Chapter 40

1.4K 67 1
                                    

Dawi/New POV

     Habang nasa loob kami ng elevator medyo nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.Hindi ko mawari kung ano ang dahilan nito.Dahil ba ito sa muli naming pagkikita o baka may iba pang dahilan.
    
" ayos ka lang ba? " tanong nito sa akin.Tanging pagtango lang ang naisagot ko rito habang nakayuko.Tila hindi ko yatang makayanang tingnan siya.

Ilang sandali pa'y tumigil na ang elevator at lumabas na kami.Naglakad kami ng ilang metro mula sa elevator bago huminto sa isang unit.Nakita kong binuksan niya ito gamit ang isang card at ilang sandali pa'y tuluyan na itong bumukas.
   
" tuloy ka " alok nito.Wala naman akong nagawa kung hindi ang paunlakan ang paanyaya niya.

Bumungad sa amin ang malinis at maluwang na sala.Walang gaanong furniture rito kaya malaya kang makagagalaw.Iniwan muna ako nito sa sala at pumunta ito sa isang silid.Ilang sandali pa ay lumabas na ito bitbit ang isang tuwalya at damit.
  
" maligo ka muna upang hindi ka lagnatin tsaka ito iyong damit,sa tingin ko kasya naman ito sayo " aniya.Nakapagpalit na rin siya ng damit pambahay.Tinanggap ko naman ito at tinungo ang lugar na itinuro sa akin ni Clide.

Si Clide ang taong kasama ko.

Hubo't hubad na tinanggap ng katawan ko ang maligamgam na tubig na sunod-sunod na nagsisibagsakan mula sa shower.Nanatili muna ako sa ganoong posisyon at hinayaang aliwin ang sarili.
  
" New ayos ka lang ba diyan?? " napakislot ako dahil sa biglang pagsalita ng nasa labas.
    
" oo " tipid kong sagot.

Hindi na rin ako nagtagal at nagpalit na ng damit bago tuluyang lumabas ng banyo.Nadatnan ko naman si Clide na naghahanda ng pagkain sa mesa.Nang mapansin ako nito,mabilis ako nitong nilapitan bitbit ang kaniyang mga ngiti.Ngiting nakakahawa kaya napangiti na rin ako.
   
" gutom ka na ba?? " tanong nito.
      
" oo " naisagot ko na lamang.Naupo na kami at pinagsaluhan ang pagkaing kaniyang inihanda.
  
" kumusta ka na pala?? " pagbubukas nito ng mapag-usapan.
     
" ayos lang naman " sagot ko rito pero hindi ko pa rin magawang tingnan ito sa mga mata kaya nanatiling nakayuko lamang ako habang kumakain at nakikipag-usap sa kaniya.
   
" okay lang bang tanungin ko sayo kung bakit ka naglalakad sa gitna ng ulan?? " medyo nag-aalinlangan nitong tanong.Itinigil ko muna ang aking ginagawa at tiningnan ito.Akmang magsasalita na ako ng marinig ang sunod-sunod na pag-doorbell.Walang nagawa si Clide kung hindi ang tumayo at pagbuksan ang kung sinumang taong nasa labas.Naiwan naman akong mag-isa rito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

" Tito New? " sa ikalawang pagkakataon,natigalan ako sa ginagawa at napalingon sa nagsalita.Walang anu-ano'y sumilay sa labi ko ang isang matamis na ngiti nang magkasalubong ang aming mga paningin.Agad itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako nang mahigpit.Kahit ikalawang pagkakataon pa lamang namin itong pagkikita,ang gaan kaagad ng loob ko rito.Sinuklian ko rin ang mahigpit na yakap nito.Ilang minuto rin ang itinagal namin sa ganoong posisyon bago kami naghiwalay mula sa aming pagkakayakap.Nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa akin.
   
" Tito New ano pong ginagawa niyo rito sa bahay ni Papa " tanong nito.Ang cute niya.Hindi ko naman mapigilan ang  aking sarili't pinisil-pisil ang biluging pisngi nito.Hindi nagkakalayo ang itsura nito sa kay Clide.
    
" nakita kasi ako ng Papa mo kanina sa ibaba " sagot ko sa kaniya.
      
" Tito New dito ka ba matutulog? " natigilan ako sa aking ginagawa at napatingin dito.Kita ko kung paano nagkikislapan ang mga mata nito habang hinihintay ang isasagot ko.
  
