa mundo natin wala subalit sa mundong ito,hindi angkop ang ating kasuotan dito,pagtatawanan lang nila tayo at kutyain " paliwanag ko sa kanila.
   
" wala silang karapatang pagtawanan ang mga Dyos!  " galit na wika ni Terra.
      
" dito wala ng Dyos silang kinikilala maliban sa teknolohiya at pera " mahina kong tugon.Binalot kami ng katahimakan.
  
" halika na at magpalit na tayo ng kasuotan " wika ni Ceruz at nauna nang maglakad.Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod dito.

Hindi ko alam kung saan ko una silang dadalhin.Malaki na ang ipinagbago ng siyudad kaya nahihirapan na akong maalala ang lugar ng dati kong apartment o baka nga may panibago ng nagmamay-ari nito.Ang pino-problema ko pa kasi wala kaming perang pambili ng maisusuot.

Napadaan kami sa isang ukay-ukay.Bigla akong may naisip na paraan at sana sa gagawin ko patawarin kami ni Haring Agos.Bahala na lang.Inutusan kong magkita-kita na lang kami doon sa nadaanan naming park malapit dito dahil may mahalaga lang akong gagawin.Pumasok ako sa tindahan ng ukay-ukay at namili ng maisusuot.Nang makahanap na,pumasok ako sa fitting room at ginamit ang kapangyarihang maglaho.Lumitaw ako sa nasabing park kung saan nadatnan ko ang apat na abala sa panonood sa mga batang naglalaro ang skateboard.
  
" suutin niyo ito " utos ko sa kanila.
 
" saan mo naman ito kinuha? " tanong ni Ceruz sa akin.
     
" huh?ahmmmm basta " naiwika ko na lamang.Hindi na lamang ito nagtanong pa at nagsipalit na lang kami ng damit.Mabuti na lamang at nasa madilim na bahagi kami ng park kaya walang taong nakakita sa ginagawa namin.

Makalipas ang ilang sandali,tapos na kaming magbihis at masasabi kong bumagay sa kanila ang kanilang suot.Hindi ko alam na may taste pala ako when it comes to fashion.
   
" ano ang susunod nating gagawin? " wika ni Terra.Napaisip ako.Natatandaan ko pa naman ang pangalan ng lugar ko at apartment kasi pitong araw lang naman akong namalagi sa Gitnang Kaharian,ang tanong lang e kung nasaan kami ngayon?.Pitong taon na ang lumipas sa mundo ng mga tao kaya imposibleng walang pagbabagong naganap.
   
" dito lang muna kayo may itatanong lang ako sa lalaking iyon " paalam ko sa kanila.Hinayaan lang nila ako at pinuntahan ko ang lalaking mag-isang nakaupo sa bangkong kahoy.Magalang ko itong kinausap at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa sadya ko kaya agad ko itong itinanong sa kaniya.Natuwa naman ako dahil alam nito ang tinutukoy kong lugar kaya ngayon may guide kami kung paano pumunta roon.Dalawang sakay mula rito.Pagkatapos bumalik na rin ako sa grupo at ibinahagi ang napag-usapan namin.

Umalis na kami sa park at bago namin bagtasin ang patutunguhang lugar,dumaan muna kami sa pawnshop at isinangla ang aking gintong pulseras.
  
" anong ginagawa mo?! " gulat na tanong sa akin ni Ceruz habang pinipigilan akong hubarin ang suot kong pulseras.
    
" kailangan natin ng pera " sagot ko sa kaniya.Gusto pa sana nitong magsalita subalit pinigilan na ito ni Terra.

Pumara kami nang masasakyang jeep at sumakay na.Gusto kong tumawa nang malakas ngayon dahil sa mga reaksyon ng mga kasama ko.Kanina ayaw nilang sumakay dahil isa raw itong halimaw.Ito raw likha ng itim na mahika.Malilikot ang kanilang mga imahinasyon.Ewan basta laughtrip ang mga kasama ko.At ngayon na nasa loob na sila,hindi ko na maipinta ang kanilang mga pagmumukha.

Inihinto kami sa nasabing lugar.At kung hindi ako nagkakamali ito nga ang dati kong apartment.Napangiti ako habang pinagmamasdan ang pinto ng aking apartment.Iba na ang kulay nito,hindi na ito katulad ng dati.
   
" dito na tayo " wika ko sa kanila.Nilapitan ko ang pinto ng aking apartment subalit naka-lock ito kaya hinanap ko ang may-ari nito.Nagtanong-tanong ako sa mga katabing apartment at itinuro naman nito ang kinaroroonan ng may-ari.Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pinagbuksan ng pinto.
   
" hi " nakangiti kong bati rito.
 
" hello,anong kailangan nila? " nagtataka nitong tanong.Nasaan na iyong matanda?.
    
" hmmm gusto ko lang malaman kung may bagong may-ari na ba ang apartment na iyon " sabay turo ko sa dating tinitirahan.
    
" ahhh iyon ba?oo pero wala na dyang nakatira,ilang taon na rin ang lumipas nang umalis ang may-ari niyan pero mapahanggang ngayon binabayaraan pa rin ang upa diyan kahit wala ng nakatira " paliwanag  nito.
    
" New ba ang pangalan ng nakatira diyan dati? " tanong ko rito.
  
" teka,parang kahawig mo yung ibinigay na picture sa akin ng lola ko,teka lang ah kukunin ko lang " wika nito.Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang lalaki.
    
" tama ikaw nga ito,mabuti at bumalik ka na " masaya nitong sabi sa akin.Nginitian ko lamang ito bilang tugon.
  
" hahaha pwede ko bang makuha ang susi? " muling bumalik ito sa loob at pagbalik dala na nito ang susi at may ibinigay na kahon sa akin.
    
" hindi namin iyan ginalaw o binuksan kaya hindi namin alam kung anong laman niyan,halos ilang taon na ring nakatago iyan sa ilalim ng kama ni lola " wika nito.Nagpasalamat ako rito at nilapitan na ang mga kasamahan.

When A God Fall Inlove ( Editing )Where stories live. Discover now