" siguro? " walang kasiguraduhang sagot ko.Dumapo ang aking mga mata sa dalawang taong nasa aking harapan.Sina Clide at Anika.Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla akong sinukluban ng kakaibang pakiramdam.
     
" hmmm ihahanda ko lang ang guest room " paalam ni Anika at iniwan kami.Nakatingin lang ako sa kay Clide at mababakas sa mukha nito ang saya sa sinabi ko.Alam kong may nararamdaman pa rin para sa akin si Clide dahil ibang-iba ang kislap ng mga mata nito pero kinakabahan ako kung papaano ko ito sasabihin sa kaniya na pigilan niya na itong kaniyang nararamdaman at ibaling na lang sa kay Anika.

Walang kasalanan dito si Anika subalit sa tingin ko,siya ang naghihirap sa kanilang dalawa.Hindi ko lubos maisip na sa loob ng ilang taong pagsasama nila ni Clide,nakaramdam ba siya nang pagmamahal mula sa kay Clide?kaligayan?.Naaawa ako sa kaniya dahil sa tingin ko'y hindi ito ang buhay na dapat sa kay Anika.She don't deserve this.
   
" Tito kanina pa kita kinakausap but you are not paying attention " pagmamaktol ni Tay.Hinila ako nito papunta sa sala kung saan ipinakita nito ang kaniyang mga laruan.Nakipaglaro na lang ako sa kaniya't nakipagharutan.Nakalimutan kong kumakain pa pala ako dahil sa kakulitan nito.

Mga bandang alas-dies ng gabi,nakatulog na si Tay sa hita ko.Mukhang napagod ata dahil sa nilaro namin kanina.Binuhat ko na lamang ito at akmang ihahatid na sa kwarto nito ng makasalubong ko si Anika.
   
" ay New ako na diyan " sabulong nito at akmang kukunin sa akin si Tay.
  
" ayos lang Anika " wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako sa pagbuhat sa mahimbing na natutulog na si Tay.Dinala niya kami sa silid nito.Dahan-dahan kong inihiga si Tay sa kaniyang malambot na kama bago naupo sa tabi nito.Kaharap ko ngayon si Anika na tahimik na nakatingin sa amin.
    
" ang kulit ng anak mo " nakangiti kong wika rito habang sinusuklay ang mga daliri sa malambot nitong buhok.
  
" sinabi mo pa,minsan nga naha-highblood na kami diyan dahil sa sobrang hyper ng batang iyan,parang wala sa bokabularyo ang salitang pagod " kwento nito.Napangiti na lamang ako dahil sa kaniyang sinabi.Ganun talaga kapag bata.
    
" ikaw kumusta ka naman? " binalot kami ng katahimikan sa naging tanong ko.Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Anika.
      
" you've changed a lot but still the same Anika pa rin,maganda pa rin " nakangiti kong sabi rito.Imbes na ngumiti,nagulat ako dahil humihikbi na ito habang nakayuko.Agad akong naalarma at mabilis itong nilapitan.
  
" whats the problem? " nag-aalala kong tanong dito.May sinabi ba akong ikina-iyak nito.She hugged me habang umiiyak pa rin.Hinayaan ko lamang siya hanggang sa tumahan ito.
    
" I just missed my bestfriend " aniya.Parang may humaplos naman sa puso ko nang marinig ang mga salitang iyon.Inayos na nito ang kaniyang sarili bago tumayo mula sa pagkakaupo.
   
" salamat " wika ko rito.Nakangiti na ito habang nakatingin sa akin.

Lumabas na kami ng silid ni Tay at dumiretso sa sala kung saan nadatnan namin si Clide na may inihahandang pagkain sa center table ng sala.Anong meron?
  
" anong meron?? " nagtataka kong tanong dito.Tinapunan naman kami nito ng tingin at tsaka ngumiti.
     
" hmmm I think magkakaroon tayo ng unexpected reunion ngayon gabi " aniya habang naka-crossed arm.Unexpected reunion?Teka may inaasahan ba silang bisita ngayon?.
   
" pupunta sila Ken? " tanong ni Anika sa asawa.Tanging pagtango lang ang isinagot nito.Wala sa sariling napangiti ako dahil sa narinig.Well siguro its time na rin upang muling magpakita sa mga kaibigan ko.Isasantabi ko muna ang misyon ko rito at bibigyan ko muna ang sarili ng pagkakataon upang makaramdam naman ng kasiyahan mula sa mga kaibigan.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon